Press Release
March 24, 2021

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON CURRENT IATF BOARD AS 'BEST POSSIBLE OPTION'

Kung ito na yung best and brightest, literally and figuratively, patay tayong lahat.

Mukhang kailangang mag-reflect nang maayos ng IATF-NTF. Klaro naman that we would not be where we are today, if not for their gross mismanagement. Ika nga, kung hindi mo kilala ang sarili mo at hindi mo kilala yung kalaban mo, matatalo ka sa bawat gyera. IATF: Your enemy is not the Senators, it is the virus. Iyan yung labanan ninyo.

Instead of celebrating its mediocre accomplishments, the IATF-NTF should imagine itself in the shoes of the everyday Filipino. Let's see if it would still have the audacity to call itself the best and brightest then.

Tayo na naman ang may pinakadaming kaso ng COVID-19 sa buong Western Pacific Region ayon sa World Health Organization (WHO). Naiiwanan na tayo ng mga neighboring countries natin. May mga taong namamatay sa sarili nilang mga bahay dahil puno na yung mga ospital.

Kung anu-anong acronym para sa lockdown ang naiisip ng IATF-NTF, pero wala pa rin silang plano para sulitin ang "GCQ bubble." Wala pa rin akong naririnig mula sa kanila na dadagdagan yung mass testing, aayusin ang contact tracing o dadamihan ang isolation centers na sa ngayon ay puno na. Kung walang testing, walang tracing, isolation at treatment na magaganap. On top of that, wala pa ring bakuna. Iyang galing ng pag-execute ng lima na yan lang naman ang paraan para makabangon tayo sa pandemya.

Hindi tayo pwedeng maghihintay na lang sa bakuna. Hindi tayo pwedeng naka-lockdown forever. The IATF-NTF had one year to improve our situation. They have failed.

Hindi na kaya ng publiko saluhin yung gobyerno. Wala na silang mga trabaho, hindi na sila makakain, hindi na nila kayang bayaran yung hospital bills. Takot din sila lumabas pero wala silang choice kundi itaya yung buhay nila para sa pamilya araw-araw. Hindi lahat ay may malaking bahay at sariling kwarto at kama, kaya siksikan pa rin sila.

Baka imbes na mag-aksaya ng oras si Sec. Duque sa pag-iikot sa mga barangay para sukatin ang physical distancing ng mga tao, mamigay ng face shield, at humanap ng ibang sisisihin, oras na para gamitin niya ang baston niya para pabilisin ang galaw ng IATF-NTF.

The real 'politicking' is the IATF-NTF refusing to acknowledge that, for the sake of the country, they need to step down and do a replacement search. Overhaul the IATF-NTF and get real experts and managers who are actually capable of containing the virus.

News Latest News Feed