Press Release
June 19, 2024

TRANSCRIPT OF KAPIHAN SA SENADO WITH SENATOR WIN GATCHALIAN

Q: On VP Sara's resignation as DepEd Secretary?

SEN. WIN: Oo. Chairman ako ng Basic Education Committee here in the Senate, so I worked with DepEd and Vice President Sara on a regular basis. At unang-una nagpapasalamat ako sa kanyang serbisyo at sa kanyang pagtutok sa education system natin. At marami kaming naumpisahan rin sa pagitan ng EDCOM, which is I am a co-chairperson in DepEd. Ang EDCOM is a legislative created body that will look at the education system of our country. At katrabaho namin on a regular basis ang DepEd. In fact, almost every week nag-mi-meet kami ng DepEd. Kaya marami na kaming naumpisahan para ayusin ang education system natin. At nanghihinayang lang ako dun sa mga naumpisahan natin. Bigyan ko kayo ng halimbawa. Pinag-usapan namin last week yung bullying dahil malaki ang problema natin sa bullying. At meron mga proposals na gusto, na pinag-usapan para ma-reduce yung incidence of bullying natin.

Yung K-10 matatag curriculum na inilunsad early part of this year. Sorry, early part of last year na ipinapatupad na ngayon, at iro-roll out na this coming school year in grades... in four grades. Kindergarten, grade 1, grade 4, and grade 7. If my memory serves me correct. So, in other words, marami kaming ongoing joint programs and joint activities with DepEd. At ang EDCOM ay nakikipag-coordinate, nakikipag-collaborate para maiayos yung problema natin sa education system. Ako na personally, nang hihinayang lang ako dun sa mga naumpisahan.

Q: So, sir, ano yung magiging implication? Lalo na nga doon sa mga programs ng intention, ma-address itong sabi nga natin crisis education sector. At crucial ba yung magiging decision ni Presidente kung sino yung ipapalit sa kanya sa DepEd?

SEN. WIN: I just hope na yung mga Usec na nandoon will stay the same. Dahil sila talaga yung workhorses. Sila yung ma-detalye. Sila yung nasa field.

Sila yung pumupunta on a regular basis sa mga consultative meetings namin. So, I just hope na maiwan sila dahil magagaling sila at nabigyan na ng direksyon. At nakita ko yung...Personally, nakita ko yung inisyatibo ni VP Sara pagdating sa pag-aayos ng problema natin sa education sector natin. For example, she was candid enough and honest enough to admit na meron tayong education crisis. Yung dalawang basic education report niya, ay inamin niya na meron tayong education crisis. At sinabi niya kung ano yung mga solutions na dapat gawin para maialis natin yung bansa natin sa education crisis. So, yung mga solutions, marami doon na umpisa na. Kaya, importante mapagpatuloy yun. Dahil itong education crisis natin, hindi rin makakabuti kung palit tayo ng palit ng polisiya.

Q: So, maganda pa yun, sir, na magkakaroon pa ng one month na turnover. Kasi ang effectivity, July 19, it means may one month pa. Para sa pag-turnover sa magiging bagong DepEd Secretary.

SEN. WIN: Typically, sa mga ganitong resignation, meron talagang turnover yan. At importante yung maayos yung turnover. At importante rin na ma-explain mabuti doon sa magiging bagong education secretary, ano yung mga naumpisahan na sa education sector, at ano na yung mga napag-usapan sa pagitan ng EDCOM at ng Department of Education.

Q: So, sir, nagulat ka? O parang expected na rin na darating sa punto na mag-re-resign si VP Sara as member ng cabinet ng Marcos Administration? Considering nga na bumabanat na yung pamilya ni VP Sara kay PBBM.

SEN. WIN: Ako, nagulat ako dahil, like I said, madalas namin nakaka-interact ang Department of Education. At tuwing humingi kami ng panahon sa Department of Education, in full force sila. Like last week, merong activity yung alternative learning system, full force yung Department of Education. Kaya wala naman akong nakitang problema pagdating sa Department of Education. Nagulat rin ako.

Q: Do you think magiging maayos pa rin yung working relation ng Pangulo at ni VP Sara?

SEN. WIN: Hindi ko masasagot yan. I cannot answer that dahil yan ay sa pagitan nilang dalawa. Ang masasagot ko lang ay aking working relationship with VP Sara as the Department of Education Secretary at yung kanyang team.

Q: And sino sa tingin n'yo, Sir, yung qualified to replace VP Sara sa DepEd?

SEN. WIN: May mga pangalan ako, top of mind, but I have to think about it thoroughly dahil bago lang ito pangyayari. So kailangan pag-isipan mabuti kung sino yung itatalaga dyan. Importante kasi, isang pangunahing dahilan kung bakit itinalaga si VP Sara is because binibigyan ng Pangulo, priority yung education sector. So yung pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa ay concurrently the education secretary. So ganyan kahalaga ang education sa kanya. On top of that, importante rin yung political will ni Vice President. Dahil marami tayong problema sa education system natin. It was divided into three. Kaya Kinailangan ng isang overarching figure, isang tao na may political will para ipagkaisa itong tatlong departamento, Itong TESDA, CHED at DepEd dapat ok ang pagko-coordinate nitong tatlo at ok rin dapat ang kanilang working relationship.

