Press Release
September 16, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III
on DZBB with Mike Enriquez

On the Department of Justice and PhilHealth.

Q: Bukod sa hindi pagsama kay Sec. Duque at si PhilHealth VP Rodolfo del Rosario sa mga kakasuhan, ano ang mga ikinadismaya ninyo?

SP Sotto: Nabigla lang kami sapagkat ang inaaahan nga namin dahil nga rekomendasyon nga namin hindi lang namin sigurado ang mga pangalan, bukod doon sa kanila, bukod kay Sec. Duque, kay Atty. Del Rosario at lahat nung isinama nila na mga members ng executive committee, sinasabi namin na may mga empleyado at may mga opisyal pa, na kasama sa pagka connive doon sa mga nangyaring ika nga anomalya sa PhilHealth so inaasahan namin sana isasama iyon, sapagkat kami, meron kaming mga testigo, finorward namin sa kanila ang mga testigo. Pero, ang DOJ ay may National Bureau of Investigation. May NBI. At saka yung umupong bagong PhilHealth ay taga NBI ha. Inaasahan sana namin na mas malawak ang makikita nila kesa sa nakita namin. Ngayon, ang inaasahan ko na lang, dumadayalog si Sec. Guevarra, na paumpisa pa lang naman daw iyan. Pangunguna lang naman daw. Pero, I was disappointed and dumbfounded because to think this anomaly, is the IRM. Itabi na natin ang overpricing, dialysis, mga ghost dialysis, mga binabayaran na mga kung anu-ano, mga cataract na wala naman dapat bayaran, isantabi natin iyon. Doon na lang tayo sa IRM. Doon pa lang sa umpisa pa lang ng IRM, illegal na kaagad. Sapagkat ito ay Interim Reimbursement Mechanism. Ginamit ito noong para sa Ondoy, sa Yolanda, sa Marawi, sapagkat may mga nag ibang hospital, may mga kailangan ng tulong, kaya, reimbursement eh. Saan ka nakakaita ng Health insurance na sa PhilHealth or insurance company for that matter, na wala pang nangyayari, inadvance nila. Reimbursement nga eh. Reimburesement at saka advance, ang layo eh. Di ba kahit Tagalugin mo, iyon pa lang bali na. At aminado silang illegal. Iyong board, nagpasa ng resolusyon, sapagkat ang executive committee ang gumagana at umaatake nito, iyong board nagpasa ng resolusyon ng March 23, April 22 na eh anti-dated. Pero March 23 nagdi disburse na ng IRM na bilyon. P14.8 billion. Wag mo sabihin sa akin ngayon na yung chairman of the board, who is not allowed a representative, na ano dapat siya ang nandodoon, kahit hindi siya nakapirma, ang ibig mong sabihin, hindi sya mananagot? Wala siyang, hindi niya alam? Ang sagot ay hindi niya alam?

Q: Sa statement of Sec. Duque na "Paano kung walang pandemic? Kaso may pandemic. I have to manage 33-member agency task force and that is no joke. (Unclear) every other day kaya meeting namin. At that time, almost tig 12 hours each night and each day. I am also a member of 67 boards, forces, committees and councils. That is why I depend on my undersecretaries, assistant secretaries, representatives to attend for me." Ito naman ang sabi ni Usec. Perete" Because hindi allowed to vote si Sec. Duque, ang nakita lang ng task force (unclear), ay ang institutional memory niya sa board, because I think he has been there for a long time." Hindi naman daw kasali si Duque sa pirmahan.

