Press Release
October 6, 2020

Gatchalian: Public involvement critical at every stage of PH nuclear power program

Senator Win Gatchalian backed government efforts to put a premium on public involvement on moves to revive the Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

"I am one with the President in conducting local consultations with the residents of the province of Bataan because they will be the ones directly affected in case of a nuclear disaster," Gatchalian said.

"In discussing the potential of nuclear power in our energy mix, the inherent risks to public welfare and its viability as a long-term solution to ensure stability of supply should be elucidated clearly to all stakeholders, most especially to the residents of Bataan," he added.

The possible activation of the BNPP in Morong, Bataan should assure safety concerns and integrity of the nuclear plant especially among its estimated 30,000 residents, he said.

The Senate Energy Committee Chairman raised the issue on the government's capability in providing immediate aid to Morong residents, if and when emergency situations occur in the operations of the BNPP.

In Japan, when a tsunami disabled the power and cooling of three reactors of Fukushima Daiichi nuclear power station in 2011, an estimated 100,000 residents were evacuated from their homes and it was only last year when the evacuation order was partially lifted.

"Itong mga ganito ang dapat nating pag-isipan, hindi lang ang teknolohiya. Kailangang planuhin natin ang ating tugon sa anumang posibleng mangyari at kung mayroon tayong kakayahan na rumesponde sa mga ganitong insidente," he emphasized.

Considering the many issues surrounding the BNPP such as the cost of its utilization more than four decades after its establishment, environmental concerns and reliance as energy source, policy makers should be open in discussing these issues to stakeholders to regain public trust, according to Gatchalian.

But before the BNPP could be fully operational, Gatchalian cited the need to enact laws addressing environmental issues related to nuclear wastes and the aspect of public safety, among many others.

"We need a number of comprehensive laws to address infrastructure issues. Dahil nga malaki ang risk o pagkadelikado, maraming batas ang kailangan para masiguro na ligtas ang ating bansa sa ganitong teknolohiya," he explained.

Prior to President Duterte's latest directives to the Department of Energy (DOE) to consult with Bataan residents on the possible activation of the BNPP, Gatchalian has called on the department, as early as October last year, to be transparent on its nuclear energy agenda and early this year, pressed for the public disclosure of its integrated work plan for nuclear power infrastructure. Both have yet to be addressed.

# # #

Pakikilahok ng publiko sa planong nuclear energy ng bansa iginiit ni Gatchalian

Iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pakikilahok ng publiko at pagsasaalang-alang ng kapakanan nila kasunod ng mga panukalang pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant o BNPP.

"Kaisa ako ni Pangulong Duterte sa utos nyang pagsasagawa ng public consultation sa mga residente ng Bataan dahil sila ang direktang apektado nito sakaling mangyari ang pinangangambahang nuclear disaster," ani Gatchalian.

"Sa pagsusulong ng nuclear power para tugunan ang pangangailangan ng kuryente sa bansa, dapat klaro sa publiko ang mga nakaambang mga panganib ng paggamit nito, hindi lang ang benepisyo ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente," sabi ni Gatchalian.

Sakaling matuloy ang pagpapatakbo ng Bataan Nuclear Power Plant sa Morong, Bataan, ang kapakanan ng nasa 30,000 na residenteng naninirahan sa paligid nito ang dapat siguruhin, hindi lamang ang integridad ng mismong planta, ayon sa senador.

Binigyan diin rin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kakayanan ng gobyerno sa agarang pagtugon sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari sa operasyon ng BNPP.

Inihalinbawa niya ang nangyari sa Japan noong 2011 nang masira ng isang tsunami ang ilang reactors ng Fukushima Daiichi nuclear power station kung saan may isang daang libong mga residente ang inilikas sa kanilang mga tahanan at nito lamang nakaraang taon sila unti unting pinayagang bumalik sa kanilang mga tirahan.

"Itong mga ganito ang dapat nating pag-isipan, hindi lang ang teknolohiya. Kailangang planuhin natin ang ating tugon sa anumang posibleng mangyari at kung mayroon tayong kakayahan na rumesponde sa mga ganitong insidente," ayon sa Chairman ng Senate Energy Committee.

Bukod sa gagastusin sa operasyon ng luma nang BNPP, dapat din na maging matapat ang mga otoridad sa pagtalakay ng epekto nito sa kapaligiran at integridad sa pagsusuplay ng kuryente upang makuha ang tiwala ng publiko, ayon pa kay Gatchalian.

Sakali mang makumbinsi nila ang publiko, hindi ito sapat para magtuloy tuloy ang planong nuclear energy program sa kadahilanang may mga kailangan pang ipasang batas na tutugon sa samu't saring isyu, halimbawa na ang environmental issues, kaakibat naman ng nuclear wastes na posibleng idulot ng operasyon nito.

"Dahil nga malaki ang risk o pagkadelikado sa operasyon nito, maraming batas ang kailangang ipasa muna para masiguro na ligtas ang ating bansa sa ganitong teknolohiya," paliwanag ni Gatchalian.

Bago pa man ang direktiba ng Pangulo sa Department of Energy (DOE) sa pagsasagawa ng konsultasyon sa mga residente ng Bataan, iginiit na ni Gatchalian ang pagsasapubliko ng nuclear energy agenda ng ahensya kasama na ang pag-aaral sa integridad ng planong paggamit ng nuclear power sa bansa at hanggang sa ngayon ay hindi pa natutugunan ang mga ito.

News Latest News Feed