Press Release
October 10, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ms. Cely Bueno of DWIZ

On the 2021 budget.

Q: Nagkaroon po ng concern ang Senado na baka maging reenacted ang 2021 budget dahil sa naging desisyon n g Kamara na maagang magsuspend ang kanilang session eh hanggang second reading pa lang naman nila na-aprubahan yung 2021 budget and ang concern ninyo, baka kapusin kayo sa panahon para ito ay ipasa. Sa naging development na nagpapatawag nga ng special session si Pangulong Duterte sa October 13-16, ano na po ito, tiyak na hindi magiging reenacted ang budget?

SP Sotto: Malamang na malamang na hindi kasi nung una, yung sinasabi namin na dapat matanggap sana namin ideally first week of October, medyo hindi nga pupwede daw dahil hanggang October 14 or 15 ganun yun g parating sa amin. So pagka ganun, pwede ng pilitin yun, uuwi na lang kami ng alas dose, ala una ng madaling araw, ganoon, minsan inaabot ng alas dos, di ba? Nakikita mo naman, doon sa period of interpellation. Pero, hindi yun ang pinakamahaba eh. Ang mahaba doon, yung pag prepare ng committee report ng iba't ibang subcommittees. Remember, almost 30 ang departamento, 27 ba or 28 departments. Under these departments, there are over 100 attached agencies, meron pang mga GOCCs. Meron pang mga government institutions na hindi kasama doon. Hindi pa kasama doon yung mga SUCs, in other words, yung mga state universities and colleges, so pag pinagsama-sama mo lahat yun, hindi kaya ng Committee on Finance mag-isa yun, kaya ang Senado ay gumagawa ng mga subcommittees para ihandle yun. Yung mga subcommittees, may mga kanya-kanya silang departamentong hawak, hindi rin madaling magprepare noon, bagama't ang ginawa nitong mga chairmen namin ay naghe-hearing na sila based on the NEP. Ang NEP, yun yung prinisinta ng Presidente na National Expenditure Program sa House, pero hindi pa yun yung GAB, yung General Appropriations Bill. Magiging GAB yung NEP pagka hawak na ng House at pinasa na nila sa amin, magiging GAB yun. Kung tutuusin, medyo pwedeng pilitin yun. The usual napupuyat mahaba ang trabaho, okay lang yun, pero palagay ko pagka ganoon, kung yun ang natupad, ideally sa amin, ang tingin namin by the first week of December siguro, tapos at saka nagbi-bicam na, baka sakaling mas maaga pa. Pero, sa nangyari na sinabi sa amin November 16 or 17 sa amin ibibigay, bigla kaming kinabahan. Kinabahan kami kasi puro kami hearing, tapos ang committee report hindi namin pwedeng ibase doon sa NEP lang sapagkat siguradong babaguhin ng House, kaya kami kinabahan. Yun ang naging situwasyon, so ngayon sa tanong mo kung sa tingin namin may chance na magiging reenacted budget, malamang na malamang na sa hindi, huwag lang magkaka-problema sa bicam. Yung bicam lang ang medyo baka tumagal doon just in case, pero at the moment, sabi ko nga doon sa tweet ko na may nagtatanong, as both as both Houses toe the line, hindi magkakaroon n g problema sa bicam.

Q: The mere fact na may special session, certified as urgent pa ang 2021 budget, doon sa tatlong araw na special session na pinatawag ng Pangulo, ay tiyak na maapprove na sa third reading at maita-transmit na ng Kamara yan sa inyo siguro mga third week or fourth week of October?

SP Sotto: Well, ideally sana pagkatapos nila i-third reading, siguro another week baka printing, sana mapadala na pero ang naririnig ko na sinasabi, baka November 5 pa daw. Sana naman, before. Well, umaasa kami na baka maaaring maapura nila, pero syempre marami rin silang mga amendments, sinasabi tatlong daan daw sila, marami silang mga amendments na iba-iba, so... kaya lang, mahirap magsalita pero kasi dapat nung July or nung August, ginawa na nila yun.

Q: Pero di ba kung maapprove na nila sa third reading, doon sa 13-16, dapat wala ng galawin, hindi mo na pwedeng galawin kung ano yung nasa third reading.

SP Sotto: Oo. Yung ginalaw nila sa second reading, inapprove nila on second reading, pwede nilang galawin (unclear) yun, ayon sa kanila, sa rules nila pero parang kino-correct na lang nila for third reading, lalo na kung may motion sila on the floor like inapprove nila on second reading na subject to style, with unanimous consent sasabihin nilang ganoon, basta yun ang mga ginamit na kataga, pwede nilang likutin talaga yun. Pero pag dating sa third reading, hindi na.

Q: Kaya nga po, kung maapprove na nila (unclear) special session, wala ng reason para tumagal ng November 5 yung kanilang pag-submit, pag transmit sa Senate.

SP Sotto: Sana. Yun ang iniisip namin. Siguro yun din ang iniisip ng pangulo kasi ang tingin ko doon sa ginawa ng Pangulo, tinatawag na nga lang nating special session yun dahil sa sulat niya, pero sa akin, technically it is a masterstroke sapagkat nagkaroon ng ibang diskarte ang HOR, ang Kamara. Ang diskarte nila, bigla silang nagsuspend, di ba? Dahil suspended sila, pwede nilang talagang itawag ulit yun. Pwede silang mag resume dahil suspended lang. Any time, pwede silang mag resume, eh pero wala silang planong ganoon sapagkat ang motion nila yata ay November 16 magreresume. So, napilitan ang Pangulo na itawag sila ng special session. Sa Senado kasi, papasok pa rin kami ng a-dose, ng Monday. Hanggang desi-syete talaga kami. So technically, hindi kami affected nung sinasabing special session na yun, but we will take it. I don't think anyone in the Senate will question the letter or the pronouncement of the President, or a declaration.

Q: Kasi technically parang ang covered lang ng special session ay ang Kamara dahil sila lang yung nagsuspend.

SP Sotto: Parang ganoon.

Q: Bilang beteranong pulitiko, ano ang tingin ninyo sa una, nag-warning ang Pangulo na ayusin ang gusto diyan sa Kamara, tapos sumunod ay talagang nagpatawag na siya ng special session, sinertipikang urgent yung budget, so ang dating doon, medyo napikon na ang Pangulo? Hindi niya nagustuhan yung maagang pagsuspend ng session sa House?

SP Sotto: Oo, palagay ko hindi niya nagustuhan yun. Sapagkat bigla ang bumulaga sa Presidente ay baka magka reenacted budget talaga at pag nangyari yun, remember, yung 2020 budget, nung pinag-uusapan namin yun at pinapasa namin yun, not in our wildest dreams na magkakaroon ng pandemic, so hindi naka-program yun for pandemic. Unlike itong 2021 budget ngayon na prinisinta ng gobyerno, ng Presidente, matindi ang focus on the pandemic and in the recovery program. Malaking bagay yun at hindi lang recovery program for the health of the Filipinos, and protection, pati recovery program sa ekonomiya sapagkat ang daming saradong mga negosyo, di ba? Kaya talagang nakakatakot yung reenacted. Pero kami, binigyan mo kami ng budget ng last week of November or third week of November, paano namin ipapasa ng December yun? The Senate has never been known to railroad such lalo na tungkol sa bayan, tungkol sa budget, mahirap yun.

Q: Pero kayo medyo napikon na rin nung nagsalita si Speaker Cayetano na kung maging reenacted, Senado yung sisisihin dahil isang araw lang naman madedelay hindi one month yung submission.

SP Sotto: Oo nga. Mabuti na ring tumawag na kaagad siya, nag-eeksplika siya at saka binawi niya, at saka nag apologize siya, tinanggap ko naman agad kasi susundin ko pa sana ng privilege speech yun at ipapaalala ko lang, basta dito sa Senado, ang alam namin, ang isang buwan is thirty days. Kahit sa Civil Code of the Philippines, nakalagay thirty days ang isang buwan.

