Press Release
November 16, 2020

Gatchalian on celebrating National Children's Month: boost learners' awareness of their rights

Amid the celebration of the National Children's Month this November, Senator Win Gatchalian urged both public and private schools to boost their programs that raise awareness on children's rights.

According to the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, upholding and protecting the rights of children is crucial given the adverse socio-economic effects of the COVID-19 pandemic, including their increased exposure to violence and abuse.

Data from the Philippine National Police Women and Children Protection Desks (PNP-WCPD) showed that as of July 11, there were 2,077 cases of violations against children since the implementation of the Enhanced Community Quarantine (ECQ) in March.

The Department of Justice's (DOJ) Office of Cybercrime also revealed that from March 1 to May 24 this year, there were 279,166 cases of online sexual exploitation of children (OSEC), a surge of 264 percent from the 76,651 cases recorded in the same period last year. The Philippine Chamber of Telecom Operators (PCTO) also reported last September that internet service providers and telecommunications operators blocked 2,521 OSEC websites.

"Ang pandemya ng COVID-19 ay naging isang malaking banta sa kaligtasan ng ating mga kabataan mula sa sakit, pang-aabuso, at karahasan. Kung mas malawak ang pakikilahok at kaalaman ng mga kabataan sa pagtataguyod ng kanilang karapatan, magiging mas epektibo ang ating pagsugpo sa mga pang-aabusong maaari nilang maranasan," said Gatchalian.

Gatchalian emphasized that the Child Protection Committee (CPC), the school body tasked to ensure child protection and safety, is key in boosting learners' rights awareness. Under DepEd Order No. 40 s. 2012, one of the functions of the CPC is to initiate information dissemination programs and organize activities on the protection of children from abuse, exploitation, violence, discrimination, and bullying or peer-on-peer abuse, all of which should be identified, referred, and reported to appropriate offices.

The CPC is also tasked to coordinate closely with government agencies such as the PNP-WCPD, the Local Social Welfare and Development Office, and other non-governmental organizations (NGOs).

Aside from referring cases, Gatchalian also suggested that schools work with these government offices and NGOs in implementing rights education programs, reiterating that such partnerships can build the trust of learners and parents for these institutions. He concluded that schools and these institutions should maintain and strengthen their helplines to ensure that the needs of learners in distress are immediately met.

# # #

Paigtingin ang kaalaman ng kabataan sa kanilang karapatan ngayong Nat'l Children's Month--Gatchalian

Sa gitna ng pagdiriwang ng National Children's Month ngayong Nobyembre, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga pampubliko at pribadong mga paaralan na palawigin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang mga karapatan.

Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, mahalagang pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng mga bata lalo na't naging banta sa kanilang kaligtasan ang pinsalang dulot ng COVID-19. Kabilang sa mga epekto ng pandemya ang pagtaas ng mga insidente ng karahasan at pang-aabuso sa mga kabataan.

Ayon sa datos ng Philippine National Police - Women and Children Protection Desks (PNP-WCPD), mahigit dalawang libong (2,077) kaso ng mga krimen laban sa kabataan ang naitala simula noong ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso hanggang Hulyo 11.

Iniulat din ng Department of Justice (DOJ) Office of Cybercrime na mula Marso 1 hanggang May 24 ngayong taon, halos dalawang daan at walumpung libong (279,166) kaso ng online sexual exploitation of children (OSEC) ang kanilang naitala. Mas mataas ito ng higit dalawang daang (264) porsyento mula sa pitumput anim na (76,651) libong kasong naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, naharang ng mga internet service providers at telecommunications operators ang higit sa dalawang libong (2,521) website ng OSEC, ayon sa Philippine Chamber of Telecom Operators (PCTO).

"Ang pandemya ng COVID-19 ay naging isang malaking banta sa kaligtasan ng ating mga kabataan mula sa sakit, pang-aabuso, at karahasan. Kung mas malawak ang pakikilahok at kaalaman ng mga kabataan sa pagtataguyod ng kanilang karapatan, magiging mas epektibo ang ating pagsugpo sa mga pang-aabusong maaari nilang maranasan," ani Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, ang mga Child Protection Committee (CPC) ng mga paaralan ay may mahalagang papel sa pagpapaigting ng kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang mga karapatan. Sa ilalim ng DepEd Order No. 40 s. 2012, kasama sa mga tungkulin ng CPC ang pagsasagawa ng mga programa at aktibidad laban sa iba't ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, diskriminasyon, at bullying sa mga mag-aaral. Bahagi rin ng tungkulin ng CPC ang pag-uulat sa mga kasong ito sa angkop na mga tanggapan.

Tungkulin din ng CPC ang pakikipag-ugnayan sa mga non-government organizations (NGOs) at mga ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP-WCPD, at ang Local Social Welfare and Development Office.

Maliban sa pag-uulat ng mga kaso, ang mga ahensya at mga organisasyongg ito ay maaaring maging katuwang ng pamahalaan sa pagpapalawig ng kaalaman sa karapatan ng mga bata, pahayag ni Gatchalian. Aniya, makatutulong ang mga ugnayag ito upang patatagin ang tiwala ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang sa mga institusyon.

Dagdag ni Gatchalian, mahalagang manatiling bukas ang mga helpline ng mga paaralan, mga tanggapan ng pamahaalaan, at mga NGOs upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

# # #

News Latest News Feed