Press Release
September 6, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ms. Nimfa Ravelo of DZ Dobol B

On PhilHealth.

Q: Meron na po kayong committee report, ano po ang kasunod nito?

SP Sotto: Natapos na yung period of interpellation ng committee report at sa Lunes, yung mga amendments na gusto pa namin. Karamihan ng mga amendments naman ay padagdag, wala naman akong amendment na nakita na pabawas. In other words, ay very supportive naman ang lahat ng mga senador sapagkat 22 nga ang nakapirma. Alam mo naman doon sa amin, ang talagang committee report na tinatawag na Senate committee report ay pag pinasa sa plenary. Pagka yung mga committee report na ginagawa namin at imbestigasyon pagkatapos hindi naman pumasa sa plenary, draft committee report yun o kaya committee report ng committee lang yun, kung chairman, ganoon yun (unclear).

Q: Ang recommendation po ninyo, unahin ko lang yung pagsasampa ng kaso. Meron pong ilang senador na hindi po sang ayon sa recommendation doon sa committee report na sampahan ng kaso pati si Health Secretary Duque, like si Sen. Lacson na kasama ninyo sa imbestigasyon, sabi niya wala siyang nakitang matibay na ebidensiya.

SP Sotto: Hindi pwedeng wala siyang kinalaman, Ineksplika namin sa mga kasama namin na mga dalawa, tatlo lang naman yung nagtatanong. Hindi naman sila kontra, nagtatanong lang kung bakit. Nung ineksplika namin during the period of interpellation, narealize nila na oo, hindi pwedeng hindi. Ultimo mga kababayan natin, (unclear).

Q: You were explaining na hindi pwedeng hindi kasama sa rekomendadong kasuhan si Sec. Duque.

SP Sotto: Oo, chairman ka ng board. The chairman of the board governs, eh maliwanag naman yun kung ano ang ibig sabihin ng word governs. Lahat, under control niya yun, tapos hindi lang yun siya pa ang chairman, siya ang secretary of health, na siya ang agency ay nasa ilalim ng Department of Health, hindi maaari yung hindi siya kasama. Kasama lahat yun at kailangan panagutin natin sila at sa korte sila mag eksplika sapagkat (unclear) ang findings ng committee. At kung mga kasama naming mga senador, (unclear) malaman naman nila kung ano yung mga dahilan kung bakit yung mga officials na yun ay kasama, wala namang kumontra. As a matter of fact, they are all in favor.

Q: Sabi ninyo nga hindi naman sila kumokontra, so mae-expect ninyo na ma-aaprubahan itong committee report kasama yung rekomendasyon na kasuhan si Sec. Duque and PhilHealth officials. Pagdating sa DOJ sabi ninyo nag usap kayo ni Sec. Menardo Guevarra, binigay ninyo ang information. How confident po kayo na pakakasuhan din nila si Sec Duque?

SP Sotto: Masyadong obvious yung mga findings namin. Tingin ko lahat ng mga rekomendasyon namin na kasuhan nila ay mafafilan nila talaga, both criminal charges at administrative cases.

Q: Pakasuhan kaya ng DOJ kahit na alam naman ni Sec. Guevarra na si Sec. Duque ay pinagtitiwalaan ni Presidente?

SP Sotto: Wala sa usapan yung pinagtitiwalaan o hindi. Kahit naman pinagtitiwalaan ka ng isang tao, kung ang mga ebidensiya o findings ng isang committee ay nakikita ganito-ganito ang ginawa mo or ganito-ganito ang hindi mo ginawa, na pinipilit ni Sec. Duque na wala siyang kinalaman, hindi siya nakapirma, sabi ko nga bilang isang kaibigan, sabi ko makipagusap siya sa isang abogado, magaling na abogado para sabihin sa kanya wag niyang sasabihin yun. Dahil sinasabi niya yun he is practically pleading guilty to Article 217 of the Revised Penal Code, which is pasok ang negligence doon sa 217, sa kabuuan. Pasok na pasok siya roon.

Q: Kasi ang krimen, hindi lang yun sa ginawa mo, kungdi yung hindi mo rin ginawa.

SP Sotto: Correct, oo ganoon yun. Yung malversation, malversation bali yun.

