Press Release
October 2, 2020

DZBB interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Weng dela Peña at Joel Reyes Zobel ukol sa Bataan Nuclear Power Plant

Q: Nakumbinsi ho ba kayo? Ano ang stand ninyo? (BNPP nuclear power plant) SEN WIN: Unang-una nagpapasalamat ako sa ating Pangulo dahil nasabi niya na dapat konsultahin muna ang mga taga-Bataan at importante talaga na maintindihan ng mga taga-Bataan itong nuclear power at importante rin na maintindihan nating lahat dahil nga ito ay hindi simpleng power plant. Ito ay may tinatawag nating risk or pagkadelikado at hindi ito simpleng teknolohiya na makakakuha tayo ng talento na makakapag-operate nito kaagad. Isa sa pinaka punto dito yung pagkadelikado nitong power station o power plant na ito. Kaya kung titignan natin yung nangyari sa Fukushima noong nagkaproblema ang power station nila, nag-evacuate sila ng almost 100,000 doon sa nakapaligid sa Fukushima kaya kung titignan natin ang bayan ng Morong na nandoon po ang Bataan Nuclear Power Plant, 30,000 ho yan kaya kung mayroong nangyari, buong Morong po ie-evacuate ho natin. itong mga ganito ang dapat nating pag-isipan dahil hindi lang ang teknolohiya ang nandito na dapat patakbuhin, dapat pag-isipan din natin kung ano ang puwedeng mangyari at kung mayroon tayong kakayahan na rumesponde sa mga ganitong insidente.

Q: Kailangan pa ba ng batas?

SEN WIN: Kailangan ng maraming batas, itong teknolohiya na ito kinakailangan ng maraming batas para masigurado ang safety, ang pagkaligtas ng teknolohiya na ito. Hindi lang batas sa pago-operate ng planta kung hindi pati kung saan itatapon ang nuclear waste, paano itra-transport ang raw materials at mga batas na sisiguraduhing independent ang magbabantay nitong planta na ito dahil nga malaki ang risk o pagkadelikado. Maraming batas, binibilang nga namin hindi bababa ng siyam na iba't-ibang batas para masigurado na ligtas ang ating bansa sa ganitong teknolohiya.

Q: Kung pagbabasehan natin yung binanggit ni dating Cong. Mark Cojuangco, mukhang mas maraming bentahe kaysa sa disbentahe sa pagpapatakbo ng nuclear power plant dahil sinasabi na ang nuclear ay isa sa pinakamalinis, mayroong issue sa climate change... Mapapamura raw ang presyo ng kuryente? Dapat ba aralin ng mas malalim?

SEN WIN: Actually sinusundan ko po ang Vietnam dahil itong mga mid 90s nagkaroon sila ng ideya na magpatayo ng nuclear power plant higit pa sa laki nitong sa Bataan, almost 2,000 megawatts. Pinag-aralan nila at ang Kongreso nila nagbigay ng go signal pero noong 2016, kinansela nila ang proyekto dahil natuklasan nila, unang-una, dahil nga sa mga safety at mga safeguards na dapat ilagay, doon tumaas ang presyo ng kuryente from two pesos per kilowatt hour umabot to more than four pesos per kilowatt hour. So sabi ng Vietnam, kung four pesos lang, kaparehas na ito ng iba pang teknolohiya na available na hindi naman delikado kaya kinansela ng Vietnam at nagkaroon ng decision ang Kongreso, ang sabi ng Kongreso nila noong 2016 wag na ipagpatuloy dahil unang-una, hindi naman mura ang kuryente mayroon pang mas mura. Pangalawa yung risk, ang pagkadelikado, sabi nila susugal pa ba sila sa pagkadelikado e hindi naman mura ang kuryente na ibibigay e 'di maghanap na lang ng hindi delikado at mas mura pa. Dapat matuto tayo doon sa decision na iyon dahil iyon sana ang pinaka-unang operating nuclear power plant dito sa ASEAN. Kahit tayo ay mayroong Bataan, pero sila talaga may pondo na nilagay at mayroong direksyon, kinansela ho nila iyon noong 2016 dahil nga sa mga natuklasan nila.

Q: Atsaka mayaman tayo sa renewable resources bakit hindi natin gamitin yun? Mahal pa ang solar and wind?

SEN WIN: Itong planta na ito at 40 years old na napuntahan ko na rin yung kahalintulad ng planta na ito sa Europa sa Slovenia, parehong-pareho kambal nga nito. Doon sa Europa nago-operate pa, parehong edad, parehong technology, parehong supplier, nakausap namin doon dahil kasama namin si Senate President Koko Pimentel at that time noong SP pa siya, interesadong interesado siya na tignan itong nuclear kaya nagkaroon ng parang exchange at sabi niya puntahan natin itong kapatid na planta, kaya pinuntahan namin doon. Noong ine-explain noong nagpapatakbo, yung Presidente ng kumpanya sabi niya dahil nga sa Fukushima ang dami nilang ginawang safeguards and safety technology para hindi mangyari yung nangyari sa Fukushima sa kanila. Noong kinompute namin lahat-lahat, lumalabas na nasa around five pesos per kilowatt hour dahil nga luma na itong planta na ito at dapat siyempre pag luma, mas maraming safety net or technology, tumaas ang presyo. Nakita ho namin kung itong Bataan ay ipao-operate, iyong pangakong mas mababa ang presyo hindi mangyayari iyon dahil una, luma na at sa dami ng safety nets na kailangan ilagay doon at baka mas mahal pa ang presyo sa binabayaran natin ngayon.

News Latest News Feed