Press Release
August 4, 2022

Tulfo wants budget increase and more lawyers for PAO

Senator Idol Raffy Tulfo underscored the need for the government to beef up the Public Attorney's Office (PAO) by increasing its budget and current pool of lawyers who are giving legal assistance to indigent parties.

During a courtesy visit by PAO Chief Persida Acosta at his Senate office yesterday, Tulfo said he will cooperate with the agency to help them serve more Filipinos.

"Gagawin natin ang ating makakaya para madagdagan ang budget ng PAO. Kahit ano man ang matutulong ng tanggapan ko, gagawin natin," he said.

"Napapansin ko ngayon sa PAO ay walang tumatagal. Kukuha lang ng experience, tapos lumilipat na. Kasi overwhelmed sa trabaho. Dapat for every court, mayroong enough PAO," he added.

According to Acosta, the current count of 2,400 lawyers nationwide under PAO is not enough, stressing that all of them are overworked.

"Overworked sila. After five years, nagfifiscal na sila or nagjajudge. Lumilipat kasi napapagod," said Acosta.

PAO is the agency assigned to extend free legal assistance to indigent persons in criminal, civil, labor, administrative and other quasi-judicial cases.

While the PAO lawyers are lacking in number, Tulfo said he hopes that the public lawyers can ensure that the indigent parties can get the justice that they deserve.

"Although alam kong kulang, pero as much as possible, sana ay mayroong enough assistance ang indigent parties pagdating sa inquest level. kasi kung minsan yung Fiscal, nagdedecide din basta-basta na kulang sa ebidensya," he said.

"Kasi meron akong natanggap na kaso noon, hindi ko makakalimutan 'yun. Bodegero siya, pinagbintangan siyang nagnakaw, wala namang ebidensya na siya'y talagang nagnakaw. Base lamang sa sabi ng isang kasamahan niyang bodegero din na umalis na. Tinuluyan siya," he added.

Sen. Idol nevertheless thanked Acosta for PAO's consistently swift action on several cases his show, "Wanted sa Radyo," referred to the agency.


Tulfo: Dapat dagdagan ang budget at abogado ng PAO

Binigyang-diin ni Senator Idol Raffy Tulfo ang pangangailangan ng gobyerno na palakasin ang Public Attorney's Office (PAO) sa pamamagitan ng pagdadagdag ng budget at mga abogado na parte ng ahensya.

Sa courtesy visit ni PAO Chief Persida Acosta sa opisina ng Senador kahapon, sinabi ni Tulfo na makikipagtulungan siya sa ahensya para mas epektibo itong makapagbigay-serbisyo sa mga Pilipino.

"Gagawin natin ang ating makakaya para madagdagan ang budget ng PAO. Kahit ano man ang matutulong ng tanggapan ko, gagawin natin," saad ng Senador.

"Napapansin ko ngayon sa PAO ay walang tumatagal. Kukuha lang ng experience, tapos lumilipat na. Kasi overwhelmed sa trabaho. Dapat for every court, mayroong enough PAO," dagdag niya. Ayon kay Acosta, hindi sapat ang kasalukuyang 2,400 abogado sa buong bansa sa ilalim ng PAO.

"Overworked sila. After five years, nagfifiscal na sila or nagjajudge. Lumilipat kasi napapagod," aniya Acosta.

Kahit kulang sa bilang, sinabi ni Tulfo na umaasa siyang masisiguro pa rin ng PAO na matatrato ng tama at mabibigyan ng hustisya ang lahat ng nangangailangan ng tulong ng ahensya.

"Hanggang kaya, sana ay mayroong enough assistance ang indigent parties pagdating sa inquest level. kasi kung minsan yung Fiscal, nagdedecide din basta-basta na kulang sa ebidensya," ani Tulfo.

"Kasi meron akong natanggap na kaso noon, hindi ko makakalimutan' yun. Bodegero siya, pinagbintangan siyang nagnakaw, wala namang ebidensya na siya'y talagang nagnakaw. Base lamang sa sabi ng isang kasamahan nyang bodegero din na umalis na. Tinuluyan siya," dagdag niya.

Gayunpaman, pinasalamatan ni Sen. Idol si Acosta sa mabilis na pagkilos ng PAO sa ilang kaso na ni-refer nila sa ahensya mula sa programang "Wanted sa Radyo."

News Latest News Feed