Press Release
October 8, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III
with Tony Velasquez and Danny Buenafe of DZMM Teleradyo

On the 2021 budget.

Q: Sabi ni Speaker Cayetano isang araw lang naman maaantala ang pag apruba nila sa budget.

SP Sotto: Isang araw na antala sa pag-apruba nila...bakit, isang araw lang ba yung mula October 17 at saka November 17?

Q: Yun na nga ang pinapaliwanag namin, dahil iba rin ang timeline ninyo.

SP Sotto: Hindi lang yun. Ang legislative calendar namin, matatapos October 17. Wala kami, break yun. Babalik ng November 16. Wala kaming pakialam sa ano, hindi namin pinakikialaman yung mga intramurals nila or problema nila sa leadership, huwag nila kaming isali doon at sa amin, ang usapan, realistically dapat nakakatanggap kami ng kopya ng budget nila na yung GAB na, hindi yung NEP, yung general appropriations bill, na galing sa kanila yun, pasado na nila on third reading. Yun ang tunay na pasa nila pag pinasa nila on third reading, ipapadala nila sa amin. Dapat yan, originally, dapat October 1 natanggap na namin eh dito sa usapan ngayon, medyo nadelay ng kaunti. Pwede yung October 14 or 15, matatanggap namin, okay na rin.

Q: Sana.

SP Sotto: Oo, eh kasi may mga committee reports kaming gagawin tungkol dito. Naghe-hearing kami based on the NEP, yung national expenditure program na pinadala ng Malacanang. Pero iba yang iaakyat nila sa amin sigurado. Iba, maraming pagkakaiba. Ngayon, mahigit tatlumpu ang departamento, mga isang daan ang mga attached agencies sa budget na yan. Mga apat, limang makakapal na libro na mga tig-four or five inches thick ang laman niyan. Divided by five subcommittees ginawa namin sa Senate at saka yung mother committee na Committee on Finance. Hindi naman kami katulad nung iba na pikit-mata na pipirma, pikit-mata magpapa lusot, hindi. Lahat ng mga senador, ang ugali niyan, pag aaralan yun. Yung mga subcommittees, gagawa ng committee report based doon sa ibibigay sa amin. So, kung ibibigay sa amin ng November 17, isang linggo pa lang yun, printing, pagkatapos yung committee report ipeprepare pa lang, hindi ba? Paano mo sasabihing isang araw lang ang delay, at paanong kami ang may kasalanan, hindi ba? Eh talagang usapan dapat yun, first, second reading (unclear) tanggap na namin.

Q: Yun ang usapan, pero parang ang nangyayari natali tuloy yung budget deliberations doon sa awayan nila sa speakership.

SP Sotto: Kaya nga. Whatever it is, huwag nila kaming idamay at huwag nila kaming pagbibintangan na madedelay ang budget dahil sa amin. Delayed na sila, hindi pa nila sinusubmit sa amin. Wala kaming pakialam doon sa leadership nila, huwag na kaming idamay doon sa leadership problem nila at huwag nila kaming pagbibintangan. Imbis na makipagusap sa amin, suyuin kami na sana eto, ganito, ganito, sasabihin kami pa ang may kasalanan, aba teka muna. Lalong mag iinit yung ulo ng mga Senador. Ngayon pa lang ang dami ng nagtetext sa akin na nagmamaktol diyan sa mga sinasabi. Ano, hindi na kami magtatrabaho?

Q: Pero alam ko tumawag si Speaker Cayetano sa ilang mga Senador, kasama si Sen. Angara na pinapaliwanag niya na kaya daw niyang ipasa yung budget, di ba? Ang tanong, naniwala ba sila?

SP Sotto: Kaya naming ipasa? Nagpapaliwanag siya na kaya naming ipasa? Hindi ganoon. Kami? Baka sila, kaya nilang ipasa.

Q: Yung Congress daw, kaya nilang ipasa.

SP Sotto: Oo, sila. Kaya nga, kaya naman nila talaga kahit nung nagpasa sila ng second reading, pwede nilang i-third reading nung araw na yun, or three days thereafter, kung hindi kaya nung one day. Ano ba ngayon, October 12, pwede na silang mag third reading. Oh, di padala nila sa amin, wala tayong problema. Wala naman kaming pakialam sa leadership nila, kaya naman nilang gawin yun kung gusto, di ba? Eh madaling sabihin yung kayang ipasa kung hindi namin babasahin, kung hindi namin pag-aaralan, kung palulusutin namin lahat yung mga lumpsum doon na mga daan-daang bilyon. Talagang aabot yun. Hindi nga ganoon yung mga Senador. Sa tingin mo papayag si Senator Drilon, si Senator Lacson, si Senator Recto, si Senator Tolentino, yung mga yun na nagbubusisi, Senator Angara, ang dami. Ang dami noon, binubusisi yung mga budget sapagkat ayaw namin na masayang at kung saan-saan lang mapupunta ang pera ng taong bayan. Paanong gagawin namin? Ano, pikit-mata, hindi ba? Eh may bicam pa yan. Bago magbilang ka lang ng araw, yung pinaka conservative na estimate eh talagang pinahirapan kami, yun ang katotohanan, walang halong bolahan. Hindi one day. Pag isang buwan ang delay, ganoon ang situation namin ngayon kaya ang sinasabi ko, huwag ninyo kaming sisisihin, bakit sisisihin ninyo kami? May problema kayo sa leadership, bakit ninyo kami idadamay? Bakit ninyo kami sisisihin?