Isang vice president ay may kayang maiayos ang direksyon ng tatlong departamento.

Q: And sir, do you think ang resignation ni VP Sara, buwag na yung Unity Team?

SEN. WIN: I'm part of the UniTeam. Kasi diba last 2022, I ran under the UniTeam ticket. Hindi pa naman namin napag-uusapan kung as a UniTeam, ano yung direksyon ng UniTeam. After the election, very loose yung amin pag-uusap. So, tingin ko. Maaga pa para sabihin kung ano yung magiging kalalabasan ng UniTeam.

GUO HUA PING

Q: So, sir, tungkol dun sa document na na-present n'yo na posibleng ito yung tunay na identity ni suspended Bamban Mayor Alice Guo. Sir, ano yung way para ma-validate na talagang siya yun?

SEN. WIN: Unang-unang, kumbinsido ako na si Guo Hua Ping ay si Alice Guo. Kumbinsido ako doon. Tatlong dahilan. Una, tingnan n'yo lang yung picture ni Guo Hua Ping. Yung similarities, hindi natin matatanggal eh. Talagang hawig na hawig at kamukhang kamukha nya yung bata doon sa application for special investors resident visa. Pangalawa, doon sa dokumentong yan, nakasulat kung sino yung nanay niya. Si Lin Wen Yi. Sa mga naririnig namin information, si Lin Wen Yi, ang nanay, ang biological mother ni Alice Guo. Doon sa application nila for special investor's resident visa, nakasulat doon si Lin Wen Yi ang kanyang mother. At yung address ni Lin Wen Yi doon ay the same address na sa Valenzuela. Nakasulat doon, 58 T. Santiago Street, Valenzuela. Yun ang exactly the same address nakalagay sa incorporation papers ng mga Guo families. T. Santiago Street, Valenzuela City. So, yung papel sa special investors resident visa at yung mga incorporation papers niya na tugma yung address. So, ibig sabihin, consistent si Lin Wen Yi, nakatira doon sa Valenzuela address. At pangatlo, kung titignan natin yung kabuan na storya. Dahil dumating dito si Guo Hua Ping ng 13 years old, talagang wala silang maipapakitang birth records at walang maipapakitang school records. Kaya, nagsinungaling sila doon sa birth certificate. Dahil wala nga maipakitang records. So, ang naging daan nila para mabigyan siya ng Filipino citizen, o Filipino citizenship, ay yung pekeng birth certificate na nag sinungaling yung kanyang tatay at sinabi niya na Filipino siya, Filipino si Amelia Leal, therefore Filipino si Alice Guo. So, in other words, pag titignan mo yung kabuang istorya, parang ngayon lumilinaw na kung bakit pineke yung kanyang birth certificate.

Q: So, sir, can we say wala nang lusot si Mayor Guo dito?

SEN. WIN: Ako, malinaw na malinaw na si Guo Hua Ping ay si Mayor Alice Guo. At magbe-verify pa kami ng mga information para ma-establish yan. But initially, I'm very, very confident na iisang tao si Guo Hua Ping at si Alice Guo.

Q: So, once na ma-establish, sir, lalabas ba na marami tayong batas na nilabag itong si Mayor Guo at ang kanyang pamilya?

SEN. WIN: Well, unang-una, yung birth certificate system natin, nilabag nila. Sinabi ko nga, binaboy nila yung late registration para mabigyan siya ng Filipino citizenship. Dahil kung Filipino citizen ka, pwede ka magtayo ng negosyo, pwede ka bumili ng lupa, pwede ka tumakbo for public office. At kung titignan natin ang kabuuan, nakakatakot rin yung nangyari dahil with this late registration, nakatakbo at talagang nanalo. Sabi ko nga, naisahan tayo dito dahil nanalo itong kandidato na daladala niya yung fake birth certificate niya. At ang nakakatakot dito, baka may iba pang ganitong case sa Pilipinas. Hindi lang natin alam ngayon dahil hindi high profile. But sabi nga ng Philippine Statistics Authority, meron silang 300 na cases of late registration na irregular, of which 60 plus ay nakakuha ng passport. So, makikita natin na talagang malaking reporma ang dapat natin gawin sa pag-i-issue ng birth certificate at ng late registration.

Q: Sir, the mere fact na yung documents galing ng Bureau of Immigration at saka Board of Investment. So, ito rin ba hawak na rin ng Office of the Solicitor General para magagamit nila dun sa quo-warranto case?

SEN. WIN: Magagamit nila yan. Ang aking panawagan sa Office of the Solicitor General, kumuha na ng official documents. Kasi ito pinadala sa Senate. Sila mismo kumuha ng official documents from the Board of Investments, from the Bureau of Immigration, para official yung hawak nilang dokumento.

Q: Although itong si Mayor Guo, sa pamamagitan ng kanyang abogado, dini-deny niya yung documents na hawak n'yo, Sir.

SEN. WIN: Yeah, dahil ang narrative nila, nabuntis ang kanyang kasambahay. Yun ang narrative nila. But if you look at the four late registration birth certificate, kay Alice Guo, kaya Sheila Guo, kaya Siemen Guo, kaya Wesley Guo, pare-pareho yung nanay, si Amelia Leal, in those four late registration birth certificate. So, ibig sabihin, apat na beses nabuntis yung kasambahay.

