Press Release
December 29, 2020

Gatchalian on erring policemen: Legislate reforms to instill discipline

Legislating reforms in instilling discipline among the ranks of the Philippine National Police (PNP) appears to be needed to address the likes of Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, said Senator Win Gatchalian.

"Sa pag-aanalisa ko sa video na nagpapakita kung paano pinatay ang mag-ina, tingnan natin 'yung proseso ng pagdidisiplina sa mga tiwaling pulis nang sa gayun ay maihiwalay sila sa hanay ng mga matitinong pulis at maiwasan ang mga krimeng katulad ng ginawa ni Nuezca," he said.

"We can legislate the process of disciplining the ranks of those in the PNP, and we can legislate additional budget to improve the process if need be," Gatchalian added.

Gatchalian is one of the six senators who filed Senate Resolution No. 600 seeking to investigate, in aid of inquiry, the series of unlawful killings of private citizens including doctors, lawyers, journalists and members of other professions with the end view of identifying gaps in law enforcement.

While they're set to look into the circumstances surrounding the series of unlawful killings, Gatchalian said they likewise intend to look whether appropriate actions were undertaken by the National Police Commission (Napolcom) and other concerned law enforcement agencies.

"In the case of the Napolcom, the agency that conducts pre-charge investigation of police anomalies, irregularities, and summary dismissal of erring police officers, we want to find out how it handled the cases against Nuezca who has a checkered past," he said.

"Maybe we have to revisit their functions and procedure in exercising administrative control and supervision over the ranks of PNP," the senator added.

"Ang nakikita ko ay ang kawalan ng matibay na proseso sa pagdidisiplina sa kapulisan natin at yan ay matagal ko nang sinasabi. Kung ang ating mga kapulisan ay hindi nadidisiplina, malaya nilang magagawa ang kanilang gustong gawin nang hindi sila napaparusahan at lalakas ang loob nila," he emphasized, adding that Nuezca should have exercised his being a law enforcer in dealing with his neighbors and not resort to killing.

"Sabihin na natin na talagang nagkaroon ng komosyon doon pero hindi naman ganun ang kanyang trabaho. Ang kanyang trabaho ay ihinto ang gulo at arestuhin kung may mga lumabag sa batas. Dapat pumunta sya doon para ayusin yung gulo at hindi mag-umpisa ng gulo lalo na ang mag-umpisa ng patayan," said Gatchalian.

# # #

Gatchalian: Isabatas ang pagdidisiplina sa mga tiwaling pulis

Pagsusulong ng panukalang batas para repasuhin ang mga pamantayan sa pagdidisiplina sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang kailangan upang hindi na maulit ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga pulis at iba pang alagad ng batas tulad ng ginawang pagpatay ni Police Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-ina sa Tarlac. Ito ang mariing sinabi ni Senador Win Gatchalian.

"Batay sa video doon sa kaso ni Nuezca, talagang makikita natin na parang walang kaluluwa yung pulis na pumatay sa mag-ina. Sa pag-aanalisa ko dito, tingnan natin nang maigi yung proseso ng pagdidisiplina sa mga tiwaling pulis nang sa ganun ay maalis na sila sa hanay ng mga matitinong pulis," ani Gatchalian.

"Maari tayong magpasa ng batas kaugnay sa proseso ng pagpapataw ng karampatang disiplina sa hanay ng PNP at kung kinakailagan nito ng karagdagang budget, maari din tayong magpasa ng batas para mabigyan ito ng kaukulang budget," dagdag pa ng senador.

Isa si Gatchalian sa anim na senador na naghain ng Senate Resolution No. 600 para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa serye ng mga pagpatay ng mga pribadong indibidwal - kabilang na dito ang mga abogado, mamamahayag, at miyembro ng iba't ibang propesyon - upang alamin ang butas sa pagpapatupad ng mandato ng mga tinaguriang tagapagpatupad ng batas.

Sakop ng nasabing resolusyon ang mga kaganapan sa serye ng patayan kabilang na ang kasong kinakaharap ni Nuezca at ayon kay Gatchalian, nais nilang alamin ang mga kaukulang aksyon na isinagawa ng National Police Commission (Napolcom) at iba pang ahensya na may kaugnayan sa pagpapatupad ng batas at pagpapataw ng parusa.

"Dahil ang Napolcom ang ahensya na nagsasagawa ng pre-charge investigation sa mga anomalyang kinasasangkutan ng mga pulis o mga irregularidad at summary dismissal ng mga tiwaling pulis, kailangan nating malaman kung paano nila dininig ang mga kaso ni Nuezca nuon na, batay sa impormasyon ay, nasampahan na pala ng ilang kaso," ayon kay Gatchalian.

"Kailangan naming suriin ang kanilang tungkulin at pamamaraan sa pagpapatupad ng administrative control at pangangasiwa sa hanay ng PNP," dagdag pa ng senador.

Sa kaso ni Nuezca, sinabi ng senador na dapat ay pinanindigan na lang niya sana ang kanyang pagiging alagad ng batas sa pakikiharap sa kanyang kapitbahay at hindi ginawang solusyon ang pagpatay sa 52 anyos na si Sonya Gregoria at ang kanyang 25 anyos na anak na si Frank Anthony.

"Sabihin na natin na talagang nagkaroon ng komosyon doon pero sana ay naiwasan ang krimen. Ang kanyang trabaho ay ihinto ang gulo at arestuhin ang mga lumabag sa batas. Dapat namagitan na lang siya mang maayos nang sumugod siya sa bakuran ng mag-inang biktima at hindi na sana nauwi pa sa trahedya," ani Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed