Press Release
September 13, 2020

DZBB interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Nimfa Ravelo ukol sa SAP at poverty rate

Q: Gusto niyo pa ba ipagpatuloy yung SAP?

SEN WIN: Bigyan muna natin ng konteksto may lumabas na survey ang SWS, at doon tinanong ano magiging kalagayan ng mga kababayan natin six months from now, one year from now and 40% ng mga kababayan natin na ang ang nagsabi na ang ekonomiya hihina. 36% naman ang nagsasabi na ang kanilang quality of life, yung kanilang pamumuhay ay magiging malubha. Ito ay mahalagang mga numero dahil tinitignan natin ano yung mga magiging kalagayan o tingin ng ating mga kababayan sa mga susunod na buwan. At itong mga numero na ito nanggaling sa positibo, dati mababa lang ang ating numero, nasa less than 10% yung quality of life and economic condition, eh ngayon sumipa to 40% to almost 30% and above. Kahit sinong tanungin mo ngayon marami magsasabi na talagang mas mahirap magiging sitwasyon nila. Ngayon, idugtong natin sa poverty rate dahil lumabas nga nung 2018 na ang ating poverty rate ay nagiging malubha kung titignan yung numero ngayon. Noong 2018 bumubuti yung ating poverty rate pero nung nagkaroon ng Covid naging mas malubha yung sitwasyon natin sa poverty rate at sabi nga ng NEDA na ang tingin nila magiging mas grabe pa.

Q: May sinabi ang NEDA na ang poverty rate nasa 14-16% ano ho ba yun in real numbers?

SEN WIN: More or less around 17 to 18 million yung poverty rate natin. Ang kailangan natin tandaan dito dahil nga sa sitwasyon natin ay magiging malubha at lalala yung ating poverty rate kaya ang estimate ni NEDA is around 17% na equivalent yan to about more or less mga 18 million Filipinos na nasa below poverty, within the year, kung tatantsahin na magkakaroon tayo ng 18 million Filipinos na below poverty.

Q: Since dadadmi po yung mahihirap ano yung bibigay na tulong ng gobyerno? Mabibigay ba yung tulong sa pamamagitan ng regular programs ng DSWD o kailangan ituloy itong SAP?

SEN WIN: Napakalaking baba ng budget ng DSWD, almost 50% ang tinapyas sa budget ng DSWD at dalawang dahilan yan, number one nawala yung SAP at yung Unconditional Transfer. Kung matatandaan natin nang isinabatas ang TRAIN sumipa ang presyo ng langis at nagbigay tayo ng 300 a month. Sa katapusan ng taon na tatanggaling na yung 300 a month para sa ating mga kababayan. Ngayon ang ating mungkahi, huwag nang tanggalin habang naka quarantine tayo. Sinabi nga ng NEDA ang kanilang estimate, next year, hindi pa lalabas yung gamot hanggang second half of next year. So ibig sabihin hangga't wala pang vaccine o gamot naka quarantine tayo kaya habang naka quarantine tayo hindi pa rin makakapag operate ng 100% ang mga negosyo at hindi pa rin makakalabas ang ating mga kababayan para mamili o pumunta sa mga shopping mall. Dahil doon marami tayong mga kababayan mawawalan ng trabaho o hihina ang kanilang mga negosyo. Kaya dapat ipagpatuloy yung karagdagang 300, ang total na idadag natin is about 30 billion pesos sa budget ng DSWD at hindi lang yun, dapat siguraduhin na meron pa tayong tulong na naibibigay. Kung hindi man sa SAP, dapat handa pa rin ang gobyerno magbigay ng ayuda sa ating mga kababayan.

Q: Saan pwede kunin ang 30 billion pesos? Pwede doon sa lump sum sa DPWH?

SEN WIN: Titignan natin kung may mga bagay doon na hindi naman kailangan. Isa yan yung pinoint out ni Senator Lacson dahil nakita din ng aming tanggpan na marami talagan doble. Nakita ko yung NEP at marami talagang doble na na-carry over from 2020 to 2021. Yung ibang projects doon on-going na ngayon pero nilagay pa sa 2021 at doon natin pwedeng bawasan para ilagay sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Q: Pwede bang isa sa mga tanggalin yung budget for travels after all wala naman magiging biyahe until next year?

SEN WIN: Tama ka, hindi ko nakikita na magkakaroon ng biyahe, baka buong taon next year. Unang-una walang gusto bumiyahe, pangalawa it will take time bago bumalik sa normal yung tourism natin. so pwedeng tanggalin ang pagbiyahe, lakbay-aral, dahil ngayon webinar na lahat kaya di mo kailangan magpakain, di mo na kailangan ng magrenta ng sasakyan, lahat mas mura na sa webinar. Yung mga ganito tatanggalin natin, bilyon din yan at ilagay na lang natin sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Maraming paguuspan sa budget kaya importante busisiin ito ng mabuti para yung dapat matulungan, matulungan, yung mga sobra, yung mga doble-doble matanggal.

News Latest News Feed