SP Sotto: Ikinalulungkot kong sabihin ng napakasagwa ng mga palusot nila. Napakasagwa. Anong akala nila, hindi namin binasa ang PhilHealth Law? Hindi naman talaga bumuboto ang iyong chairman eh. Non-voting, nakalagay doon. O anong klaseng palusot yung dahil hindi pumirma, talagang hindi pipirma, (unclear) alam niya hindi pipirma. Ang tanong dito, ang ibig mong sabihin, balewala yung mga Zoom meeting na umattend siya? Zoom meeting na nagbu-bull session yung executive committee at saka yung members ng board? Nandoon siya, may pruweba na umattend siya, ano ang ibig sabihin, dahil 67 hindi niya aasikasuhin yun? Walang kwentang palusot. Ngayon, palagay na natin, ilagay na nating totoo, pagpalagay na nating totoo na hindi niya namalayan, mula March hanggang June na P14.8 billion ginagastos ng PhilHealth ng illegal, hindi niya namalayan, saan ang bagsak niya? Bagsak siya sa Article 217 of the revised Penal Code. Alam ng DOJ yan kaya yung nagsasalita, aba eh kinalulungkot kong sabihin, hindi maganda yung palusot mo. Nandoon yung negligence eh. Abandonment, negligence, kahit may pandemic, secretary of health ka, ikaw ang chairman of the board, ang board ng PhilHealth, governed the PhilHealth, anong klaseng palusot yun?

Q: Sabagay pag namumuno ka, sagutin mo lang lahat, responsibilidad mo ang lahat.

SP Sotto: Oo, hindi pwede. Pag may nangyari diyan, eh nagbu-bull session nga sila, na kaharap siya. Nandoon siya sa mga Zoom, o ilalabas namin lahat nung mga Zoom nila.

Q: Ilang beses na na si Presidente Duterte nagpahayag ng kanyang tiwala at kumpiyansa kay Sec. Duque. Complete trust and confidence. Bakit ganoon, kahit kaliwa't kanan na, sa pangunguna nung inyong report sa Senate Committee of the Whole itong si Sec. Duque isama doon sa nakakasuhan hindi pa nangyayari, lalo pang sinasabi ni Presidente Duterte, pinagdidiinan niya na si Duque ay walang sabit.

SP Sotto: Well, una sa lahat, (unclear) muna yung sinasabi ni Sen. Lacson. Hindi daw niya alam kung ano ang agimat ni Sec. Duque kay Presidente. Ngayon, pagpalagay natin, ipagpalagay lang natin na talagang tiwalang-tiwala ang Presidente sa kanya, ay ibig ba sabihin noon, hindi siya mananagot, kung may sabit? Mas maganda sana harapin niya. Mas maganda, harapin mo sa husgado ito, yung negligence mo at abandonment mo para mapatunayan mo na hindi totoo yun para pati ang taong bayan ay magtiwala sa iyo, hindi ba? O ngayon, DOJ yan, recommendatory din yan katulad namin. Ako umaasa na pagdating sa Ombudsman, dinalhan namin ng kopya ang Ombudsman, hindi ganyan ang sitwasyon. Umaasa ako na magiging iba ang kulay pagdating sa Ombudsman.

Q: Lumalabas ba sa puntong ito, naging balewala yung mga pagdinig na isinagawa ninyo bilang isang Committee of the Whole tungkol sa mga nangyayari diyan sa PhilHealth?

SP Sotto: Hindi posibleng balewala ito, imposible sapagkat these are official records. It ay committee report na pinasa ng Senado on the floor, sa plenary kaya ito ay official Senate report. Hindi ito committee report, ito ay Senate report at maliwanag dito ay bilad na bilad sila dito, lalo na sa taong bayan sapagkat hindi lang yung, wag na yung gumastos sila ng, nagbibigay sila ng P200 million sa isang hospital na wala namang Covid, yung isang hospital, isa lang ang Covid patient, bigay ka, samantalang yung Ospital ng Maynila, hingi ng hingi sa kanila ng tulong, napakaraming Covid patient, hanggang ngayon wala silang binibigay? Tama ba yun? Isang example lang yun. Maraming hospital silang ginanun, May P168 million, merong mga dialysis centers na binigyan, Covid ba yun, hindi ba? Milyon-milyon?

Q: Paano ngayon, hindi naisama sa listahan na inanunsiyo ng task force na kasuhan itong dalawa sa pinakamataas na official na inerekomenda ninyo sa inyong committee report na isama. Ano ang mga options?

SP Sotto: Pagkatapos mong gumawa ng kasalanan, sasabihin sa iyo, warningan lang kita para hindi ka na uulit nung kasalanan. Tingnan natin. Tingnan mo, una, sabi ko nga umaasa ako na iba ang kulay pagdating sa Ombudsman. Iba yung Ombudsman eh, isa yun. Pangalawa, marami naman kaming mga paraan sa Senado. Ang budget nila dadaan sa amin, aba ay paiyakan ito.

