Press Release
March 20, 2021

Transcript of Senator Nancy Binay's interview
on dwIZ Usapang Senado (hosted by Cely Ortega-Bueno)

Milky Rigonan (Q): ...Kahit naglabas na po kayo ng statement na wala kayong plano na tumakbo sa higher position, how do you feel na nasama kayo sa iilan na kinonsider ng 1Sambayan?

Sen Nancy Binay-Angeles (SNBA): Una, gusto ko magpasalamat kina Justice Carpio at sa 1Sambayan para ma-consider tayo. Kasi sa akin, it's a validation na meron tayong nagawa sa almost 9 years na pagiging senador natin. Alam mo naman yung kuwento ko noong pumasok ako noong 2013 bilang senador, tapos after 9 years, para mabilang sa mga pagpipilian among the 2 highest offices in government, e isang karangalan.

Q: So, kayo po ay natanong ng grupo na iyon? Ininterview po ba kayo?

SNBA: May paguusap kung magiging bahagi noong pagpipilian. Pero right there and then sinabihan ko na sila na hindi talaga ako interesado.

Q: So, ganoon lang po ang inyong paguusap, wala iyong malaliman na parang...

SNBA: Wala. Sa umpisa pa lang sinabihan ko na hindi talaga ako interesado.

Q: So papaano po iyon ma'am, isa lang po ang kumausap?

SNBA: Hindi siya parang selection process. Parang kuwentuhan lang ang dating.

Q: Noong kayo ay nagkuwentuhan, kasama n'yo po ba yung mga na-consider o kayo lang po?

SNBA: Ako lang kasi yung context parang nag-dinner lang. Ganoon lang yung pag-uusap.

Q: So, noong tinurn down ninyo, paano po ito, nag-commit kayo na susuportahan niyo na lang ang magiging manok ng 1Sambayan?

SNBA: Basta ako kasi napakahalaga sa akin na ang magiging presidente natin for 2022 dahil ang laki ng problema na hinaharap natin. Actually ako nga parang naaawa ako kung sino ang susunod na magiging presidente dahil napakabigat ng pasanin nya. Hindi biro itong pinagdadaanan natin. This is the worse case scenario for our country. So kumbaga nakasalalay lahat tayo sa uri ng pamumuno niya. And doon sa adhikain ng 1Sambayan yung criteria na sinet nila sa susunod na pangulo is for me more or less the same criteria.

Q: Kasi gusto nila maging united ang mga convenor ng grupo...

SNBA: I guess bahagi iyon ng strategy nila kumbaga para mapanalo ang pipiliin nilang kandidato. Sa akin kasi, ang mahalaga ngayon is yung katangian ng magiging susunod na presidente. Dahil napakahalaga for me yung ability niya to lead us out of where we are now.

Q: Sabi niyo nga parang kawawa yung magiging susunod na pangulo...

SNBA: Oo kasi di ba kung sino man yung papalit, pag hindi tama yung pamumuno niya, lalo pa tayong lulubog. And that is not a scenario na gusto kong isipin dahil it's not for me. Hindi naman ako ganoon kaganda pero ang mas iniisip ko yung mga anak ko, yung klase ng environment na kalalakihan nila.

Q: So napaka-crucial po ng 2022 na maging mapanuri ang ating mga kababayan sa kanilang pagboto...

SNBA: Totoo yan atsaka siguro ang number one na titignan is yung pagpapahalaga niya sa programang pangkalusugan, edukasyon. Kasi parang hindi napagtuunan ang ganoong usapin noong 2016 elections. It was not a priority sa magiging presidente natin.

Q: Sa mga kino-consider ng 1Sambayan, doon ba may nakikita kayo na may qualified?

SNBA: Siguro ayaw ko muna pangunahan. Tulad nga ng laging sinasabi ng mga kasamahan ko, at this point concentrate muna tayo sa COVID dahil kumbaga yun muna ang pagtuunan natin ng panahon. Siguro before October, siguro iyan mas nararapat na pagusapan. kasi for me very crucial ang remaining days of March kung papaano natin malilihis at pababain ang numero ng mga nagpopositive.

Q: Nabanggit niyo na rin iyon na maraming nagpopositive... Ano po ang masa-suggest ninyo na gawin ng mga government officials para di humantong sa kinatatakutan na 10,000-20,000 ang kaso daily.

