Press Release
April 19, 2021

Villanueva: Growing number of community pantries is 'bayanihan in action'

Senator Joel Villanueva today lauded the "community pantry" phenomenon that is fast growing among the villages and neighborhoods in the country, spreading the spirit of "bayanihan" among members of the populace and helping in filling the gaps in government aid in some areas.

"I think it is 'Love thy neighbor' in practice, and the classic bayanihan in action. It is an indicator of our people's selflessness, and, sadly, an indictment of their government's many weaknesses in giving help," Villanueva explained.

"This is a way of responding to the urgent call of communities for help. But to survive the pandemic, we need the government to be more precise in its action. I hope that the community pantries continue to inspire us. I hope it also inspires the government to act fast," he added.

What started out as just one community pantry in Maginhawa Street in Quezon City has been replicated in dozens more areas not only in Metro Manila, but in places such as Baguio City, Pangasinan, Pampanga, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Camarines Sur, and as far as Iligan City, among others.

"This is a teachable moment for those in the public sector. First, that there is a deep reservoir of compassion among our people waiting to be tapped. Second, that kindness can mobilize people more than the language of hate and fear," Villanueva explained.

"When people are putting rice in the empty pots of their neighbors, they are banging those pots as well to call the government's attention to their plight," he continued.


Villanueva: 'Bayanihan spirit in action' ang mga nagbubukas na community pantry

Nagbigay-pugay si Senator Joel Villanueva sa dose-dosenang community pantry na binuksan ng mga pribadong indibidwal sa iba't ibang lugar upang tumulong sa mga nangangailangan.

Aniya, isa itong patunay na ang pinaka-hinahangaang katangiang Pilipino na "bayanihan" ay buhay na buhay sa mga komunidad sa dami ng mga community pantry na nagbukas nitong nakaraang linggo.

"Ito po ang malinaw na pagsasabuhay ng 'Mahalin mo ang iyong kapwa,' at 'bayanihan spirit in action.' Dito po natin makikita ang katangian ng mga Pinoy na likas na mapagbigay at hindi makasarili. Nakakalungkot din pong isipin na ipinapakita rin nito ang kahinaan ng ating pamahalaan sa pagtulong," ani Villanueva.

"Ito po ay isang paraan sa pagtugon sa panawagan ng ating mga komunidad para sa tulong. Pero kung kakayanin natin ang pandemyang ito, kailangan ng ating gobyerno na maging mas sensitibo sa pangangailangan ng mga tao," ayon kay Villanueva.

"Sana patuloy po tayong makakuha ng inspirasyon sa mga community pantries na ito at sana ay mahikayat din ang gobyerno na kumilos ng mas mabilis," dagdag pa niya.

Nagsimula ang community pantry sa isang lugar sa Maginhawa Street sa Quezon City noong nakaraang linggo. Naging viral sa social media at napakarami na ang sumunod at nagtayo ng kani-kanilang mga community pantry sa mga lugar tulad ng Metro Manila, Baguio City, Pangasinan, Pampanga, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Camarines Sur at Iligan City.

"Sana mas ma-inspire po ang ating gobyerno sa mga kapita-pitagang indibidwal na nakaisip nito. Patunay po ito na malalim ang balon ng pakikipagkawang-gawa ng ating mga mamamayan pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan. Mas nauunawaan po ng mga tao ang konsepto ng kabutihan kaysa sa wika ng takot at pangamba," ani Villanueva.

News Latest News Feed