Photo Release

January 26, 2022

Suporta at papuri , inilatag ni Revilla para sa AFP officers: NAGPAHAYAG nang pagpapakita ng suporta sa Senado si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. para sa kumpirmasyon ng ad interim appointments ng ilang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pangunguna ni General Andres Centino, Chief of Staff ng AFP.

Sinabi ni Revilla na kumpiyansa umano siya sa hindi matatawarang 37 taong serbisyo nito sa AFP, partikular sa mga naging karanasan nito sa mga bahagi ng bansa na kumplikado ang sitwasyon. Pinapurihan din Revilla ang kahanga-hangang panguguna nito na ipatupad ang kanilang mandato bilang kawal ng sandatahang lakas at pagiging Chief of Staff ng AFP.

Kaugnay nito ay nagbigay din papuri at manifestation of support si Revilla kina Lieutenant General ROMEO BRAWNER, JR – Commanding General ng Philippine Army; Lieutenant General CONNOR ANTHONY CANLAS, SR - Commanding General ng Philippine Air Force; Lieutenant General ERNESTO TORRES, JR –Commander ng Northern Luzon Command kabilang na ang iba pang heneral na dumalo sa naturang pagdinig sa Senado.

Ayon pa kay Revilla, hindi lang sa larangan ng pakikidigma niya tinitingnan ang mga heneral kung hindi maging sa naging kontribusyon ng mga ito sa non-combat mission tulad ng pag-asiste para mapabilis ang pababakuna sa mga liblib na lugar at pagtugon sa mga naging biktima ng bagyo.

Sa huli ay taos-pusong nagpasalamat si Revilla sa serbisyo at sakripisyo ng mga dumalong henaral at literal na binigyan niya ito ng saludo.

Photos