Press Release
August 3, 2022

Sen. Tulfo plans to immediately address power outages in provinces, hold culprits accountable

Senator Idol Raffy Tulfo bared his plans to prioritize energy-related measures that will lessen the extra burden on Filipino consumers, especially those who are reeling from high electricity cost and rotational blackouts in far-flung areas.

In the first committee briefing he called for as Chairman of the Committee on Energy with Committee Secretary Grace Ann Salesa at the Recto Room of the Senate of the Philippines yesterday, August 3, Tulfo said he will also hold accountable public officials and other private personalities involved in anomalies in the generation, transmission, and distribution of energy.

"I came to know the many problems facing consumers, lalo na ang mahihirap, from my show 'Wanted sa Radyo.' Kaya ngayong nandito na ako sa Senado, sisiguraduhin kong maaksyunan ko agad ang mga kinakaharap na problema ng taumbayan, lalo na ang madalas na brownout sa mga probinsya, kabilang na diyan ang Palawan, Bataan, at Davao," he said.

"Maniningil din ako. For one, kung kailangan ipatawag, ay ipapatawag natin ang mga politikong kapitalista, who, often than not, ay kasosyo o direktor ng electric cooperatives na dahilan ng frequent brownout sa mga probinsya."

"Regardless if they are my friends or not, maniningil ako, because that's my promise to the Filipinos who voted for me: That once I get elected as a Senator, I'll make sure na lahat ng nilapit nila sa akin na problema ay madidinig sa Senado. I want to hold Senate hearings as soon as possible. Dapat aksyon agad," he added.

To properly address other energy-related issues, Tulfo said he is ready to set meetings and hear the proposals of experts and stakeholders.

"Araw-araw ay mayroon tayong mga kababayan na nagdurusa dahil sa problema sa enerhiya, at nandito ako bilang boses at kakampi nila sa Senado. We can invite stakeholders that can give us guidance and inputs, as well as tell us why several problems keep on happening and how we can solve them," he stressed.

Tulfo attended the said briefing with his Communications and Legislative staff members yesterday wherein they also covered topics such as the conduct of committee hearings, interpellation process, the list of bills passed and unfinished bills in the 17th and 18th Congress, and the list of priority bills for the 19th Congress.

The priority bills under the Energy Committee this 19th Congress include, among others, Senate Bill (SB) No. 358 of the "Recoverable System Loss Act," SB No. 151 or the "Waste to Energy Act" and SB No. 156 or "Energy Advocate Act."


Tulfo: Oras na para panagutin ang may pakana ng madalas na brownout sa probinsya

Nakipagpulong kahapon si Sen. Idol Raffy Tulfo kay Senate Energy Committee Secretary Grace Ann Salesa para pag-usapan ang mga hakbang upang mabilis na maaksyunan ang mga problema sa enerhiya, kabilang na ang madalas na brownout sa iba't-ibang probinsya at mataas na presyo ng kuryente.

Plano ding panagutin ni Sen. Idol, Chairperson ng Senate Committee on Energy, ang mga pulitiko at iba pang pribadong personalidad na sangkot sa mga anomalya sa generation, transmission, at distribution ng enerhiya sa bansa.

"Nalaman ko ang problema ng mga consumers, lalo na ang mga mahihirap, sa pamamagitan ng aking show na 'Wanted sa Radyo.' Kaya ngayong nandito na ako sa Senado, sisiguraduhin kong maaksyunan ko agad mga kinakaharap na problema ng taumbayan, lalo na ang madalas na brownout sa mga probinsya, kabilang na diyan ang Palawan, Bataan at Davao," saad niya.

"Maniningil din ako. Una, kung kailangan ipatawag, ay ipapatawag natin ang mga politikong kapitalista na maaaring kasosyo o direktor ng electric cooperatives na dahilan ng madalas na brownout sa mga probinsya," dagdag niya.

"Kaibigan ko man sila o hindi, maniningil ako, dahil iyan ang pangako ko sa mga Pilipinong bumoto sa akin: Kapag ako ay naging Senador na, lahat ng nilapit nila sa akin na problema ay madidinig sa Senado. Magsasagawa ako ng mga pagdinig sa Senado sa lalong madaling panahon. Dapat aksyon agad," he added.

Upang maayos na matugunan ang iba pang isyu na may kinalaman sa enerhiya, sinabi ni Tulfo na handa siyang magtakda ng mga pagpupulong upang marinig ang mga panukala ng mga eksperto at stakeholders.

"Araw-araw ay mayroon tayong mga kababayan na nagdurusa dahil sa problema sa enerhiya, at nandito ako bilang boses at kakampi nila sa Senado. Maaari kaming mag-imbita ng mga stakeholders na maaaring magbigay sa atin ng gabay at mga input, para malutas ang mga kinakaharap na problema ng taumbayan," he stressed.

Dumalo si Tulfo sa nasabing pagpupulong kasama ang kanyang Communications at Legislative staff. Napagusapan din dito ang mga naipasang bills at ang mga unfinished bills noong 17th at 18th Congress, gayundin ang mga priority bills ngayong 19th Congress.

Ilan sa mga priority bills sa Komite ng Enerhiya ngayong 19th Congress ay ang Senate Bill (SB) No. 358 o tinatawag ding "Recoverable System Loss Act," SB No. 151 o ang "Waste to Energy Act" at SB No. 156 o ang "Energy Advocate Act."

News Latest News Feed