Press Release
March 16, 2021

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE's OPENING STATEMENT
Senate committee on public services
Hearing on PUV modernization
March 16, 2021

Halos apat na taon matapos ilunsad ang public utility vehicle modernization program o PUVMP, bubuksan nating muli ang isyu kaugnay nang nalalapit na palugit na ibinigay para sa "consolidation" ngayong katapusan ng Marso.

Ilang ulit na nga natin tinalakay dito sa Senado ang isyung ito ngunit hindi matapos-tapos ang reklamo. This time around, this committee will get to the bottom of these important issues:

a. Una, ilang ulit na rin ipinakiusap nang komiteng ito sa Department of Transportation na unahin na muna ang pagsasaayos ng mga ruta nang ayon sa sarili nitong Department Order, tanggapin ang roadworthiness bilang standard sa pag-momodernisa, at pag-aralan muli ang buong polisiya ng phaseout. We have seen many deadlines come and go but the basic issues that we discussed in the past remain unresolved. Ano ba ang sitwasyon ngayon? Ano na ang nagawang aksyon?

b. Pangalawa, kaugnay sa nalalapit na March 30 deadline, maraming drayber-operator na hindi pa rin naniniwala sa konsolidasyon. Since most of the drivers and operators are new to the practice of organizing a cooperative, will they be provided with the relevant trainings and skills-building workshops to ensure better outcomes for their newly-formed organizations? Anu-ano ang mga maaaring itulong ng DOTr pagdating sa ganitong usapin?

c. Pangatlo, kung kumapit nga sila sa patalim at napilitang mag-consolidate para lang makapag-operate, ano naman ang aasahang tulong mula sa gobyerno para makabili ng modern units? Ayon mismo sa Department of Transportation, maaring umabot sa P2.4 million ang halaga ng isang modern jeepney. Even if the government increased the subsidy to P160,000 per unit, the numbers simply do not add up. Hindi ito kayang bilhin ng ordinaryong tsuper. Ito marahil ang dahilan kung bakit naibibigay ngayon ang prangkisa sa mga nagsusulputang kooperatiba at korporasyon na hindi naman talaga nanggaling sa mga hanay ng mga tsuper.

d. Pang-apat, kung hindi talaga kayang mag-consolidate, ngunit roadworthy naman, makakabiyahe pa rin ba sila? Ano ang mangyayari sa kanila? May tulong ba silang matatanggap sa gobyerno? Kung meron man, sasapat ba ito upang makapagsimula silang muli ng bagong trabaho o kabuhayan?

Nawalan nang kabuhayan ang karamihan ng PUV drayber-operator dahil sa pandemya. Ito mismo ang dahilan kung bakit sinikap natin dito sa Senado na mabigyan sila ng agarang ayuda noong nakaraang taon sa ilalim ng Bayanihan 1 at pondo para sa subsidiya para makabiyahe nang ayon sa safety protocols sa ilalim ng Bayanihan 2 at 2021 budget.

In order to truly heal and recover as one, we need to lift unnecessary burdens caused by deadlines and requirements that could not possibly be met by hundreds of thousands of PUV operators. Data shows that there will be around 100,000 PUV drivers and operators who will be displaced as a result of the PUVMP. 100,000 pamilya ang magugutom sa ilalim ng programa sa gitna ng pandemya. Sino ang sasalo nito? Kaya ba sila kupkupin ng mga kooperatiba at korporasyon na makakakuha ng mga rutang naging lifeline na ng mga drayber sa loob ng mahabang panahon?

This hearing is also a gentle reminder that any form of phaseout of any PUV is prohibited under the Bayanihan to Recover as One Act. Bawal po ang pag-papatigil ng biyahe ng mga PUV sa ilalim ng kahit anong programa kahit ano pa po ang tawag - PUVM man o konsolidasyon.

Lagi kong sinasabi ito tuwing mga drayber ang pinag-uusapan: Gusto nating maging ligtas ang ating mga daan at pampublikong sasakyan. Ngunit, ika nga nila - there are two sides to every story and as policymakers, we are expected to consolidate both. While we push for safer roads, we should also put ourselves in the shoes of those who are asked to comply with the regulations we are implementing.

Kaya ba ng mga karaniwang tsuper na sumunod sa mga alituntunin ng programa? Kung noon pa lang ay umaangal na sila, ngayon pa kaya na kasagsagan ng pandemya?

Surely, there must be a way to modernize our public utility vehicles without throwing our drivers under the proverbial bus.

It is under these circumstances that this hearing is called for. We want to hear all sides so that we can finally put to rest this issue and give some peace of mind to the PUV sector. Apat na taon na silang tinatakot na tatanggalan sila ng kabuhayan. Sabi nga ng mga tsuper na humihingi ng tulong sa komite, "hindi sila sa COVID namamatay kung hindi sa stress dulot ng ganitong mga polisiya."

On this note, I would like to offer a minute of silence to honor the leaders who relentlessly fought for the rights of the transport sector... Ka Zeny Maranan at Ka Efren de Luna, maraming maraming salamat po sa inyong serbisyo...

News Latest News Feed