Q: Kasama rin sa rekomendasyon ng Committee of the Whole na palitan ni Pangulong Duterte si Sec. Duque pero hindi nga pinapalitan. So ano ang plano ninyong gawin dito? At saka pumirma kayo sa resolution, 14 kayo (unclear) on the President na palitan nga si Sec. Duque o hingin yung kanyang resignation pero nandiyan pa rin siya. Ano yung ineexpect ninyong mangyayari sa mga susunod na mga araw? Umaasa kayo syempre na makikinig si Presidente dito.

SP Sotto: Ang ineexpect ko ay pag nakita ng Pangulo yung mga punto namin, magbabago ang pananaw ng Pangulo. Maaaring nagtitiwala pa rin siya pero merong mga bagay na dapat mong harapin na labag sa batas, ganoon yun.

Q: Sabagay kahit na pinagtitiwalaan ni Presidente, nile-let go din niya pagka kailangan, like si Morales, PhilHealth president, tiwala siya doon pero tinanggal din.

SP Sotto: Oo nga, yun nga.

Q: Gaano naman kayo ka-confident na yung ebidensiyang nakalap ninyo, shinare ninyo sa DOJ at binahagi ninyo rin sa Ombudsman, may makukulong na kaya dito?

SP Sotto: Masusi yung pag-aaral namin doon, yung mga findings namin, masusi yun, mabusisi talaga yun. At saka hindi yun kung sino-sino lang or kami-kami lang, basta-basta nag imbestiga. Wag ninyong kakalimutan, meron kaming magaling na imbestigador, dating chief of police. Dalawa pa nga yun, dating chief of police, at saka dating Secretary of Justice na dating Executive Secretary na kasama sa imbestigasyon, na kasama yung mga rekomendasyon nila doon sa aming mga findings, so I am very confident na yung mga findings namin, ang tingin ko nga sa mga findings namin, conservative pa nga, mabait pa nga kami. Dapat yun nung medyo gusto lang namin lahatin lahat yan, di ba? Kung anu-ano pa ang pwedeng idagdag doon na nakita namin pero ang sinama lang namin yung mga talagang matibay, ang tingin namin matibay ang aming position.

Q: Mga rekomendado ninyo yung mga top officials. Of course, PhilHealth officials, tapos si Sec. Duque. Ang Blue Ribbon committee naman, separate ni Sen. Gordon, ay mga regional vice president. Hindi ninyo nakita na dapat sampahan din yung mga regional vice presidents ng kaso?

SP Sotto: Yes. Pag binasa mong mabuti yung committee report, sa sponsorship ko, sinasabi ko na binanggit ko yung mga pangalan nung mga involved, at saka, sabi ko at saka, mga PhilHealth officials and employees na nag connive or participated in the illegal transactions. So, nilalagay namin sa kamay ng Department of Justice kung sino-sino pa yung dapat isama. Wala kaming ipinipuwera na pareho nung sinasabi sa Blue Ribbon.

Q: So, ibig sabihin yung iba pang mga detalye, ipursue na yun ng Department of Justice kasi after all, sila yung magsasampa ng kaso?

SP Sotto: Oo, at saka mas malalim na yung imbestigasyon nila. Yung amin, panimula pa lang yun sapagkat mas malalim yung magiging imbestigasyon nila. Meron silang National Bureau of Investigation na magagamit.

Q: Ang nalabas doon sa isa sa mga naimbestigahan ninyo, interim reimbursement mechanism ay P14.8 billon na mahigit na sabi ninyo ang tinantiya lang dapat ng PhilHealth P3.3 billion lang.

SP Sotto: P3.3 billion.

Q: P3.3 billion for 200,000 patients pero ang pinalabas nila P14.8 billion, so paano ang mangyayari sa P14.8 billion? Ano ang rekomendasyon, paano ba yan mababawi or maa-account for?

SP Sotto: Yan na nga ang sinasabi namin, dapat mag liquidate. Aside from liquidation, ang sinasabi rin doon, rekomendasyon doon ay ang PhilHealth lakarin nila na maisauli ang mga sobra. Kung hindi, mananagot sila. Mananagot don sila. Saan napunta? Saan napunta yung pera?

Q: Magsasauli lahat o yung hindi lang dapat nakatanggap tulad ng dialysis center and maternity clinics? Lahat pati hospital?

SP Sotto: Lahat ng hindi naman talaga dapat mabigyan.

Q: Kasi illegal yung release, so dapat lahat ibalik.

SP Sotto: Correct. Talagang maliwanag na illegal yung release. Yun, (unclear) pag nakita ng Presidente yun ay mag iiba ang pananaw noon, pag nakita niya.

News Latest News Feed