So, by that alone, parang magdududa ka na na apat na beses nabuntis yung kasambahay nila at ipinanganak apat na, yung magkakapatid na yun.

Q: Ano lang po yung nakikita ninyo na posibleng motibo, why they went through all these lengths para makakuha po ng Filipino citizenship?

SEN. WIN: Yung naturalization process natin, medyo mabusisi. For obvious reason, gusto natin, yung mga dayuhan na gusto maging Pilipino, gusto natin masigurado na may contribution sila sa ating bansa. At magiging mabuting mamayan sila ng ating bansa. So, may proseso dyan, judicial, administrative, and legislative. Kung matatandaan n'yo, dito sa Congress, marami tayong ini-sponsor na maging Pilipino. Iba ay sports personalities, athletes, iba ay tumutulong i-promote yung bansa natin. So, alam natin, itong mga taong to ay magiging produktibong mamamayan ng ating bansa. Tinignan rin namin yung lahat ng legislative naturalization process for the last 20 years, wala kaming nakitang Go Hua Ping o wala rin kaming nakitang Alice Guo. So, hindi siya dumaan dito sa Kongreso. That's for sure. At nag-issue ng PSA na walang naturalization papers si Alice Guo. Nagbigay na sa amin ng certification. So, pinapacheck lang namin sa judicial kung mayroong naturalization process through the judicial route. But, yan kasi mahirap eh. Dapat patunayan mo na maganda yung ginagawa mo dito. Patunayan mo na magiging mabuting mamamayan ka. So, mabusisi rin yung proseso. Pero tama yun, kasi hindi naman tayo pwedeng basta-basta mag-naturalize. Gusto natin, masigurado, matiyak natin na maayos itong ina-naturalize natin.

Q: Pero, obviously, sir, napakarami pa rin loopholes kaya nalilusutan, di ba?

SEN. WIN: Actually, dapat tignan natin yung mas malaking larawan, the bigger picture na naaabuso talaga itong late registration natin. At ang nakakatakot dito, pwede silang bumili ng lupa. Yan ang shortcut para makabili ng lupa. In fact, nung tinignan namin records between 2008 to 2011, si Guo Hua Ping at si Alice Guo, nagta-travel sila in and out of our country. So, ibig sabihin, ginamit ni Guo Hua Ping yung kanyang Chinese passport at ginamit rin niya yung kanyang Filipino passport in and out of our country. We have the passport numbers on record.

Q: So, dalawang passport na yan?

SEN. WIN: Dalawang passport niya. Tumigil lang siya lumipad nung 2011. So, from 2008 to 2011, nakita namin itong dalawang pangalan, si Guo Hua Ping at si Alice Guo, lumilipad at the same time. So, most likely, ginamit niya yung dalawang passport niya.

Q: Sir, next week, may another hearing, yung Committee on Women. So, invited dito ulit si Mayor Alice Guo. At kokomprontahin niya ba about this document?

SEN. WIN: Yes, definitely. Iko-confront namin siya. At gusto namin marinig yung kanyang sagot. But by the statements of his lawyers, obviously, i-deny niya yan. But matibay na matibay na ito. I think itong ebidensya galing sa Board of Investments, matibay at nagpapatunay na si Guo Hua Ping at si Alice Guo, iisang tao lang.

Q: Sir, initiative ng BOI at saka ng BI yung pag-provide sa inyo ng document para makatulong sa investigation ng Senate?

SEN. WIN: Hindi. Nung binigay sa amin ng BI yung passport records ng kanyang ama, si Guo Jiang Jhong at si Lin Wen Yi, nakita namin na yung visa nila is Special Investor's Resident Visa. So that's, yan yung visa na ginamit nila para makapasok at labas sila ng bansa natin. So hiningi namin sa Board of Investments yung mga supporting papers nito. At yun, pinadala nila itong mga supporting papers ng application.

Q: At yun na nakita ninyo?

SEN. WIN: At yun na nakita. Actually, marami yun. May mga iba pa siyang kapatid doon. Doon sa supporting papers.

Q: Sir, yung apat na magkakapatid, nandun po sila lahat sa dependent?

SEN. WIN: Tatlo. Doon sa pinadala ng Board of Investments, ito yung aking personal na analysis. Si Lin Wen Yi, may tatlong anak, pero si Guo Jiang Zhong may ibang kasama o ibang asawa. So dalawang groups ang pinadala. Yung group ni Guo Jiang Zhong na may asawa at anak at pinadala yung kay Lin Wen Yi na may mga anak rin. So dalawang groups ang pinadala.

So ang aking pag-a-analyze, si Guo Jiang Zhong may asawa at si Lin Wen Yi, ibang pamilya. O kinakasama niya o asawa niya. Hindi ko lang alam kung they are married or not. Pero definitely, kinakasama niya yun. At sinabi rin naman sa mga press statements ni, tawag ko na, Guo Hua Ping na si Lin Wen Yi ay kinakasama ng kanyang ama. So inamin niya naman yun eh. So parang nagtutugma yung story na yung kanyang ama may dalawang pamilya. That's my own personal analysis based on the records.

Q: Sir, ang sabi po ng abogado ni Mayor Guo, malayo naman yung itsura. Nung picture doon sa passport kay Mayor Alice, anong masasabi niya po doon?

