Press Release
November 23, 2020

Gatchalian pushes for more funds to repair power lines destroyed by typhoons

Senator Win Gatchalian called for more than a 100-percent increase in an item in the proposed P4.506-trillion national budget for 2021 that will fund the electric cooperatives' (EC) repair of damaged power lines and infrastructures.

In sponsoring the National Electrification Administration's (NEA) proposed budget, Gatchalian proposed an additional P550 million in the P200 million allocation for the Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) next year.

"I would like to state for the record as early as now that with the onslaught of the natural calamities this year, I will be proposing that this amount be increased since the total damage to electric cooperatives from the Taal eruption and typhoons Ambo, Quinta, Rolly and Ulysses already amounts to P829 million as of Nov. 16, 2020," the Chairman of the Senate Energy Committee said.

ECERF, under Republic Act No. 11039, was institutionalized last year as a ready fund that can be tapped by ECs for faster restoration of electricity and power facilities damaged by natural calamities. Funds under ECERF are being administered and managed by the NEA.

"Considering the extent of damage left behind by the series of typhoons that devastated several areas in the country, the original proposed appropriation for ECERF would not suffice to cover the cost of repair work of the ECs," said Gatchalian.

For this year, the ECERF was given an appropriation of P250 million and in next year's budget, the proposed allocation is placed at P200 million.

The senator justified his proposal saying that the funding requirement for ECERF is to assure the availability of funds in times of any fortuitous event or force majeure in the coming year.

"Alam naman natin na ang consumers ay naging biktima rin ng bagyo kaya po itong pondo na ito ay gagamitin sa mga ganitong sitwasyon para hindi na ipasa ang pagpapagawa ng mga poste sa ating mga consumers," the senator explained.

"Sisiguraduhin natin na itong mga kooperatiba natin dito ay magkakaroon ng access sa pondong yan para mabilis ang repair ng mga nasirang poste ng kuryente," Gatchalian added.

Based on the latest information, Gatchalian was told that in Cagayan province, the Cagayan Electric Cooperative (Cagelco) 1 managed to restore 74% of the power lines while Cagelco 2 already restored 99%. In Catanduanes, however, only three percent has been restored so far.

# # #

Dagdag na pondo para maibalik ang kuryente sa mga nasalantang lugar iminungkahi ni Gatchalian

Ipinanukala ni Senador Win Gatchalian na doblehin ang pondong inilalaan sa electric cooperatives sa ilalim ng P4.506 trilyon na 2021 national budget para sa pagpapakumpuni ng mga poste ng kuryente at imprastrakturang nasira ng mga nagdaang bagyo.

Kasunod ng inihaing panukalang budget para sa National Electrification Administration (NEA) sa susunod na taon, pinadadagdagan ni Gatchalian ng P550 milyon ang P200 milyon na alokasyon para sa Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF).

Ilan lamang ang mga probinsiya ng Catanduanes, Albay at Cagayan sa mga nasalanta nang husto ng nagdaang mga bagyo. Ilang araw din silang lumubog sa baha at marami ang wala pa ring kuryente hanggang sa mgayon.

Mariing sinabi ng senador na ang dagdag pondo ay para punan ang pangangailangan ng mga EC na naapektuhan ng mga kalamidad ngayong taon tulad ng Taal volcano eruption at mga bagyong Ambo, Quinta, Rolly at Ulysses at bilang paghahanda para sa mga susunod pang kalamidad sa susunod na taon.

Sa kabuuan ay umaabot na sa P829 milyon ang halaga ng nasirang mga imprastraktura ng mga EC base sa pinakahuling impormasyong nakalap ng Chairman ng Senate Energy Committee.

Ang ECERF, na nasa ilalim ng Republic Act No. 11039, ay isinabatas noong nakaraang taon upang may mapagkunang pondo ang mga EC para sa agarang pagsasaayos ng mga nasira nilang pasilidad bunsod ng kalamidad o hindi mga inaasahang kaganapan. Ang pondong ito ay pinangangasiwaan ng NEA.

"Sa laki ng pinsalang iniwan ng mga sunod-sunod na mapanirang bagyo na dumaan sa bansa, ang orihinal na panukalang alokasyon para sa ECERF ay hindi sapat para punan ang halagang kinakailangan ng mga EC sa pagsasaayos ng mga nasirang linya ng kuryente," ani Gatchalian.

Naglaan ang gobyerno ng P250 milyon para sa pondo ng ECERF ngayon taon at P 200 milyon para sa susunod na taon.

Binigyan katwiran ni Gatchalian ang kanyang panukala at sinabi na ang dagdag na pondo ay para siguruhin ang paglalaan ng sapat na pondo sa ECERF para sa mga darating pang mga kalamidad.

"Alam naman natin na ang mga mamimili ay naging biktima rin ng bagyo kaya itong pondong ito ay gagamitin sa mga ganitong sitwasyon para hindi na ipasa ang gastos sa pagpapagawa ng mga poste sa ating mga consumers," pahayag ng senador.

"Sisiguraduhin natin na itong mga kooperatiba natin dito ay magkakaroon ng access sa pondong yan para mabilis ang repair ng mga nasirang poste ng kuryente," dagdag pa ni Gatchalian.

Base sa pinakahuling nakalap na impormasyon ni Gatchalian, nasa 74 porsyento pa lamang ang mga linyang naayos ng Cagayan Electric Cooperative (Cagelco) 1 at umaabot na sa 99 porsyento ang naibalik ng Cagelco 2 sa probinsya ng Cagayan. Samantala, nasa tatlong porsyento pa lamang ang naibabalik na linya ng kuryente sa Catanduanes.

# # #

News Latest News Feed