Press Release
September 11, 2020

Gatchalian bill seeks 'National Frontliners' Month' celebration every June

Senator Win Gatchalian has filed a bill that seeks to declare June as the 'National Frontliners Month.'

Senate Bill No. 1775 or "The National Frontliners Month Act" seeks to recognize the significant contributions and heroism of frontline workers in providing essential needs, protecting the public welfare, and keeping the country safe in times of calamities, disasters, and other crises.

Among the frontline workers that the proposed month-long celebration aims to recognize are the healthcare workers, food delivery drivers, supermarket workers, restaurant cooks, security guards, local government employees, barangay officials, social and government workers, agriculture and fishery workers, and police and military personnel. Logistics and social workers, storekeepers, garbage collectors, bank employees, media practitioners, and employees in the utilities sector such as energy and water will also be recognized.

By continuously reporting for duty amid the threat of CoViD-19, these frontline workers are risking their lives, including the safety of their families, to keep the country safe and the economy moving, Gatchalian said. The lawmaker added that it is essential to sustain this recognition even if these frontliners have been repeatedly hailed as heroes amid the CoViD-19 pandemic.

Gatchalian also explained that the proposed celebration coincides with the celebration of Philippine independence, which puts the spotlight on revolutionaries and their heroic deeds to fight against foreign rule.

Under the proposed measure, the Department of Health (DOH), the Department of Labor and Employment (DOLE), and the Department of Interior and Local Government (DILG) will coordinate with the Civil Service Commission (CSC) and other government agencies to conduct activities and programs promoting the values they espouse. Giving distinction to major and commendable efforts, response, and measures in local government units, including those by barangay officials and employees, will also be part of the proposed celebration.

"Bilang pagpupugay at pagpapahalaga sa kabayanihan ng ating mga frontliners, isinusulong nating kilalanin ang kanilang mga sakripisyo sa pamamagitan ng isang pormal na pagdiriwang tuwing buwan ng Hunyo, kung saan kinikilala rin natin ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating kalayaan. Nararapat lamang na ipakita natin sa ating mga bagong bayani ang pinakamataas na pagkilala lalo na't sila ang nangunguna sa ating laban sa pandemyang dulot ng CoViD-19," Gatchalian said.

###

Pagdiriwang ng National Frontliners Month tuwing Hunyo isinusulong ni Gatchalian

Naghain si Senador Win Gatchalian ng isang panukalang batas na nagsusulong na ideklara ang buwan ng Hunyo bilang 'National Frontliners Month.'

Layon ng Senate Bill No. 1775 o 'The National Frontliners Month Act' na kilalanin ang ambag at kabayanihan ng mga frontliners sa pangangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mga pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangunahing pangangailangan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at iba pang uri ng pinagdaraanang krisis.

Kabilang sa frontline workers na layong kilalanin ng naturang panukala ang mga healthcare workers, food delivery drivers, mga empleyado sa supermarket at mga kainan, gwardya, kawani ng mga lokal na pamahalaan, social workers, manggagawa sa agrikultura, mga pulis, at mga sundalo. Kabilang din sa mga kikilalanin sa panukala

ang mga logistics workers, storekeepers, mga kolektor ng basura, empleyado ng bangko, kawani ng media, at mga empleyado sa utilities tulad ng tubig at kuryente.

Ayon kay Gatchalian, isinasakripisyo ng mga naturang manggagawa ang kanilang kalusugan upang mapanatili ang kaligtasan ng bansa at pagktakbo ng ekonomiya sa kabila ng banta ng CoViD-19. Dagdag pa ng mambabatas na kailangang patuloy ang pagkilala sa mga frontline workers na itinuturing na mga bayani sa panahon ng pandemya.

Paliwanag ni Gatchalian, isasabay ang panukalang 'National Frontliners Month' sa pagdiriwang ng kasarinlan ng bansa, kung saan inaalala ang sakripisyo ng mga bayaning lumaban sa pananakop ng mga dayuhan.

Sa ilalim ng naturang panukala, ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), at ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay makikipag-ugnayan sa Civil Service Commission (CSC) at iba pang ahensya ng gobyerno upang magsagawa ng mga programang pararangalan ang mga frontline workers. Pararangalan din sa mga programang ito ang kahusayang ipinakita ng mga lokal na pamahalaan, kabilang ang mga opisyal at empleyado ng mga barangay, sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.

"Bilang pagpupugay at pagpapahalaga sa kabayanihan ng ating mga frontliners, isinusulong nating kilalanin ang kanilang mga sakripisyo sa pamamagitan ng isang pormal na pagdiriwang tuwing buwan ng Hunyo, kung saan kinikilala rin natin ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating kalayaan. Nararapat lamang na ipakita natin sa ating mga bagong bayani ang pinakamataas na pagkilala lalo na't sila ang nangunguna sa ating laban sa pandemyang dulot ng CoViD-19," ani Gatchalian.

News Latest News Feed