Q: So hindi na tuloy yung privilege speech ninyo sa Monday?

SP Sotto: Hindi na, ano pa ang ieksplika ko doon, alam na ng mga kababayan natin at saka nagsalita na ang Pangulo. At saka yung pronouncement ng Pangulo... ito, ano ko lang ito, reading ko lang ito, you can take it with a grain of salt...tingin ko, nung gabi na nagsalita siya, ang pinatatamaan niya ay yung leadership ng House, na sinasabi niya, ayusin ninyo, pag hindi ninyo inaayos yan, ako ang aayos niyan, parang ganoon. Itong ginawa niyang kasunod na hakbang, after one or two days, the following day, kasi ang ineexpect niya, eh action man yun, si Presidente, para bang kami, action man, kailangang gawin ngayon, gagawin natin. Siguro, ineexpect niya, that night, may nangyari, eh walang nangyari. Hanggang kinabukasan. Iba pa yung mga narinig niyang statements, siguro naisip niya, ganoon ha? Ito ang part ng sinabi niya na ako ang so-solve niyan. Ang ginawa niya tumawag ng special session, mapipilitan ang House na mag-convene. Hindi kasi maayos yung sinasabi nung spokesman na magkakaroon daw ng special session, baka daw magkaroon ng special session sa December, sa loob-loob ko, aanhin mo ang special session sa December, eh bicam yun. Ang problema doon, dapat bicam na. Ano ngayon kung i-extend mo yun, ano ang gagawin ng Senado, at saka ng Kongreso? Hindi doon ang special session. Ito ang special session, during the break, yun ang pwede niyang tawagin. Syempre, galing naman sa Kongreso dati si Presidente, siguro alam niya yun. Kaya kinabukasan, nakita niya walang reaction, teka, tawagin yan. Mag special session kayo, ipasa ninyo on third reading, yan ang banat niya.

Q: Si Sen. Bong Go meron ding patutsada na hindi tayo mga estudyante na pwedeng mag suspend ng klase, dapat tayo tuloy-tuloy ang trabaho. Parang pikon na rin siya.

SP Sotto: Totoo yun. Kaya nga ang Senado, paalam lang natin sa mga kababayan natin, itong suspended kami, (unclear) legislative calendar na napagkasunduan namin noong July, kaya nga suspended ang ginawa namin, para tuloy ang trabaho, hindi adjourned. Yun ang sinasabi. Pagka legislative ka, legislator ka, nag adjourn, wala tayong pakialam kung ano ang gustong gawin ng legislator, adjourned na. Pero pag suspended, may trabaho ka pa rin, kaya tama yung sinasabi ni Sen. Bong Go. Ngayon, kami sa Senado, pinapangako namin sa inyo, kahit magbreak pa kami ng 16 or 17, tuloy ang mga hearing. Tuloy ang mga trabaho ng budget.

Q: Kahit yung CA, dire-diretso.

SP Sotto: Correct. Nag announce nga kami nung Wednesday, ako ang chairman ng Commission on Appointments, sinabi na namin tuloy every Wednesday may hearing, kasi mahigit 180 yata na sundalo yung kinailangan ng confirmation, ng mga promotion. Meron pang mga diplomats, Department of Foreign Affairs, tapos may nakapending na Gabinete, di ba? Si Sec. Del Rosario. Yan ang isipin mo pag nagsuspend kami na hindi kami magtatrabaho isang buwan?

Q: So sa 16, hindi ninyo isususpend?

SP Sotto: Suspended lang kami.

Q: Pero tuloy ang CA?

SP Sotto: I-aadjourn ang session, pero yung Senado ay suspended lang. In other words, pag tawag ko ng ano, ag resume namin anytime, anytime gusto namin mag resume, may roll-call. Yun ang strategy, yun ang technique doon. Yun ang parliamentary gamesmanship. Pagka nagsuspend ka lang, hindi ka nag adjourn, pag tawag mo ulit ng session, hindi na kailangan ng rollcall. Kung sino ang mga sumagot nung huling rollcall, yun pa rin yun.