SEN. WIN: Well, para sa akin, hawig na hawig eh. Hawig na hawig. And again, the next corroborating data, si Lin Wen Yi. Doon sa data, si Lin Wen Yi yung nanay at ang dependent daughter, ang tawag ng BOI, dependent daughter, ay si Guo Hua Ping. So that puts them together in that document. Yung magkasama in that document.

Q: And then you said, sir, na may malaking reporma na dapat gawin sa pag-issue ng documents. Ano po specifically yung dapat mabago?

SEN. WIN: Well, yan ang dapat nating pag-aralan mabuti. Iniisip ko nga na dapat talagang may accountability. Dalawang dapat may accountability.

Una, yung taong nagpanganak, the midwife, the hospital, even yung manghihilot. Dapat siya mismo tumestigo personally, na siya yung taong nagpanganak doon sa bata. Dahil hindi pwedeng blangko yun eh. Yun yung direct evidence na siya yung taong na doon at nakita niya yung bata. Pangalawa, pagdating sa, pag hospital nangyari yan, dapat may accountability rin yung hospital na siya na mag-provide sa register of deeds na talagang pinanganak dito sa amin itong batang to. So nawala yung link na yun eh. Kaya if you look at the late registration, yung hilot, may pangalan pero hindi natin alam kung nasaan. Doon naman sa other late registration nila, may midwife pero walang nakasulat kung ano yung license number. So hindi natin talagang alam kung sino yung taong nagpanganak doon sa bata. Butas yun eh, hindi natin alam yun.

Q: Pero sir, bakit kaya hindi tunay na birthday nila nilagay doon sa birth certificate?

SEN. WIN: That's a very good question. Si Alice Guo at this time is 34 years old, not 37. Based on sa birthday ni Guo Hua Ping. At nung in-issue yung kanyang late registration, 2005. At that time, she was 19 years old. So pagbabawasan mo ng 3 years, yung 19, magiging 17 lang siya. Pero at that time, bumibili na sila ng lupa. Nag-incorporate na sila ng papers. So pag minor ka, hindi ka pwede bumili ng lupa. Hindi ka rin pwede mag-incorporate ng mga corporation. So ang theory ko, again, personal analysis ko, pinatanda niya para si Alice Guo pwedeng mag-incorporate ng mga corporation, pwede rin siya bumili ng lupa. Pero 3 years younger siya. So yun ang aming personal analysis.

Q: So ibig sabihin, sir, 37 years old si Guo?

SEN. WIN: Hindi. She's only 34 kasi ang birthday niya is August 31, 1990.

Q: So additional perjury yun, if ever.

SEN. WIN: Tama ka doon.

Q: And then, sir, may sinasabi yung lawyer niya, si Atty. David, na somehow may violation of the Privacy Act daw yung SALN niya at saka yung identity niya ay hindi dapat mini-made public kasi sinasabit lang nila sa Senate in aid of legislation. Ang dapat at gamit.

SEN. WIN: Lumilihis siya sa pinaka topic eh. I think dina-divert nila yung attention. Hindi naman yung attention. Ang punto dito is yung kanyang pekeng birth certificate, dinoktor ang kanyang birth certificate at idudugtong ko rin ito sa POGO. Siguro sinasabi nila marami kasi nagsasabi na POGO, paano tayo napunta doon. Ito kasi ang naging daan para bumili ng lupa. So kung ikaw ay Pinoy, at nagamit mo yung late registration para maging Pinoy, pwede ka bumili ng lupa. Kung pwede ka na bumili ng lupa, pwede ka na magtayo ng POGO hub, pwede ka na magtayo ng POGO facilities at pwede na pumasok sa iyo ang pera. Ibig sabihin dahil Pinoy ka pwede na i-remit sa iyo ang pera at ikaw na ang magpapatayo, ikaw na bibili ng lupa. So importante itong anggulo na ito kasi nga ang nakikita kong parang direksyon, si Alice Guo ginawang Pilipino para makabili ng lupa, para makatanggap ng pera para makapagpatayo ng POGO so that's the connection that I am looking at.

Q: So pwedeng iforfeit ng government ang lahat ng property?

SEN. WIN: Pwedeng mangyari un dahil magiging defective yung purchase niya.

Q: Yun ba sa tingin mo family lang nina Guo o do you think China sponsored ito?

SEN. WIN: Hindi ko alam yung ganun na anggulo at saka hindi ko masasabi with certainty but right now everything is possible dahil with this late registration kahit sinong dayuhan, ikaw pwede kang maging Hapon, pwede kang maging Koreano, pwede kang maging Nigerian at dumaan ka dito sa late registration at ang sinasabi ko nga kung magiging automatic Pinoy ka through late registration pwede kang bumili ng lupa yun ang medyo dapat nating tignang mabuti dahil kapag bumili ka ng lupa pwede ka nang magpatayo kung ano ang gusto mong ipatayo.

Q: Sir, hingan ko lang po kayo ng reaction, sinabi po nung company Mayor Guo parang they are still inclined na tumakbo sa 2025.

SEN. WIN: Importante yung action ng Solicitor General because judicial process yan, magpa-file sila ng case at dito patunayan ng Office of the Solicitor General na hindi siya Filipino. At yun na nga, nagsinungaling sila doon sa kanilang birth certificate. So importante yan. That's the first step. Dahil kung nangyari yan, then hindi na siya pwedeng mag-file ng Certificate of Candidacy. Dahil isusulat mo doon, are you a Filipino? Hindi niya na mache-check yung box na yun.

