Press Release
September 29, 2020

Radyo Singko 92.3 Early All Ready interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Orly Mercado at Cheryl Cosim ukol sa education in the better normal

Q: Anong impact sa kasalukuyan, itong COVID-19 has really exposed a serious problem in our digital world hindi ho ba?

SEN WIN: Tama ho yung description mo, exposed, because marami dito sa technologies tulad ng learning management system, online system, exisiting na ito bago pa man mag COVID, na-expose na hindi natin nagagamit at hindi ito parte sa activity o curriculum kaya noong nagkaroon ng COVID, nagmamadali tayo, naghahanap tayo ng solusyon para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante natin. dito rin na-expose yung nasabi niyong digital divide, both in terms of access and connectivity. When I say access, ito yung mga gadgets, mga laptops and tablets kung saan yung may kaya lang yung meron. Pagdating naman doon sa connectivity, doon sa malalayo, mga probinsya, remote areas wala rin silang connectivity. Kaya ngayon nagiging malaking hamon sa education sector kung paano pagpapatuloy yung pag-aaral na hindi naman magiging pabigat at magiging pahirap sa ating mga estudyante.

Q: Mahirap dahil para silang tumatakbo sa kalsada habang nire-repair yung sasakyan.

SEN WIN: One of the things na natutunan natin dito, dapat seryosohin natin yung pandemya sa mga susunod na panahon at dapat laging handa tayo sa ganitong malakihang pagsasara ng ekonomiya o ng bansa. Marami sa ating noong pumutok yung pandemya, I remember as early as November meron nang paguusap pero hindi natin sineryoso. Marami sa ating hindi pa naka-experience ng ganitong pandemya kaya noong nagsara tayo ng ekonomiya, hindi tayo naging handa. Although the technology is there pero hindi pa rin tayo naging handa. Umabot na sa almost four months itong preparation ng DepEd para mailunsad itong distance learning.

Q: We could not even distribute money, wala tayong broadband o connectivity. So what would be the urgent things that we have to do sa education scene?

SEN WIN: We have to divide this into two, yung tinatawag natin na short-term at medium-term. Yung medium-term nagumpisa na, doon sa Bayanihan 2, may nakasaad doon na isa na lang ang permit na kakailanganin para magpatayo ng cell towers. Siguro madalas niyong naririnig ito, kulang tayo ng almost 50,000 cell towers all over the country. Yung per capita na cell tower natin isa sa pinaka mababa sa buong bansa dahil sa red tape, totoo naman. Sa pagpapatayo ng cell tower kailangan mo ng clearance sa villages, subdivisions, kukuha ka ng clearance sa barangay, kukuha ka sa Mayor, napakadami bago ka makapagpatayo ng cell site, yun yung medium-term. Yung short-term, yung pag-aaral natin ngayon dapat mabigyan natin ng basics, for example yung modules, yung libro at yung kagamitan ng ating guro lalo na pagdating sa pagututro at sa health concerns.

Q: So pati ang pag-iisip dapat magbago na rin kasi meron umaasa na babalik sila sa dati, is this is a wise attitude or should we just embrace the fact that things will never be the same as it was pre pandemic?

SEN WIN: Kung matatandaan natin noong tumama sa atin yung Yolanda ang battle cry is 'build back batter' ibig sabihin yung mga nasa pangpang, nasa tabing dagat kung saan illegal yung pagpapatayo ng bahay dapat hindi na pabalikin dahil kung tumama ulit yung Yolanda mawa-washout ho sila. Ganun din tayo sa pandemya, sa education sector, we have bounce back to a better normal meaning yung paggamit ng teknolohiya, blendend learning, ilagay na natin yan as a normal activity, parte na dapat yan ng aktibidad ng isang bata at dahan-dahan dapat matuto yung bata at magulang na gumamit ng teknolohiya. Ipasok na natin yan sa pagtuturo para kung mangyari man ulit ang pandemya dapat seryosohin na natin at dapat handa na tayo, dapat mabilis yung pagta-transition natin sa online o distance learning.

Q: Sa gobyerno mas madali ata mag-adjust pero ang nandidinig ko talagang mga hinaing, nanggagaling sa pribadong unibersidad at kolehiyo?

SEN WIN: Ang nakakalungkot yung inequality na makikita natin, yung mga malalaking eskwelahan, yung mga branded, tuloy-tuloy yung pag-aaral nila, in fact mabilis sila mag-transition sa online learning dahil nakakabili sila ng online platforms pero doon sa mga maliliit na eskwelahan, private at SUCs natin, mahihirapan sila mag-transition dahil mahal yung online platform. Noong linggo lang kausap ko si Mayor Rex, yung aking kapatid na Mayor at ang kanilang ginastos sa platform ay almost 10 million pesos. Ang platform useless kung walang connectivity, so nagbigay din sila ng halos 500 pesos for data plan sa mga estudyante. So ang gastos ng local government ay almost close 35 million pesos, libre, so in other words hindi ho to magagawa ng maliliit na mga colleges at SUCs dahil nga mahal. So makikita natin yung divide, yung mga batang nag-aaral sa maliliit na eskwelahan ay gagamit sila ng manual modules para magaral which is quite tedious, kailangan pa ng maraming process dahil mano-mano po ginagawa yun.

Q: Closing statement dito sa mga changes ngayon?

SEN WIN: Moving forward, at one point babalik ang pamumuhay natin sa normal pero ang aking pananw dito, hindi tayo pwedeng bumalik sa 'normal, normal' dapat ipasok na natin yung better normal, gumamit ng technology, siguraduhin natin yung teknolohiya po ay parte na ng buhay. Itong mga Streamyard or teleconference interviews ay magiging normal na ito moving forward. Instead na pupunta sa studio dahil nga ma-traffic, magiging normal na yung ganito at pwede pala. Ang aking payo lang gumamit tayo ng teknolohiya kahit na wala na itong pandemya.

News Latest News Feed