Press Release
April 14, 2021

Gatchalian urges gov't anew to uphold teachers' welfare after deaths of DepEd personnel

Following the deaths of five Department of Education (DepEd) personnel in Isabela and the continued spike of COVID-19 cases in the country, Senator Win Gatchalian is urging the government anew, including the education department, to uphold the welfare of teachers.

For the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, upholding the welfare of teachers entails the strict enforcement of the alternative work arrangement, the assurance of access to COVID-19 testing, treatment for those who would contract the virus, and the prioritization of teachers in the vaccination program.

Last year, DepEd assured that its personnel are covered by the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). The Employees' Compensation Commission (ECC) also offers the Employees' Compensation (EC) Program, which provides income, medical, and other health benefits in the event of work-related sickness, injury, or death.

The School Division Office (SDO) in Isabela earlier announced that it has reached out to the grieving families to provide urgent assistance and facilitate the expeditious release of benefits. According to DepEd, the infections were acquired through community transmission and not work-related.

Teachers' groups, however, have been clamoring on DepEd to extend financial assistance to personnel who get sick with COVID-19, claiming that teachers who got infected did not receive financial assistance from the government. They said that any financial assistance extended to them come from personal contributions or personal help from some government officials.

"Habang patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, lalong dapat paigtingin ng DepEd ang pag-aalaga sa ating mga gurong isinasakripisyo ang kanilang kaligtasan at kalusugan upang maipagpatuloy ng ating mga kabataan ang kanilang pag-aaral. Kailangang tiyakin sa ating mga guro na may agarang tulong na maipapaabot sa kanila kung sakaling sila ay magkasakit," said Gatchalian.

The lawmaker concluded by reiterating his push to move teachers up in the COVID-19 vaccination priority list. Teachers are currently in the B1 category with other social workers. Teachers should instead be in the A4 priority list with the frontline personnel of other essential sectors, Gatchalian said.

The Senate's Adopted Resolution No. 92, which Gatchalian sponsored, also called for the prioritization of teachers in the COVID-19 vaccination program.

# # #

Gatchalian muling hinimok ang gobyernong pangalagaan ang mga guro

Matapos maiulat ang pagkamatay ng limang personnel ng Department of Education (DepEd) sa Isabela, hinimok muli ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan, kabilang ang kagawaran ng edukasyon, na itaguyod ang kapakanan ng mga guro sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Para sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, kabilang sa pangangalaga sa kapakanan ng mga guro ang mahigpit na pagpapatupad ng alternative work arrangement, ang pagtiyak sa access nila sa sa COVID-19 testing, pagpapagamot para sa mga mahahawaan ng virus, at ang pagbibigay prayoridad sa mga guro sa vaccination program ng pamahalaan.

Noong nakaraang taon ay iniulat ng DepEd na ang mga guro at mga kawani nito ay suportado ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Hatid naman ng Employees' Compensation Commission ang Employees' Compensation Program na nagbibigay ng iba't-ibang mga benepisyo para sa mga kawaning nagkasakit, napinsala, o pumanaw sa gitna ng trabaho.

Ayon naman sa School Division Office ng Isabela, nakipag-ugnayan na ito para sa mga naiwang pamilya ng mga pumanaw upang magpahatid ng agarang tulong at mabilis na maibigay ang mga benepisyong nakatakda nilang matanggap. Paliwanag ng DepEd, ang mga naiulat na kaso ng COVID-19 ay nagmula sa mga komunidad at walang kinalaman sa trabaho.

May ilang grupo naman ng mga guro na hinihimok ang DepEd na magpaabot ng tulong pinansyal sa mga guro at kawaning nagkakasakit dahil sa COVID-19, lalo na't ayon sa mga naturang grupo, ang mga gurong tinamaan ng COVID-19 ay hindi naman nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan. Ayon pa sa mga grupong ito, kung may mga tulong mang naipaabot sa mga nagkasakit ay mula sa personal na ambagan ng mga guro at personal na tulong mula sa ilang mga opisyal ng pamahalaan.

"Habang patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, lalong dapat paigtingin ng DepEd ang pag-aalaga sa ating mga gurong isinasakripisyo ang kanilang kaligtasan at kalusugan upang maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral. Kailangang tiyakin sa ating mga guro na may agarang tulong na maipapaabot sa kanila kung sakaling sila ay magkasakit," pahayag ni Gatchalian.

Muli rin namang hinimok ni Gatchalian ang pagsama sa mga guro sa listahan ng mga grupong bibigyang prayoridad sa programang pagpapabakuna ng gobyerno. Kasalukuyang nabibilang ang mga guro at mga social workers sa B1 category. Ngunit para kay Gatchalian, dapat nang isama ang mga guro sa A4 priority list kasama ang mga frontline personnel ng mga essential sectors.

# # #

News Latest News Feed