Q: So ibig sabihin sir, kailangan kumilos na ng mabilis. Kasi kung malapit na yung filing.

SEN. WIN: Yes, tama ka doon. That's a very good point. Dahil October na yung filing at kung walang kaso or yung kaso pending, technically pwede pa siya mag-file ng Certificate of Candidacy niya.

Q: Pero pwede siya ma-disqualify sir in case na during the campaign lumabas yung result?

SEN. WIN: Ako, I would assume pag final niya yun, maraming taga-Bamban magpa-file ng disqualification because of this. Most likely makakalaban niya bilang alkalde. So magpa-file sya. So babagsak rin doon sa hearing. Pero pag-file mo, hindi automatic yun. Magkakaroon ng hearing, papatunayan mo. So mayroon ring round of due process.

Q: Sir, as pointed out ng mga lawyers ni Guo, sabi nila, he who alleges should prove yung allegation. Meron pa ba sir, iba pang ebidensya, documentary na makukuha pa?

SEN. WIN: Meron pa. Hindi ko lang masabi ngayon kasi we're still in the process of validation pero meron pa na direktang magpapatunay na hindi siya Filipino dahil nanay niya si Wen Yi Lin. Meron pa.

Q: Sir, and then what will happen kung hindi mapatunayan ni Guo yung kanyang Filipino citizenship? What will happen to her?

SEN. WIN: Ang nakikita kong process yan yung kanyang birth certificate ay ma-invalidate at since wala na yung birth certificate niya, invalidated na, hindi na siya magiging Filipino. At ang next step diyan i-determine kung anong nationality siya pero siya na magde-determine nun dahil hindi na natin, Pilipinas to, hindi na natin trabaho i-determine yung nationality niya. Ang trabaho lang natin ay ma-invalidate yung birth certificate niya dahil nga yung mga impormasyon na binigay ay mali-mali. So, but ngayon kung anong nationality niya siya na magpapatunay niyan kung ano yung magiging nationality niya.

Q: Sir, yung in connection dun sa tanong ni Mav, kanina we all know that Pogo only came into existence 2017 ah, 2019 dun sila dumami but there were acts committed by Guo and her father, their family way before nung nagkaroon ng Pogo sa Pilipinas. In fact, as you earlier mentioned nagtayo na sila, nag-incorporate sila ng iba't ibang company na it would appear na hindi naman kumikita ng malaki. Ano sir yung tingin n'yo yung dahilan bakit niya nila dadayain yung citizenship ng mga anak? Magtatayo ng mga company maliliit? Do you think this is part of what you previously mentioned na money laundering yung activity talaga?

SEN. WIN: Hindi ko lang masabi ngayon no but I had a meeting with AMLC, last Friday, nagpa-brief ako hindi ko lang masabi ngayon kasi I told them I'll treat that as an executive session because ongoing pa yung investigation but definitely mabigat yung anggulo ng money laundering and we'll request AMLC to ah, present their findings kung kaya na next Tuesday o kung ano pa ang pwede nilang i-present but definitely yung anggulo ng money laundering mabigat yun. I hope that AMLC can already present some of their preliminary findings sa hearing but yung anggulo na yun should be pursued dahil ang kinakatakutan ko, pag itong money laundering hindi natin mapipigil pumapasok ang pera na hindi natin alam saan nanggagaling at kung nagagamit yan sa politika, nagagamit yan sa iba pang hindi tamang bagay dahil hindi mo alam saan yung source eh, hindi mo rin alam saan ang paggastos. Kaya if you look at the financial statements talagang wala kang makikita doon eh. Pero makikita mo naman sa lifestyle ni Guo Hua Ping, makikita mo naman yung kanyang campaign at nasa social media na hindi siya ordinaryo. Yun bumababa ka sa helicopter, hindi ordinaryo yun, definitely may pinagkukunan sila ng pera.

Q: Sa mga recommendations ng committee likely ba kasama yung pagsasampa ng kasong perjury against the mayor?

SEN. WIN: Possible yan, possible yan ah, lalo na sa kanyang father, sinabi na rin yan ng ah, PSA na pwedeng mag-file ng perjury against the father kasi yung father ang nag-file ng late registration birth certificate. Nananawagan din ako sa PSA na laliman pa yung investigation nila sa sindikato na nangyayari sa loob ng mga civil registrar. Ako naniniwala ako na merong sindikato sa loob eh dahil hindi ito the first time. Ang PSA should investigate also dahil sila yung naging butas eh at hanggang ngayon tuloy-tuloy pa rin yung late registration, kung hindi nila ma-investigate kung sino itong mga sindikato tuloy-tuloy rin tayo nag-i-issue ng fake birth certificates.

Q: Sir, kay Mayor kasi diba um, nung una dineny niya na meron siyang mga kapatid pero eventually inamin niya kasi kasama niya pala pa-abroad yung isa sa mga kapatid. So merong inconsistencies or lying so, yun ang magiging basis din sir, ng recommendation.

SEN. WIN: Pwede rin yun dahil nga nung the first hearing talaga completely outright denial dun sa dalawang kapatid niya pero nung second hearing bumaliktad siya na kilala niya pala at pinoprotektahan raw niya yung mga kapatid niya sa intriga, pero hindi, palusot na lang yun eh sa totoo lang no? And meron rin kaming doon din sa incorporation papers ng mga Guo family ang presidente si Alice Guo, ang treasurer or corporate secretary si Sheila Go so, nakita namin na itong dalawa hindi lang sabay na bumabiyahe magkatrabaho rin no? So, obviously nagsisinungaling siya.

Q: How about contempt, sir?

SEN. WIN: Possible yan.

Q: Kasi dun sa dalawang hearings nire-raise na lagi na nagsisinungaling si Mayor Guo pero bakit hindi pa ho siya nako-contempt?

SEN. WIN: Possible yan. Binibigyan dahil nasabi ng chairman dahil nga public officer siya binibigyan rin natin siya ng kumbaga ng leeway para ipaliwanag yung sarili niya dahil lingkod bayan rin siya. But since ngayon suspended na siya, pag kinontempt siya hindi na siya mayor eh, may vice mayor na na nag-ooperate o nagpapatakbo ng Bamban so posibleng makokontempt siya pag nagsinungaling pa rin siya. Dati kasi pag nagsinungaling siya na-contempt siya, incumbent mayor siya. But since suspended na siya at merong OIC mayor ah, possible na i-contempt siya pag tuloy-tuloy pa rin yung pagsisinungaling niya.

Q: Contempt and detain here in the senate?

SEN. WIN: Yes.

Q: So Sir possible na patong-patong na kaso kakarapin ni Mayor Guo?

SEN. WIN: kaya before I answer that, gusto ko ulit ibalik yung DNA. Mawawala itong accusation sa kanya kung nagpa-DNA siya at si Lin Wen Yi, as simple as that kung si Lin Wen Yi at siya nagpa-DNA at hindi sila mag-ina, mawawala itong lahat itong accusation. So, kung ako sa kanya magpa-DNA test na siya of course full transparency may mga witnesses may media para magkaalaman na kung sino talaga ang nanay niya.

Q: Sir, doon sa hearing ba next week kasama na rin yung nangyaring pag-raid sa Porac, Pampanga?

SEN. WIN: Yes, kasama na according to the committee isasama na yung discussion dito sa raid ng Porac.

Q: And then doon sa hearing doon ba sir involved yung si Dennis Cunanan?

SEN. WIN: Nabasa ko lang sa statement ni Senator Risa being the chairperson, siyempre siya ang may call kung imbitahan si Dennis Cunanan but nabasa ko na inimbitahan siya dahil nga naging consultant siya sa Lucky South 99 at if I'm not mistaken sa Hong Sheng naging consultant siya both of which connected sa human trafficking scamming and torture.

Q: Sir, dito siya itinatakbo ng issue sa Pogo at kay Mayor Alice Guo, do you think mahaba pa ito or malapit na na matapos?

SEN. WIN: I hope na malapit na matapos dahil makikita natin hindi lang human trafficking, scamming, torture ang nangyari pati yung pag-aabuso sa proseso at sistema natin sa late registration, nakahanap ng butas itong mga criminal syndicates eh. Kung hinayaan natin sila at wala tayong gagawin sa late registration natin magiging Pinoy ang mga sindikatong yan. Hindi malayo na magiging Pinoy sila kasi nakakita sila ng butas eh at ang late registration, LGU ang nagpapatakbo niyan so we're talking about 1,600 civil registrar na pwede nilang puntahan at suhulan dahil anywhere pumunta ka dun pwede kang isyuhan ng late registration birth certificate at automatic magiging Pinoy ka.

Q: Sir, dun sa research n'yo meron din ba kayo nakitang similar information sa mga nakuha ni Senator Risa regarding the role of former and present government officials sa operation ng Pogo?

SEN. WIN: May mga names na nag-float during the executive session but hindi ko masasabi but may mga names. Nabanggit ko nga na marami ng connection ng mga nangyayari yung Pogo, yung galamay na kumakalat na may mga names sa political circle.

Q: And also may nabanggit din po kayo na parang lumalabas ang PAGCOR pa yung weakest link dun sa among government agencies that you ask for help para imbestigahan tong Pogo industry.

SEN. WIN: Dahil nga sa conflict of interest nila hindi nila nagagawa yung regulation nang mabuti. Kasi yung conflict of interest nila may regulation power sila at may operational powers. Kumikita sila sa operation pero sa regulation naghihigpit sila. At nakita ko ito yung isa ring butas ng PAGCOR, isang weakness ng PAGCOR na hindi nila nare-regulate itong mga Pogo mabuti dahil kumikita sila sa kabilang banda gusto nila as many Pogo as possible. Bigyan kita ng halimbawa, ito, lumabas rin sa committee hearing

na yung incorporators ng Zun Yuan at ng Hong Sheng lahat pekeng address at pekeng tao hindi mahanap ng committee secretary kung nasaan sila so dapat ang ginawa ng PAGCOR dyan inisa-isa nila mga incorporators pag nakita nilang peke at hindi mahanap yung address kaagad dapat huwag na bigyan ng lisensya pero yung Hong Sheng at Zun Yuan nabigyan ng lisensya kaya naka-operate pa sila.