Q: Kanina sabi ni Sen. Ping Lacson, irerecommend daw niya na kung sakali, halimbawa November 5 pa nga isubmit sa inyo yung budget, na mag resume kayo ng mas maaga sa November. Para daw maisponsoran na ng Senate Committee on Finance yung budget, para sa talagang regular na pagbabalik ng session sa November 16, start na talaga ng deliberations.

SP Sotto: Correct, agree. Payag ako, absolutely. Pwede ko naman iresume yun, hindi kailangang November 16.

Q: Kasi daw kapag inisiponsoran yung budget, hindi naman the following day, deliberation na.

SP Sotto: Hindi, oo. Mga ilang araw pa yun, pag-aaralan pa ng mga...kung ano yung pinagsasabi ng chairman ng Committee on Finance, at mare-receive pa nila sa mga committee reports nila, hindi kaagad na isang upuan ay mababasa ng mga kasama namin yun. Hindi, pag-aaralan din syempre yun, kung ilang departamento yan, pag-aaralan yun. Payat ang isang araw doon, dalawang araw. Merong mga ready, pwedeng mag interpellate agad katulad ko. Ako, talagang handang-handa na ako. Hindi ako umattend ng hearing ng budget tungkol sa Department of Health, kasi gusto ko sa plenary para marinig ng tang bayan yung mga kukuwestiyunin ko sa Department of Health. (Unclear) ako na tanungin.

Q: Ano yung mga kukuwestiyunin ninyo doon?

SP Sotto: Secret.

Q: Paguusapan ninyo pa yung ganoong proposal ni Sen. Ping Lacson or approved without thinking?

SP Sotto: Oo, papayag lahat ng mga kasama namin doon, I am sure. Approve without thinking.

Q: Kasi wala namang lalabas ng bansa sa panahong ito.

SP Sotto: Wala nandito lang. At saka kung nasa probinsiya sila, dahil in effect pa yung rules namin ng because there is still a state of emergency, kahit ba nasa kotse sila sa Sultan Kudarat or nasa GenSan, or nasa Davao, pwede silang magparticipate, virtually.

Q: Oo nga, sabi ni Senator Ping (unclear) sa plenary, pagbalik ng session talaga ng November 16, budget deliberation na daw po agad.

SP Sotto: Pwedeng pwede.

Q: Yun bang special session sa House next week, pwede bang ilimita lang yun sa budget or pwede na rin pagusapan yung House Speakership? Anything can happen?

SP Sotto: Oo, libre yun. Kahit ano yun, pag nag resume, ang agenda noon, meron silang (unclear) agenda pero anytime hindi mo pwedeng pigilin ang sinong Congressman na magmomotion na sabihing gusto naming umuwi ng maaga, or I move to ganito, hindi mapipigilan yun.

Q: So pwede in na kung sakali, di ba kampo ni Velasco sabihin, may resolution ako na may number na ako, pwede na rin yun na magpalitan ng House Speakership kung ganoon ang mangyari?

SP Sotto: Swell, technically, ang sinasabi ko nga, I am just answering your question na pwede kahit anong motion. Oo, yes, technically kahit anong motion. Pero I would rather not dwell on that issue g Speakership nila sapagkat yun ang iniiwasan namin, yung masabi na kami may mga komentaryo doon sa mga Speakership. Hayaan na natin ang Pangulo ang makialam diyan, at kami basta yung trabaho namin turf namin, alam namin ang trabaho namin, teritoryo namin ito.

Q: Sa tingin ninyo ba bukod sa pagpapasa ng budget ng third reading, mas mabuting magbotohan na nga sa House Speakership dahil baka yung issue na yun maging problema sa mga susunod na buwan, maaapektuhan pa pagdating sa bicam kung may issue pa rin tungkol doon?

