Press Release February 7, 2022
'GOOD JOBS' Senator Risa Hontiveros on Monday committed to fight for 'good jobs' ahead of the 2022 polls. "Hindi lang basta-basta 'jobs,' kundi good jobs. Sa panahon ngayon, bukod sa malusog na katawan, dapat, healthy rin tayong nakakapag-hanapbuhay. Bigyan natin ang lahat ng mga Pilipino ng dignidad sa trabaho. Ang manggagawang Pilipino ang bumubuhat at nag-aangat sa ekonomiya ng bansa. Ang pag-aalaga sa ating mga manggagawa ay pag-aalaga sa kalusugan at kabuhayan ng bawat Pilipino," Hontiveros said. The senator then highlighted that she has in fact fought for the rights and welfare of the most important workers in this pandemic - our frontliners, the healthcare workers and non-medical personnel of our hospitals. "Naipaglaban natin sa 2022 budget ang maidagdag ang P474 million na pondo para sa mga janitor, security personnel, orderlies, at iba pang non-medical staff ng ating mga ospital. Dapat sinusuklian ang kanilang paghihirap ng karapat-dapat na benepisyo at allowance," Hontiveros said. The senator also stressed that one of the bills she co-authored institutionalizes benefits and allowances for health workers during health emergencies. "This will be transmitted to Malacanang for the President's signature. Kaunting tumbling na lang, magiging mas makabuluhan na ang suporta para sa ating mga health workers ngayong panahon ng pandemya," Hontiveros said. Hontiveros committed that she will continue to protect and defend the welfare of workers from across sectors, such as fisherfolk and farmers, among others, underscoring the importance of dignity and decency of work as primary anchors for COVID-19 recovery. "Hindi tayo dapat magsawang magtanod sa West Philippine Sea, na siyang tanging pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga maliliit na mangingisda sa Pangasinan, Bataan, Zambales, Palawan at iba pa. Tulungan natin ang mga magsasaka, lalo na ang mga kababaihan, na kailangan ng katuwang sa patong-patong na responsibilidad dahil na rin sa epekto ng COVID-19," Hontiveros said. "Ang magkaroon ng maayos na hanapbuhay at dignidad sa trabaho ang dapat maging new normal. Marami na tayong naipaglaban at patuloy na ipinapaglaban para sa Pilipinong manggagawa at kanilang mga pamilya. Many of the landmark legislation of this administration were accomplished through our efforts. I am proud to have worked on bills na ngayon ay batas na at napapakinabangan na ng marami. Marami tayong nagawa at marami pa tayong magagawa," Hontiveros concluded. 'GOOD JOBS' Nangako si Senador Risa Hontiveros na ipaglalaban na magkaroon ng "good jobs" ang mga Pilipino kaugnay ng nalalapit na eleksyon. "Hindi lang basta-basta 'jobs,' kundi good jobs. Sa panahon ngayon, bukod sa malusog na katawan, dapat, healthy rin tayong nakakapag-hanapbuhay. Bigyan natin ang lahat ng mga Pilipino ng dignidad sa trabaho. Ang manggagawang Pilipino ang bumubuhat at nag-aangat sa ekonomiya ng bansa. Ang pag-aalaga sa ating mga manggagawa ay pag-aalaga sa kalusugan at kabuhayan ng bawat Pilipino," ani Hontiveros. Binigyang-diin ng senadora na nauna na niyang ipinaglaban ang karapatan at kapakanan ng mga pinakamahalagang manggagawa sa pandemyang ito - ang ating mga frontliner, mga healthcare worker at non-medical personnel sa mga ospital. "Naipaglaban natin sa 2022 budget ang maidagdag ang P474 million na pondo para sa mga janitor, security personnel, orderlies, at iba pang non-medical staff ng ating mga ospital. Dapat sinusuklian ang kanilang paghihirap ng karapat-dapat na benepisyo at allowance," ayon kay Hontiveros. Dagdag pa niya, kasama siyang nag-akda ng panukalang batas na magsasabatas ng mga benepisyo at allowance para sa mga health worker sa panahon ng health emergencies. "This will be transmitted to Malacanang for the President's signature. Kaunting tumbling na lang, magiging mas makabuluhan na ang suporta para sa ating mga health workers ngayong panahon ng pandemya," ani Hontiveros. Nangako si Hontiveros na patuloy niyang poprotektahan at ipagtatanggol ang kapakanan ng mga manggagawa mula sa iba't ibang sektor, tulad ng mangingisda at magsasaka. Aniya, napakahalaga na makapagbigay ng disenteng trabaho na may dignidad upang makabangon ang bansa sa epekto ng COVID-19. "Hindi tayo dapat magsawang magtanod sa West Philippine Sea, na siyang tanging pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga maliliit na mangingisda sa Pangasinan, Bataan, Zambales, Palawan at iba pa. Tulungan natin ang mga magsasaka, lalo na ang mga kababaihan, na kailangan ng katuwang sa patong-patong na responsibilidad dahil na rin sa epekto ng COVID-19," sabi ni Hontiveros. "Ang magkaroon ng maayos na hanapbuhay at dignidad sa trabaho ang dapat maging new normal. Marami na tayong naipaglaban at patuloy na ipinapaglaban para sa Pilipinong manggagawa at kanilang mga pamilya. Many of the landmark legislation of this administration were accomplished through our efforts. I am proud to have worked on bills na ngayon ay batas na at napapakinabangan na ng marami. Marami tayong nagawa at marami pa tayong magagawa," pagtatapos ng senadora. |
Tuesday, October 8
|