Press Release
September 20, 2020

MENSAHE SA IKA-48 NA ANIBERSARYO NG PAGDEDEKLARA NG BATAS MILITAR

Bago pa man dumating ang pandemya, matagal nang humaharap sa matinding krisis ang ating bansa. Krisis ito na dala ng marahas at mapaniil na gobyernong pumatay na ng libo-libo, umabuso sa karapatan at nanupil ng kalayaan ng mga Pilipino.

Kaya hindi nakapagtatakang lalong lumulubha ang kalagayan ng bansa ngayong may pandemya--sa ilalim ng lideratong imbes na solusyong medikal ay solusyong militar ang pinaiiral, isang pamumunong imbes na sakit at gutom ang inaasikaso ay panggigipit sa mga kritiko ang inaatupag.

As we commemorate the anniversary of the declaration of Martial Law, we do not just recall the atrocities under the late dictator Ferdinand Marcos, we also express our continued condemnation of a tyrannical regime that has plundered our nation; we seek justice for the victims of torture, enforced disappearances and murder at the hands of an ignominious leader.

Pagbabalik-tanaw. Paggunita. Pagsariwa. Pag-alala. Paulit-ulit natin itong gagawin upang hindi makalimot. Kailangan ito lalo na ngayon, kung kailan may mga pilit na binubura sa ating kamalayan, lalo na sa ating mga kabataan, ang kalupitan ng diktadurya. Silang itinuturing na bayani ang diktador, nais ipagdiwang ang araw ng magnanakaw, at gustong muling maghari-harian ang mga umapi sa mamamayan.

Efforts of historical revisionism have only worsened ever since Rodrigo Duterte--a dictator himself--came to power. For the past four years, we have been ruled by a fascist and vindictive leader who acts on his whims and has no regards for human rights and dignity.

Kaya hindi tayo papayag na patahimikin at patuloy na abusuhin. Patuloy tayong maninindigan at kikilos para wakasan ang diktadurya at mapaniil na sistema. Ang ating sama-samang panawagan: Tama na Duterte, Sobra ka na! #NeverAgain #NeverForget

(Sgd.) LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame

21 Setyembre 2020

News Latest News Feed