Q: So ang sinasabi ninyo ngayong umaga, kung hindi nila aayusin yan at sabi naman ninyo sa mga pagdinig ninyo may mga basehan, sa budget ninyo yayariin yung mga yan?

SP Sotto: Iiyak sila sa budget deliberations sa amin at sa budget hearings, ginagarantiyahan ko sila.

Q: Sinong sila?

SP Sotto: Yung mga ayaw sumunod doon sa mga rekomendasyon ng Senate report.

Q: Paano yun may pandemic, kailangan ng pera?

SP Sotto: Kahit na. Iba sila, iba naman yung para sa pandemya, hindi naman namin gagalawin yung sa pandemya, may usapan na kami pero pagdating sa mga opisyales na yan, aba eh teka muna, lumagay kayo sa lugar kasi galit na galit ang taong bayan. Alam mo ang mga kababayan natin, nagkakanda-iyak. Pumipila sila para makasingil sa PhilHealth, merong mga iba pumipila sa mga hospital, pumipila sa mga ganyan, maulanan, maarawan, may pandemic o wala, pagkatapos maririnig, bilyon-bilyon? Nagbibigay kayo ng milyon-milyon sa mga dialysis centers na wala naman? Or na walang pasyente at nagbibigay kayo sa mga hospital na wala namang Covid patient, P200 million ang binibigay ninyo? Meron pang P100 plus million, tapos humihingi yung mga taga Samar, humihingi yung mga taga Iloilo na mga hospital, hindi ninyo binibigyan? Ano ang ibig sabihin noon? Alam na alam ng taong bayan natin kung ano ang ibig sabihin noon, hindi ko na kailangang ielaborate yun di ba?

Q: Para lang patas, ito naman ang sabi ng kabilang panig: pauna lang yan, hindi pa tapos ang usapan diyan, may mga dadating pa. Okay ba sa inyo yun?

SP Sotto: Sana. Dapat ganoon ang gawin nila sapagkat hindi lang yan, hindi lang yung ginastos nila na mali, hindi lang yun ang masakit, baka hindi alam ng mga kababayan natin. Ang masakit dito, illegal yung ginawa. At hindi lang illegal, pagkatapos nilang magpasa ng board resolution na imposibleng hindi alam ng chairman, who is the secretary of health, hindi nila sinunod yung mga board. Hindi nila sinunod, dapat yun magbigay sila ng mga ano, dapat yan may publication, isusubmit sa ONAR or yung Office of the National Administrative Register ng UP Law Center, wala, June 11 lang nila ginawa lahat yan eh P14 billion mahigit na ang ginastos nila.

Q: Hindi ko nabasa yung committee report ninyo pero kung ganyang klase ng anomalya, ibig sabihin may mga kasabwat yan sa labas ng PhilHealth, mga hospital, mga doctor. Yung kakuntsiyaba ba, kasama ba yun sa report ninyo?

SP Sotto: Sa report namin pinababalik namin yung pera or iliquidate nila, (unclear) nila. Ngayon, pagka may sabit ito, ano ang isasagot ng hospital kung merong malakas ang loob diyan sasabihin, eh nagbigay na kami sa kanila, tapos Ibabalik namin, hindi ba? O ngayon, ang problema, yung iba hindi magsasalita, sinasabi sa amin nung mga doctor, baka hindi magsalita yung iba dahil sasabit din sila. Sapul sila sa bribery, graft, and corruption, sapul din sila, yan ang problema. Kaya nga binibigyan namin sila ng way out. Ang way out dito, ibalik ninyo. Ibalik ninyo o kaya ay iliquidate ninyo kung maayos ninyong ginamit. Alam mo kasi ang hinihintay natin, ito naman, common sense lang, dapat nakikita nila ito. Kung ang taong bayan nakikita to, mga opisyal ng gobyerno, hindi makikita? Common sense lang, ikaw chairman ka of the board, yung board at saka yung executive committee, may ginastos, sobra-sobrang pera, pangangailangan ng taong bayan dahil may pandemic kaya kailangang-kailangan ng taong bayan yun, ginastos ng illegal, na mali. Pagkatapos, hindi ka galit? Wala kang kinalaman, hindi ka nakapirma, tapos hindi ka galit? Aba, yun ang hindi ko mareconcile. Dapat yun, nagwawala ka, dapat minumura mo yung mga opisyal mo. Dapat galit na galit ka, mga lintik kayo, ano ang ginawa ninyo? Di ba ganoon? Tapos sasabihin ninyo sa Senado, iimbestigahan mo itong mga animal na ito, di ba? Eh hindi, pinagtatanggol mo pa. Ano ang ibig sabihin, ikaw na ang sumagot Mike.