SP Sotto: Ang sagot, yung paborito kong sagot alam na alam ng Senate media ito, I refuse to answer.

Q: So sa Monday, meron kayong caucus?

SP Sotto: Oo meron, caucus muna.

Q: Ano po yung agenda doon sa caucus?

SP Sotto: Yung sa CREATE, tapos meron pa, si Majority Leader lang ang nakakaalala ng agenda.

Q: After yung ano po sa Monday, maaapprove na sigurado yung prangkisa pa ra sa San Miguel Aerocity?

SP Sotto: Oo yun, may mga third reading kami ng alas dos. Kaya namin ginawang alas dos yung session, para mapick-up muna kung ano yung mga housekeeping na tinatawag, bago ituloy yung period of amendments ng CREATE. Medyo mahaba-haba yan, expected ko nga doon, hindi masyado sana, pero sabi ng sponsor, si Senator Pia, expected daw niya mahaba yung mga members, may mga debate pa. Baka hindi matapos ng Lunes ng gabi. At least meron pa kaming Martes, Miyerkules, at saka sa pagkakataon na si Presidente na ang (unclear) on the 16, pwede kami hanggang 16, hangang 17.

Q: Certified as urgent ba yung CREATE?

SP Sotto: Oo, nung Marso pa.

Q: So pwede pala yun magkasunod, second and third reading?

SP Sotto: Oo, pwede yun. Pwede ng Tuesday yun or pwede ng Wednesday.

Q: May COA report na yun daw PhilHealth, nung 2019 nag overpayment ng halos P1 billion sa mga healthcare institutions at may P6.9 billion disallowance. So itong report ng COA, nagpapalakas doon sa mga iniimbestigahan talaga ng Senate na mga issue ng katiwalian?

SP Sotto: At nagpapalakas doon sa aming report, ng Committee of the Whole. At saka yung report namin ng Committee of the Whole, natutuwa naman ako, yung mga kababayan natin, meron doon sa website namin, binabasa nila, nakikita nila. Nandoon lahat yung mga sinabi namin. Yang sinabi ng COA na yan, nagpapalakas doon sa mga findings namin.

Q: At pwede rin itong magpalakas doon sa mga kaso na ififile doon sa mga PhilHealth officials na involved sa katiwalian.

SP Sotto: Oo.

Q: May mga mangagawa na nababahala, kasi ang DOLE parang sinabi na pwedeng pagbigyan yung mga ibang kumpaniya sa private na i-defer yung pagbibigay ng 13th month pay pero may batas tayo di ba na taon-taon, ay ibigay talaga yung ganoon?

SP Sotto: Oo, hindi pwede yun. Ang exemption lang doon kung matatawag na exemption yun, ay kung distressed yung kumpaniya. Ganoon din yung bill ko na 14th month pay. Lahat ng may kayang magbigay ng 14th month pay, pwede namang magbigay talaga kung tutuusin, so ginagawan natin ng batas sapagkat sa kasalukuyang batas, which is a presidential decree ni President Marcos, 13th month pay. Pero ang exemption lang noon, kung distressed yung kumpaniya, walang ibang ibibigay. Ang makakapagsabi noon, yung Department of Labor and Employment, BIR. Ganoon din yung bill o, kaya lang sinasabi nga natin na dapat magkaroon ng 14th month pay. Huwag muna tayo sa pandemic, para hindi naman tayo nakaka-abala sa ating mga negosyante, yun lang 13th month pay. Huwag naman nilang anuhin, kung kakayanin lang naman.

Q: Dapat ibigay.

SP Sotto: Oo, dapat ibigay.

Q: Kasi ngayon hirap talaga sa buhay.

SP Sotto: Sobra, kaya kami, kaya kabadong-kabado ang Presidente dito sa reenacted, sapagkat sa 2021 budget, iaaddress talaga lahat yung issue ng mga pandemic at saka gastos, ekonomiya, build-build-build. Talagang nakahanda. Yung 2021 budget, nakahanda sa situation natin ngayon, pero yung 2020 budget, hindi. Hindi natin akalain yun, eh sana naging miyembro ng Senado si Nostradamus para napaghandaan namin.

