Press Release
September 27, 2020

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon
DZBB's Bantay Balita sa Senado with Ms. Nimfa Ravelo

Q:On the P10-B unused DSWD SAP fund

SFMD: Nakakalungkot iyan dahilan talagang dumami ang mahihirap dahil sa pandemya. May 5.5. million Pilipino ang nakaranas ng gutom. Nakakalungkot ito dahil may P10-B na hindi dinistribute ang DSWD. Ang sinasabing rason nadoble raw yung iba. Assuming na totoo iyan, magkano ba iyan? Sabihin natin na nadoble yung 4 million beneficiaries, anim na buwan silang walang kinikita. Dapat naging lenient na kahit papaano.Unang-una, may listahan yung DSWD. Iyang lsitahan talagang outdated na dahilan sa dumami ang mahihirap dahilan sa Covid-19. Ano kung magkadoble? Ang liit niyang ayuda para sa mahihirap. Ang sabi nga ni Sec. Dominguez, sa panahon ngayong jailangan gumastos tayo dahilan ang ekonomiya ay bumabagsak dahil walang pambili ng pagkain. Kung iyan ang polisiya ng pamahalaan, mukhang hindi iyan narinig ng DSWD dahil hindi nila ginastos ang P10-B.

Q: Sa batas sa Bayanihan 1, nakalagay na 18 million beneficiaries, pero sa 2nd tranche ginawang 14 million lang. Legal po ba iyon?

Legal po ba iyon na bawasan nila yung 18 million eh nasa batas iyan?

SFMD: Nasa kapangyarihan ng Pangulo na hindi i-release ang budget. Ang budget ay authorization lamang. Ang actual na pag-release ay nasa ehekutibo. Kung pag-uusapan kung legal, legal iyan. Ngunit kung titingnan natin ang sitwasyon natin ngayon na dumami ang mahihirap, mali po iyang polisiya na iyan na hindi mo i-distribute yung P10-B.

Kung ikaw ay mahihirap, kasalanan mo ba kung hindi nag-submit ang LGU. Kung walang pera ang taumbayan, wala silang trabaho, walang pambili, hindi sisigla ang ekonomiya at hindi tayo makakarecover dito sa ating lumiliit na ekonomiya. Ang gobyerno ang inaasahan ngayon ng taumbayan. Ito ay may pondo naman. Sa akin, hindi tama iyan at tutol ako diyan.

Q: Ang sinabi ng DSWD, balak daw nilang gamitin sa livelihood assistance

SFMD: Alam mo, sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan maraming livelihood projects. Mag-livelihood ka, siguro lima o anim na buwan bago ka kumita. These are extra ordinary times. Sa aking pagkakatanda ngayon lang nangyari ito. Ang pangangailangan ngayon ay ayuda. Hindi naman nangyari ito noon, ngayon lang. Ang tungkulin ng DSWD ay magbigay ng ayuda sa mga mahihirap na kababayan. Aanhin mo pa yung damo kung patay na ang kabayo, ika nga.

Q: Sa 2021 proposed budget, wala na pong SAP. Paano po ito?

SFMD: Alam mo, sa aking tingin yung ating 2021 proposed national budget ay ginawa na parang walang pandemic na hinaharap. Hindi ito tumutugon sa hinaharap nating pandemya. Hindi responsive. Hindi lang sa walang ayuda. Kaya aking ipaglalaban na mag-realign tayo ng budget para mapondohan ang SAP. Kahit sa first six months lang. Baka naman sa second half ng 2021 may vaccine na.

Uulitin ko lang, mukhang walang pandemic ngayon. Yung proposed 2021 national budget ay hindi umutugon sa pandemic. Halimbawa, yung ating health sector. Yung DOH, sa kasalukuyang budget ay aabot sa P180-B. Iyan ay bumaba sa P131-B. Kailangan natin ng budget sa health dahil ang problema ngayon ay pandemic. Kung walang tiwala ang taumbayan na may kakayahan ang pamahalaan na harapin ang pandemic, hindi babalik sa dating sigla ang ekonomiya. Kaya dapat buhusan natin ng pondo ang health sector.

Hindi maganda yung corruption sa PhilHealth, ngunit iba yung problemang iyan. Magkano ba ang inilalagay sa PhilHealth sa 2021? P71-B lang kaparehas ng budget ngayong taon. Kailangan ng tulong ng DOH at kulang ang budget sa DOH, pero ngayon binawasan pa.

Ang punto ninyo dapat dagdagan ang budget ng DOH at DSWD?

SFMD: Tama po iyan. Dapat dagdagan ang budget nd DSWD at DOH.

Q: Saan kukunin ang pondo?

SFMD: Ang dami diyan. Iyan pa lang sa anti-insurgency fund aabot sa P19-B, pwedeng i-realign iyan. Yung confidential and intelligence fund sa buong pamahalaan na aabot sa P9-B, pwede nating tingnan. Maraming lump-sum approrpition na pwedeng diyang manggaling yung pondo.

Q: Yung lump-sump sa DPWH, pwede pong pagkunan iyon?

SFMD: Tama po iyan. Sinasabi ni Sen. Lacson na may P468-B lump-sum. Ito po ay bawal, hindi pwede ang lump-sum. Kaya titingnan natin. Isang source din iyan na pwedeng panggalingan ng budget para sa DOH at DSWD.

Q: Sa 2021 budget, number ang education dahlia sa Constitutional requirement, kasunod niya ang DPWH, DILG, DND, panglima at pang-anim lang ang DOH at DSWD. Ito pob a yung sinasabi ninyo na maling priority?

SFMD: Iyan na ng parang walang pandemic, hindi tumutugon sa pandemic yung budget sa susunod na taon. Hindi responsive. Yung DILG, DND ay mas malaki pa rin ang budget kung ikukumpara sa social services kagaya ng DOH at DSWD. Siguro dapat sa 2021 ay bigyan ng mas mataas na priority yung ayuda dahil sa pandemic. The Congress should consider na bigyan ng priority yung DSWD at DOH over DILG and DND. Hindi ko sinasabi na hindi kailangan ng pondo ng DILG at DND, ang sinasabi ko lang na ka only for the next year baka naman pwedeng bigyan ng priority dahilan sa iyan ang pangangailangan natin ngayon.

Q: On the

Hindi ko maintidihan yung binabalak nila maglagay ng addendum o annex. Kung ang sinasabi nila ay lalagyan ng specific projects as an addendum na hindi kasama sa budget, bawal iyan. Dapat idetalye dahilan sa iyan ang sinabi ng SC at iyan ang nature ng budgeting. Bawat proyekto ay titingnan ng mga kinatawan ng taumbayan kung ang authority para gumastos ay tama. Kaya ipinagbabawal ng SC ang lump-sump appropriation at magturo ng proyekto pagtapos maipasa ang budget. Hindi ko maintindihan itong sinasabi nilang addendum o annex. Kung hindi kasama sa budget, bawal po iyan. Kung anuman ang lump-sum sa DPWH at kung ang balak ay magturo ng proyekto pagtapos ng budget, bawal po iyan.

News Latest News Feed