Q: Kasasabi ninyo lang sa amin, humanda sila pagdating sa budget nila.

SP Sotto: Pag walang nangyari sa report namin, binalewala nila yung Senate report, babalewalain din namin yung budget nila.

Q: Mabigat yan. Bukod diyan, sa puntong ito. Meron pa ba kayong option na tiningnan or pinaguusapan tungkol diyan sa posibleng mangyari sa budget nila?

SP Sotto: May mga paguusap pa kami, mga bulong-pulungan muna na Ayoko namang itelegraph muna at nilalagay muna namin sa kung ano yung nasa lugar at patas. Sundin muna natin kung ano yung mga batas, doon muna tayo, tingnan natin. Mag aabang na lang muna kami, ang dami kaming pwedeng maisip. Ang Senado rito, ang pinaguusapan dito, ito majority at minority magkasama dito sa issue na ito, iba itong tinamaan nila na issue na ito sa amin.

Q: Ang pinaka nabiktima dito ay yung mga mahihirap na sa PhilHealth lang umaasa.

SP Sotto: Correct. Yun ang nakakaiyak isipin yan. Isipin mong malalaking mga hospital, mga nangangailangan, sila yung walang mabigay? Pati yung mga doctor nila hindi na nababayaran, hindi makakolekta dahil hindi pa nakakakolekta sa PhilHealth.

Q: Sama-sama na lang tayong mag aabang kung ano ang mga susunod na development or kaganapan tungkol dito sa PhilHealth na hindi mawala-wala sa balita ito.

SP Sotto: Oo, araw-araw ng mga kababayan natin yan, yun ang inaasahan, kaya nga natin ginawa yan, kaya nga dapat, kaya nga may Universal Health Care, gusto natin dapat wala ng gagastusin ang mga kababayan natin pag sila ay nagkasakit.

Q: Kasama ninyo kami at katulong ninyo kami na hindi natin ito pare-parehong tatantanan.

SP Sotto: Tama yan, kaya ako nga ang nagfile naman ng bill na protection naman ng mga media workers, dahil kasama namin kayo. Kasama namin kayo sa trabaho, sa pagbabantay. Mas malala pa nga yung sa inyo dahil sumusuong kayo sa kung saan-saan di ba? Kaya ayun, nakafile na yun doon, sana mapasa na rin kaagad.

Q: Para kayo yung Lolo ninyo, merong Sotto Law, baka hindi alam yun ng mga bata. Yung Sotto Law, nagbibigay ng paraan para yung mga sa media ay hindi pwedeng pilitin ibigay or kilalanin kung sino ang source or pinanggagalingan ng kanilang balita at impormasyon.

SP Sotto: 1946 yun.

Q: Hanggang ngayon batas pa yun?

SP Sotto: Oo nga, Republic Act 53, 1946 yun pero inamyenda ko na yun, ang tawag nga nila doon ay Sotto III law kasi isinama ko kayo. Hindi kayo kasama dati.

Q: Ha?

SP Sotto: Hindi kayo kasama dati, kasi nung panahon ng Lolo ko, 1946, puro journalist, puro dyaryo lang, kaya dyaryo lang yun. Ngayon, isinama ko yung broadcast, radio, TV, internet, sinama ko yung broadcast, kasama na kayo doon. Freedom of the press law.

Q: Abangan na lang natin kung ano ang magiging susunod na kaganapan dito.

SP Sotto: Salamat.

News Latest News Feed