Q: Ang DOLE dapat tiyakin na dapat ang hindi magbibigay yung distressed lang talaga, kasi baka may iba na magsamantala.

SP Sotto: Oo naman. Huwag naman ipagkait kung kakayanin. At saka meron naman talagang nag-aabono, nangunguna na yung San Miguel Corporation, hindi ba puro abono yung ginawa? Ang daming abono ang ginagawa noon.

Q: It means concerned sila sa kanilang mga tao.

SP Sotto: Oo, concerned sa bansa.

Q: Naalala ko nung pandemiya, sinabi ni Ramon Ang na unahin ang buhay, yung pera mahahanap pa�

SP Sotto: Correct. Precisely, yun ang pinaguusapan namin noon.

Q: Pero sa (unclear) mas masarap maging taga gobyerno, dahil tiyak yung 13th month pay mo dahil may allocation ka.

SP Sotto: Kaya nga. Yung mga kababayan naman natin, sana mabigyan. Sa amin, yung iba sa amin, baka gustong mag donate. Di ba yung 13th month pay namin, ibigay namin sa mga nangangailangan through the DOLE or the DSWD.

Q: Kayo sir, on your part?

SP Sotto: Gagawin ko.

Q: Talaga, idodonate ninyo?

SP Sotto: Oo, at saka hindi tayo mahilig magyabang, yung mag sweldo naman ng karamihan sa amin, di ba may mga nakaraan na may nagbanggit, nag comment, yung sweldo daw nila, ibibigay nila yung one-fourth, one-half, ganito, ganyan, di ba? Naalala mo? Hindi kami umiimik? Kasi binibigay na namin yung amin. Kaya nga pag sinabi namin, baka sabihin Sumasakay kami, kaya hindi namin sinasabi. Ang dami sa amin, ang daming tumutulong, ang daming itinutulong. Pacquiao, naku ang daming abono noon. Kaya nga. Yung San Miguel, sabi ko sa iyo, grabe ang abono noon. Pero kahit na, ang usapan nga na sinasabi ni Ramon Ang sa akin, kahit ma in the red daw sila, basta makatulong sa mga ano, okay daw.

Q: Sana maraming ganoon na negosyante.

SP Sotto: Oo nga, may nagbiro nga, si Ping yata ang nagbiro, sabihin mo kay Ramon, tumakbong presidente, sabi. Sa Pilipinas yan ang kailangan natin. Biniro ko si Ramon, Ramon, sabi ko, sabi nila Ping at saka nabasa ko sa Facebook, bakit di ka tumakbong presidente.

Q: Ano po ang sagot?

SP Sotto: Sabi sa akin that is a demotion. Nagbibiro lang siguro, pero ibig sabihin, ayaw niya.

Q: Ayaw niya, mas gusto niyang maging negosyante.

SP Sotto: Oo at saka walang sakit ng ulo.

Q: Saan mo intended na idaan yung pagdonate ng iyong 13th month pay?

SP Sotto: Paaaral ko sa opisina kung saan maganda para makadagdag doon sa mga kakapusin. Hindi, ibigay na lang doon sa mga hindi makakapagbigay, sa hindi mabibigyan.

Q: Ng 13th month pay?

SP Sotto: Oo.

Q: Kung may magsabi sa amin, ipapaalam namin sa inyo.

SP Sotto: Oo, pwedeng-pwede. Yung panganay ko, hindi ba meron siyang negosyo sa UP Town Center? Mag iisang taon na daw siyang talagang gulping-gulpi dahil nga nasara sila, hindi kumikita, tapos ito ngayon na open sila pero mahina, yung mga empleyado kawawa. Sabi ko sa kanya, hindi bale ng malugi ka, basta swelduhan mo yung mga empleyado mo. 13th month pay, ibigay mo pa rin. Ang pera nababawi, kinikita yan, pero yung buhay hindi.

News Latest News Feed