Press Release
June 21, 2024

Robin Stresses Support for 'Hero' Drivers, Local Manufacturers in PUV Modernization Program

Our "hero" jeepney drivers as well as local manufacturers must be the first to benefit from the Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program, and the government must make sure of this.

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Friday stressed this on Friday at the Senate Committee on Public Service's hearing on bills for the PUV modernization program and the phaseout of traditional jeepneys.

"Hindi kami kontra sa modernization. Walang taga-gobyerno ang kokontra sa modernization. Yun lamang po, yun lang sana suportahan po natin ang lokal nating gumagawa, bago natin bigyang importansya ang ating dayuhan katulad ng kilala na, bihasa na (We are not opposing modernization. No one from government opposes modernization. But we must support our local manufacturers before foreign ones)," Padilla said.

"Sa huli't-huli, hindi natin kailanman lilimutin ang ating layuning bigyang proteksyon higit sa sinuman, ang ating mga maliliit na drivers (In the end, we must not forget our goal to protect the small jeepney drivers)," he added.

Padilla pointed out jeepney drivers continue to play a major role in public transport, with a big chunk of students and workers not being able to get to school or work without riding jeepneys.

He added communities would be paralyzed when PUV drivers - who he referred to as "heroes" - would hold jeepney strikes.

Also, Padilla noted that while the PUV Modernization Program aimed to benefit jeepney drivers and passengers by providing for modern jeepneys when it was launched in 2017, many problems have surfaced during its implementation.

"Sa panahon po na tila mas marami ang dumadaing, umaaray, sa isinusulong na programa po ng ating pamahalaan, hindi po tayo maaaring magbingi-bingihan, bilang tayo po ay public official, tayo ay nag-oath na pangangalagaan natin ang ating taumbayan, kailangan natin pakinggan ang ating mga bayaning jeepney drivers (At a time many are complaining about the program, we public officials cannot turn a deaf ear. We took an oath to help our people, we must now help our hero jeepney drivers)," he said.


Robin, Iginiit ang Suporta para sa 'Hero' Drivers, Lokal na Manufacturers sa PUV Modernization Program

Ang ating mga "hero" na jeepney driver at ang lokal na manufacturers ang dapat mauna na makinabang sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program, at ito ang dapat tiyakin ng pamahalaan.

Iginiit ito nitong Biyernes ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Public Service sa mga panukalang batas para PUV modernization program at sa phaseout ng traditional jeepneys.

"Hindi kami kontra sa modernization. Walang taga-gobyerno ang kokontra sa modernization. Yun lamang po, yun lang sana suportahan po natin ang lokal nating gumagawa, bago natin bigyang importansya ang ating dayuhan katulad ng kilala na, bihasa na," ani Padilla.

"Sa huli't-huli, hindi natin kailanman lilimutin ang ating layuning bigyang proteksyon higit sa sinuman, ang ating mga maliliit na drivers," dagdag niya.

Ayon kay Padilla, malaki ang papel ng mga jeepney drivers sa pampublikong transportasyon. Maraming estudyante at manggagawa ang hindi makarating sa paaralan o sa trabaho kung walang jeep, aniya.

Dagdag niya, mapipilay ang pamayanan kung nag-strike ang mga PUV driver na "heroes."

Ipinunto rin ni Padilla na bagama't layon ng PUV Modernization Program na tugunan ang hinaing ng jeepney driver habang tiyaking kumportable ng mga pasahero, lumalabas na ng mga problema sa implementasyon nito.

"Sa panahon po na tila mas marami ang dumadaing, umaaray, sa isinusulong na programa po ng ating pamahalaan, hindi po tayo maaaring magbingi-bingihan, bilang tayo po ay public official, tayo ay nag-oath na pangangalagaan natin ang ating taumbayan, kailangan natin pakinggan ang ating mga bayaning jeepney drivers," aniya.

*****

Video: https://youtu.be/Tb-_9XH73Yw

News Latest News Feed