SNBA: Iyon na nga e. Katulad nung umpisa nitong lockdown natin 'di ba pauli-ulit na sinasabi ko na during that lockdown period dapat ang mga policy makers, mga naatasan pagdating dito sa Covid, gumawa na sila ng materyales para turuan ang ating mga kababayan kung ano ang magiging new normal 'pag nagluwag na ang economy. Mukhang walang ganun. Ang nangyari, binuksan ang ekonomiya, pero hindi naturuan kung anong dapat na paglabas sa new normal, na okay, kunwari sa workplace nyo, or let's say kunwari na-expose ka sa isang positive, ano ang magiging sistema ng reporting? Or ano ang magiging sistema ng testing sa workplace na iyon? Parang walang ganung setup. And then sa public transportation natin, 'di ba nag-open up, pero bakit hindi nila ni-consider na bakit hindi na lang dagdagan ang mga jeep, i-retain ang 30 percent pero mas maraming public transportation. Hindi iyong ginawang 50 percent with the same number of public transportation. Parang wala silang naging modeling kung ano ang mga scenario natin kung magbubukas ang ekonomiya natin. Ako aminado ako na at this point we have to live with the virus, at hindi katanggap-tanggap na nakakulong tayo forever.

Q: Kaya nga ang nangyari nga yata nagbukas ang ekonomiya pero hindi naihanda nga o nagabayan ang publiko, akala nila noong magbukas ang ekonomiya pwede nang back to normal tayo, dating gawi.

SNBA: Yes. Kasi nga siguro dahil nakikita din ang ibang miyembro ng gobyerno, mga public officials na parang "life is going back to normal" but it's not, it will not go back to normal. Isa pa, 'di ba noong kalat na sa ibang bansa, nagkaroon ng ibang variant na mas contagious, anong ginawa natin? Mas binuksan pa natin ang ekonomiya natin without proper preparation doon sa pagbubukas. Kaya parang, heto, it's back with a vengeance. Hindi lang... not the same, but mas matindi, mas malala.

Q: Kaya sabi ni former Sec. Cabral hindi tayo back to square one, 10 steps backward from square one parang ganoon ang sinabi.

SNBA: Totoo yan. At lalo akong natatakot kasi I've been very active doon sa hearing ni Sen. Gatchalian sa education, and parang lalo na noong hearing namin, nagsalita iyong mga behavioral psychologist na parang iyong isang taong pagka-lockdown sa mga estudyante, hindi iyan mabuti para sa kanila. May nawawalang mahalagang aspeto sa development nila. And doon sa sitwasyon ngayon, parang mas lumalabo na magkakaroon tayo ng face-to-face na type of going back to school doon sa ating mga kabataan ngayon. And katulad ng nabanggit ni Dr. Carandang, they need to socialize asap. Paano sila magso-socialize kung ganito ang sitwasyon natin ngayon.

Q: Crucial din na magkaroon na tayo ng malawakang vaccination. Pero ang problema parang mabagal. Ngayon, may nag-leak na ang DOH may draft sila na ipapalabas na order na hindi rin nila papayagan makipag-tripartite sa kanila, maging partner ng gobyerno ang mga kumpanya na ang produkto ay sin products.

SNBA: Yes. In fact na-receive ko rin iyan, may nagpadala din sa akin niyang draft tripartite na iyan na hindi pwedeng mag-avail ang mga nagta-trabaho sa milk companies, tabako, sigarilyo, alak, na parang bakit may bahagi ng ating population na hindi pwedeng mag-avail ng bakuna? For me that is outright discrimination, eh. Ano ba ang slogan natin? Bakuna for all, 'di ba? Lalong lalo ngayon na may problema tayo dahil marami sa ating kababayan ang may ayaw. Pero itong mga ito, kahit gusto nilang magpa-bakuna, just because nagta-trabaho sila sa ganong sector, hindi sila pwedeng mag-avail. So parang sinasabi ng pamahalaan na since nagta-trabaho kayo sa ganyan, kumbaga karma nyo na na magka-Covid din kayo.

Q: Parang dispalinghado, palpak na naman itong patakaran na ito.

SNBA: Iyon na nga, eh. Sana isipin nilang maigi ang mga pulisiya na ilalabas nila bago nila i-announce sa publiko dahil kung matitignan mo, ilang beses na nilang ginagawa. May isang grupo, for example, iyong NTF, ia-announce na ganito ang policy. Tapos kapag may nag-ingay, kapag nagkaroon ng clamor na hindi na-implement, babawiin na naman. Ang isang ahensiya, sasabihin na naman na, ay hindi, hindi iyan i-implement na policy. 'Di ba ang gulo.

News Latest News Feed