Q: Alam ninyo naman na mahilig si Speaker Cayetano na magbigay ng mga paliwanag lalong lalo na may Facebook siya, nagli-live. Sa ngayon po ba kapag nagpapangako si Speaker Cayetano na meron silang balak gawin, meron siyang itinakdang panahon na gagawin, naniniwala pa po ba kayo sa mga sinasabi niya?

SP Sotto: Paano ako maniniwala, eh itong usapan ngayon, nag usap kami, tumawag sa akin nung Tuesday ng gabi, sabi sa akin 16 magreresume kami, third reading namin, 17 papadala namin sa inyo. Sabi ko, naka-print na kayo? Hindi, magpi-print kami before. Magpi-print na daw sila bago nila isara, o sige. Isasara ko na yung tenga ko sa statement na yun. Pagkatapos ipapadala sa amin. Sabi ko what we will do is we will just try our best. Gipit kami, delayed kami dito ng isang buwan sa pagpadala ninyo. Ideally dapat pinasa ninyo, sana this week pinadala ninyo sa amin. Yun lang ang usapan, walang problema. Bakit biglang may statement ngayon na kami ang may kasalanan pag hindi napasa at naging reenacted ang budget? Saan ako maniniwala ngayon?

Q: Ang sabi ni Cong. Boyet, lahat daw ng nangyayaring girian ngayon sa Kamara ay bahagi daw ito ng parliamentary warfare, pero sa tingin ninyo po sa warfare na ito, kayo ang collateral damage?

SP Sotto: Hindi, ang collateral damage, ang taong bayan. Political warfare, sila na lang yun. Sila-sila na lang yun, huwag nila kaming idamay. Puro pulitika, gusto ba ng taong bayan yun? Yung para sa 2021 budget na tuon para sa pandemic, para sa build-build-build, para sa recovery g ekonomiya, para sa health ng mga kababayan natin, nawala, doon sa 2020 budget, (unclear) ang collateral damage dahil sa political warfare. Kaya (unclear) huwag ninyo kaming idamay sa political warfare ninyo, huwag ninyong idamay ang taong bayan. Gawin natin yung trabaho natin, ganoon lang kasimple.

Q: Lalo ba tumitibay ang paniniwala ninyo sa nangyayaring delay na ito, lalo na kung maapprove yung reenacted budget?

SP Sotto: Hindi sa maapprove, siguradong reenacted pagka ganyan. Alam mo ang mga Senador, nagtatrabaho. Araw-araw, pumapasok kami, marami sa amin pumapasok sa Senado kahit na may pandemic. Ako, araw-araw, never late, never absent. Ganoon din si Senator Lacson, ganoon si Senator Tolentino, Senator Gatchalian, Senator Lapid, ang dami namin na pumapasok physically present. Si Bato, si Senator Villanueva, Senator Angara, and yung iba (unclear) pumapasok pero lahat virtually present halos araw-araw. Ang pagtatrabaho namin, inaabot kami ng alas-dose, ala-una ng madaling araw, hindi naman araw-araw kaming inaabot pero buinubusisi namin, di ba? (Unclear) dahil nga dito sa problema ng pandemic, pagkatapos ngayon, kami ang may kasalanan? Grabe di ba? Sabi nga nung isang writer, tinext ako, the nerve!

Q: Kaya kinuha namin ang panig ninyo para mabalanse dahil may paliwanag din sila.

On the SWS survey.

Q: Isa kayo sa pinakamataas ang performance rating, at sumunod sa inyo si Speaker Cayetano. Sa palagay ninyo tama ba yung pagbasa ng ating mga mamamayan doon sa survey? Doon sa rating ni Speaker.

SP Sotto: Hayaan mo ng SWS ang magpaliwanag doon. Huwag na natin hiupuin yun, sabi ko nga ayaw namin sa politika sa Senado, ayaw namin, lalo na pag budget ang pinaguusapan. Makita mo nga majority, magkakasangga kami. Binibigyan namin ng authority ang Presidente para alisin yung corruption through limited pagkuha ng mga transaction receipts, mga transaction permits, pati si Senator Drilon kasama namin sa pagbibigay sa Presidente ng ano. Doon sa Senado, walang majority, minority sa trabaho namin kaya ayaw na namin ng politika doon sa pagdating sa budget, lalo na para sa pandemic. Ang daming unemployed na Pilipino. Dito sa target ngayon na (unclear), inaaddress natin yan. Inaaddress ng Palasyo yung mga unemployed na ilang milyon na mga kababayan natin na hindi kumikita, pagkatapos isasali ninyo kami sa political warfare ninyo? Kayo na lang, huwag ninyo kaming idamay. Kailangan naming magtrabaho, huwag ninyong isisi sa amin.

Q: Siguro ang maisasagot lang namin diyan ay kung madelay man yung budget, eh Senado ang dapat sisihin, ang sagot diyan ay, acheche!

SP Sotto: Tama. Walang ibang sisisihin at alam ng taong bayan yan. Ninety-nine percent ng taong bayan alam kung sino ang sisisihin at hindi kami yun.

News Latest News Feed