Press Release
November 9, 2022

Robin to DBM: Let's Help Each Other Strengthen BARMM's Budget, Finance System

Nearly five years after the Bangsamoro Organic Law was ratified, it is high time to strengthen the budget and finance system of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) to ensure its success.

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this Wednesday as he posed questions to officials of the Department of Budget and Management (DBM) as the Senate tackled the 2023 budget bill in plenary.

"Ang nais natin ay maging successful ang BOL at BARMM. Gusto lang nating maging malinaw kung papaano po masusunod lahat na pinagusapan sa batas na ito. At sana po hihingin din po natin sa DBM na sana po ay mapabilang po ang opisina natin na isali po nila sa pagre-report. Sapagka't tayo po bilang Muslim na representante, tayo po ay very concerned sa kahihinatnan po ng BARMM (We want to see the Bangsamoro Organic Law and BARMM succeed. So we want to be clear that the BOL is implemented properly. Thus I ask the DBM to include us in its updates because as a Muslim, I am very concerned about the BARMM)," said Padilla, a Muslim.

"Kaya sana po tayo po ay mapabilang sa kanilang reporting at kung ano man ang mga gusto nilang maipanukala po nating batas para masuportahan po ang pagtagumpay ng BARMM, hinihingi po natin (So I hope we will be included in the reporting of the DBM, as well as be informed on what legislation is needed to support the success of the BARMM)," he added.

In asking for recommended legislation to enhance the Bangsamoro Government's capacity by way of fiscal policies, Padilla said it is important that BARMM be capacitated financially.

"Higit sa ano pa man ay upang makapag-generate sila ng sarili nilang kita para tustusan ang mga iba pang mga development programs and projects nila para sa mga Moro. Partikular po dito ay ang pagbabalangkas ng Bangsamoro Transition Authority ng Revenue Code (More than anything, this is so they can generate their own revenues to fund their development programs and projects - particularly the Bangsamoro Transition Authority's drafting of a Revenue Code)," he said.

Padilla also asked for updates on the review of the Intergovernmental Board.

Likewise, he reiterated his support for the budget even as he stressed he will keep watch over how government programs are implemented. He added he is ready to demand accountability on the accomplishments of concerned agencies in Senate hearings in 2023.

"Tayo din po ay maniningil sa mga accomplishments nila sa pagdinig ng Senado sa pambansang budget sa susunod na taon (We will demand accountability from agencies regarding their accomplishments, when the Senate holds hearings on the budget next year)," he said.

Senate Finance Committee Chairman Juan Edgardo Angara assured Padilla that Padilla's office will be given updates on developments involving BARMM. Angara also thanked Padilla for watching the implementation of government programs. "Kadalasan siya (Padilla) ang pinakauna, nauna sa chairman, nauna sa secretary ng Department. Definitely maganda ang kanyang pinakita (Padilla has been early in hearings, coming in before the secretaries of the departments. Definitely he is doing something good)," said Angara.

For his part, Senate President Juan Miguel Zubiri likewise thanked Padilla "na ang puso ay taga-Mindanao at puso niya sa ating kapatid na Muslim (for having a heart for Mindanaoans and Muslims)."

"Talagang tinututukan po natin yan Ginoong Sen. Robinhood Padilla na ma-release palagi ang block grant para masagawa nila programa nila doon (Padilla is keeping tabs on the release of the block grant so the BARMM can implement its programs)," Zubiri said.


Robin sa DBM: Magtulungan Tayong Pagtibayin ang Budget at Pananalapi ng BARMM

Halos limang taon matapos ratipikahin ang Bangsamoro Organic Law, dapat nang pagtibayin ang sistema ng budget at pananalapi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para magtagumpay ito.

Iginiit ito nitong Miyerkules ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla, na nagharap ng mga tanong sa mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) nang tinalakay ng Senado sa plenaryo ang panukalang budget para sa 2023.

"Ang nais natin ay maging successful ang BOL at BARMM. Gusto lang nating maging malinaw kung papaano po masusunod lahat na pinagusapan sa batas na ito. At sana po hihingin din po natin sa DBM na sana po ay mapabilang po ang opisina natin na isali po nila sa pagre-report. Sapagka't tayo po bilang Muslim na representante, tayo po ay very concerned sa kahihinatnan po ng BARMM," ani Padilla, na isang Muslim.

"Kaya sana po tayo po ay mapabilang sa kanilang reporting at kung ano man ang mga gusto nilang maipanukala po nating batas para masuportahan po ang pagtagumpay ng BARMM, hinihingi po natin," dagdag ng mambabatas.

Sa pagtanong kung may rekomendasyon na maaaring makatulong ang Kongreso upang mas mabigyang kapasidad ang Bangsamoro Government sa usapin ng mga polisiya sa pananalapi, ipinunto ni Padilla na napakahalagang mabigyang kapasidad ang BARMM sa usapin ng pananalapi.

"Higit sa ano pa man ay upang makapag-generate sila ng sarili nilang kita para tustusan ang mga iba pang mga development programs and projects nila para sa mga Moro. Partikular po dito ay ang pagbabalangkas ng Bangsamoro Transition Authority ng Revenue Code," aniya.

Tinanong din ni Padilla kung may plano na sa pag-review ang Intergovernmental Board.

Ipinahayag din ni Padilla ang kanyang suporta sa pambansang budget at sa mga ahensya ng pamahalaan, bagama't patuloy siyang magmamatyag at mag-aabang sa implementasyon ng mga magagandang programa sa budget, nguni't iginiit niya na handa siyang maningil sa mga accomplishment ng mga ahensya sa pagdinig ng Senado sa pambansang budget sa 2023.

"Tayo din po ay maniningil sa mga accomplishments nila sa pagdinig ng Senado sa pambansang budget sa susunod na taon," aniya.

Tiniyak ni Finance Committee Chairman Juan Edgardo Angara na isasali ang tanggapan ni Padilla sa sa karampatang updates at development sa pag-uusap sa BARMM. Nagpapasalamat din si Angara kay Padilla sa kanyang pagbantay sa implementasyon ng batas. "Kadalasan siya (Padilla) ang pinakauna, nauna sa chairman, nauna sa secretary ng Department. Definitely maganda ang kanyang pinakita," ani Angara.

Samantala, si Senate President Juan Miguel Zubiri ay nagpasalamat din kay Padilla "na ang puso ay taga-Mindanao at puso niya sa ating kapatid na Muslim."

"Talagang tinututukan po natin yan Ginoong Sen. Robinhood Padilla na ma-release palagi ang block grant para masagawa nila programa nila doon," aniya.

*****

Video: https://www.youtube.com/watch?v=J5O5Rfvz3UQ

News Latest News Feed