Q: Can they be held liable on that?

SEN. WIN: Accountable rin sila, definitely that's why hindi lang natin titignan yung accountability ng mga sindikato or ni Go Hua Ping, accountability rin ng PAGCOR, even PSA dapat accountable rin sila dito dahil nga nakita natin na napakalaking butas sa sistema natin itong birth certificate at late registration.

Q: At paano sila sir pa panagutin? Sino magpa-file ng?

SEN. WIN: Well, nag-file ako ng resolution to investigate the birth certificate at late registration. Itong late registration gap natin o late registration problem natin. Para sa akin, mas malalim pa ang dapat natin imbestigahan dito sa late registration, makita talaga natin kung ilang late registration ang mabigyan at ilan doon sa late registration kumuha ng passport. Dahil nakita ko yung trend pag binigyan ng late registration and next step, kukuha ng passport at sasabihin, o Filipino passport ito at Pinoy ako. But pag tinignan mo yung supporting documents, late registration process or late registration birth certificate ang ginawa nila. So may pattern na nangyayari at na-detect na rin yan ng DFA na ganyan ang nangyayari.

Q: Na-establish magkano lang yung pinasok na pera nung tatay? Kasi may declaration doon diba ng pera na dapat lang ipasok dito?

SEN. WIN: Magandang tanong yan. Wala pa akong dokumento dyan Pinapasubmit rin namin yung dokumento tungkol sa investment.

Q: Tapos kung ano-ano mga investment ang pinuntahan ng pera?

SEN. WIN: Doon kay Lin Wen Yi ang investment niya ay sa Valenzuela doon nakasulat yung company niya embroidery. So yun yung nakasulat sa

Special Investors Resident Visa. But as to the amount wala pa kaming hawak na dokumento doon.

Q: Tapos ngayon sir, yung iba pa nilang businesses enough ba yung pinasok nilang pera para mailipat at makapagtayo ng iba-ibang korporasyon?

SEN. WIN: Doon sa papeles na nakita namin hindi kumikita yung kumpanya nila eh. Kung kumikita lang mga 100,000, o 200,000. Yun ang nakita namin At bina-validate namin yan sa BIR. Ipapakita na lang namin yan during the hearing. Dahil ang ultimate, dapat kung kumikita ka nagbabayad ka sa BIR ng iyong income tax. So yun ang aming binabangga. Ang hawak lang namin yung SEC Papers kung saan dini-declare mo rin doon yung kita ng kumpanya mo. Pag kumita ka, i-file up ka rin ang tax return mo para magbayad ka ng buwis.

Q: So hindi kayang ipaliwanag ng pera nilang ipinasok at yung kanilang buhay na sistema ngayon sa Pilipinas?

SEN. WIN: Iba kasi yung dinideclare mo sa SEC at sa BIR iba rin yung pumapasok na pera. Magkahiwalay ito. Pwede kang nalulugi sa declaration mo pero yung perang pumapasok sa'yo malaki. AMLC naman na nakakakita noon. At based sa information na binigay nila malaking posibilidad na may money laundering. Ngayon as to how much at yung detalye hayaan ko na silang mag-explain.

Q: Sir yung mga bangko ba hindi po pwedeng panagutin dahil under the AMLC law kailangan silang mag-declare diba kung mayroon ng sumobra yung pagdi-deposit?

SEN. WIN: Tama ka dyan, dalawa kasi yung dinideclare ng bangko, yun suspicious transaction at yung covered transaction. Tama ka dyan, may angulo rin na pagkukulang ng bangko sa pagbibigay ng on-time information. Dapat tignan din yan. Diba lahat naman tayo dumadaan sa know your, Una-una yung KYC, Know your Client. Alamin mo kung anong pangalan niya. Saan siya nakatira. Sino nanay. Sino tatay. So lahat yun kukunin ng bangko. Pangalawa pag ang transaction mo more than 500,000, tatanungin ka na saan galing yan. Nagbenta ka ba ng lupa? Kumita ka ba sa kumpanya mo? Dividendo ba yan? I-declare mo lahat yan. Pag hindi mo din na-declare yan, nagiging suspicious transaction yan Ibibigay lahat yan sa AMLC. So lahat ng information yung ang tawag ko cash flow in and out, AMLC ang nakakakita niyan. So hiwalay yung declaration sa SEC At BIR, hiwalay yung sa AMLC.

Q: Yung kay Former Secretary Roque, doon sa isang raid diba may nakuhang dokumento na nag-declare nung pati yung EA nga ginagastusan ng ating pamahalaan?

SEN. WIN: Hindi ko pa masyadong, hindi ko pa napag-aralan masyado yung anggulo na yan. But definitely may nakuhang mga dokumento doon sa Porac. Ang mga tanong ko kasi bakit may dokumento doon na ang pangalan Harry Roque. At meron bang relasyon si Harry Roque sa kumpanya doon sa Lucky South 99. Hindi ko pa alam. Honestly hindi ko pa nakita yung yung mga dokumento doon.

Q: So iche-check niya sir kung protector o abogado siya ng mga kumpanyang iyon?

SEN. WIN: Well tsine-check namin lahat. Let's put it this way. Lahat ng mga lumalabas na pangalan tinitignan namin. Bina-validate at ang importante dito validation. Kasi ayaw rin natin magkaroon ng pag-akusa na wala naman basehan no? So mga raw documents na ito na pinag-aaralan palang ngayon.

Q: So ipatatawag din si Roque ng Senado?

SEN. WIN: Chairman lang ang makakasagot niyan.

Q: Sir Isa lang po Bukod po doon sa pag-cancel nung Filipino citizenship kung sakaling mapatunayan, possible din po kaya yung deportation?

SEN. WIN: Possible yan dahil kung hindi ka Filipino dapat may visa ka dito At since hindi naman nag-issue ang DFA, ng Bureau of Immigration and DFA ng Visa, then wala kang, wala kang karapatan na tumira dito sa ating bansa. Dapat lumabas ka. Now ang question saan ka pupunta? Kasi we have to, siya mismo dapat i-establish niya kung ano ba yung nationality niya. Kasi ang missing link nga yung nanay eh.

Q: Pero sir ipadideport ba gano'n? Paano kung may mga violations siyang ginawa dito? Papanagutin ba siya?

SEN. WIN: I think titingnan siguro. Ang mangyayari dyan magfa-file ng kaso yung mga iba't ibang ahensya. Depende sa kasong i-pafile pero isa nga dyan yung parang lumalabas overstaying eh. Dahil hindi ka Filipino no? So titignan lahat yung mga kasong yun.

Q: And sir hindi Mayor Alice pati yung family yung buong family ng Guo?

SEN. WIN: Well based sa Bureau of Immigration wala na dito si Guo Jiang Zhong, wala na rin si Lin Wen Yi. Hindi pa namin na check yung mga ibang personalidad no? Pero yung dalawang allegedly magulang niya wala na dito.

Q: Sir pano pag nagpakasal sa Filipino Citizen?

SEN. WIN: Naisip ko rin yan pero parang act of desperation na siguro yun pag gagawin no. Hindi naman yun yung naging punto eh, prospective na yun pero hindi naman mawawala yung liability mo sa mga ginawa mo in the past.

Q: Sir magiging stateless siya?

SEN. WIN: Parang ganun, parang ganun.

Q: We have laws for yata.

SEN. WIN: I have to review yung mga batas na ganun medyo complicated nga kasi kung mari-revoke ko yung kanyang birth certificate. Unless yung kanyang Chinese passport is still outstanding yun ang hindi ko, hindi natin alam. Yung last time na ginamit ni Guo Hua Ping yung kanyang Chinese passport is 2011 So merong passport number doon.

Q: Sir comment lang po Yung Pagcor daw po kasi aside from yung mga in-issue sa Pogos Meron daw pong in-issue na license sa mga online gambling operators sa targeted towards Filipino market naman. They're about 40.

SEN. WIN: Hindi ko pa napag-aaralan ng mabuti yan. But ang aking initial reaction, huwag naman ito maging e-sabong the second Dahil kung matatandaan natin yung e-sabong ultimo mga elementary students tumataya eh. At dahil nga yung GCASH napakadaling kumuha, madaling tumaya, madaling rin kumuha nung panalo mo. So hindi ko pa napag-aaralan mabuti yung konsepto nito. I think online gaming yata ang tawag. But ang initial reaction ko huwag sa bata. Dahil ang self, ang taya ngayon pag online, anywhere pwede mong gawin eh. At hindi naman mababantayan ng magulang yung kanilang mga anak kung tumataya o hindi.

Q: At sir crucial dito yung role ng mga telecom companies diba? Dahil ito yung online sabi nyo nga pati doon sa mga cybercrime na involving pogo.

SEN. WIN: Oo talking about that malaking papel dito nakita ko may trend no pag nagre-raid. Katakot takot na prepaid sim cards ang nakukuha doon

Kaya naging inutil na ang NTC pagdating sa pag-implementa ng prepaid sim card registration, yung sim card registration law natin mahigpit yun. Dapat pakita mo yung identity tsaka ka bibigyan ng sim card. Pero nakita natin doon sa isang hearing na isinagawa pati unggoy nakakakuha ng sim card. Kaya nakita natin na libo-libong sim card ang nabibili rin nitong mga pogo companies at mga criminal syndicates. Lahat ng raid meron talagang mga sim cards no. Kaya naging inutil yung NTC sa pag-iimplementa nito. At naging ano rin sila, meron rin silang accountability dyan. Dahil hindi lang pwedeng sabihin nila na not a silver bullet or silver ultimate solution. Hindi yun. Ang punto dun, may batas tayo, dapat ipatupad yun. At hindi nila pinapatupad ng mabuti itong batas na ito. Kung meron silang legislative proposal, mag-propose sila. But after two years, wala naman kaming naririnig na legislative proposal.

Q: So nakikita n'yo bang flight risk si Mayor Guo? And if she is, kailangan i-suspend or cancel ang passport? Although sabi n'yo nga meron pa siyang Chinese passport.

SEN. WIN: Kung may Chinese passport siya, easily pwede siyang bumalik ng China. Palamigin muna yung sitwasyon. Wala tayong magagawa dahil Chinese citizen siya. So yan ang pwede mangyari. Possible yan. Possible kung talagang nagigipit na siya.

Q: flight risk, sir?

SEN. WN: Possible. Possible. Possible maging flight risk siya. Possible.

News Latest News Feed