Press Release
January 20, 2021

Gatchalian seeks institutionalization of effective parenting amid pandemic woes

Senator Win Gatchalian is seeking the institutionalization of effective parenting that will build the knowledge and skills of parents and parent substitutes to provide quality care during the critical stages of learners' development.

Gatchalian filed Senate Bill No. 1985 or the Parent Effectiveness Service (PES) Program Act which aims to empower and capacitate parents and guardians in their roles, especially amid the challenges caused by the COVID-19 pandemic, which exposed learners to problems of distance learning, psychosocial issues, and increased risks of violence and abuse.

Statistics show the parents' dilemma with their children. From January to March 2020, 129 adolescents, some were as young as 10 years old, were diagnosed to have human immunodeficiency virus (HIV). In 2019, around 500 teenage girls have given birth. Out of the country's population in 2017 of 39.2 million Filipinos aged 6-24 years old, 9.1% represented out-of-school children and youth (OSCY).

The proposed measure covers fathers and mothers, surrogate parents, and caretakers of children below 18 years old. The PES, which will be established in every city and municipality, will build on the capacity of parents and parent substitutes in responding to their parental duties and responsibilities. The program also aims to protect and promote children's rights, foster positive early childhood development, and advance children's educational progress.

"Ang ating mga magulang ang una nating mga guro at mahalaga ang kanilang papel sa iba't ibang yugto ng edukasyon ng ating mga kabataan. Ngayong panahon ng pandemya, malaking hamon ang kinakaharap ng mga magulang, kaya kailangan ng programang magpapaigting sa kanilang kakayahang gabayan ang kanilang mga anak," said the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Included in the PES program modules are the roles and needs of parents and parenting substitutes, the challenges of parenting, child development, keeping children safe from abuse, building the child's positive behavior, health and nutrition, and keeping a healthy environment for the child, among others.

Parents' emotional support is positively correlated with test scores based on a Philippine Institute for Development Studies (PIDS) discussion paper, citing the dismal results of the Philippines in the 2018 Programme for International Student Assessment (PISA).

###

Gatchalian: papel ng magulang sa edukasyon ng mga kabataan dapat paigtingin

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang isang programang magpapaigting sa kakayahan at kaalaman ng mga magulang at "parent substitutes" na magbigay ng angkop na kalinga sa mga kabataan pagdating sa kanilang edukasyon.

Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 1985 o ang "Parent Effectiveness Service (PES) Program Act" upang matulungan ang mga magulang na lalong paghusayin ang pagganap sa kanilang mga responsibilidad, lalo na sa kabila ng mga hamong dulot ng pandemya. Sa panahong ito, maraming mga mag-aaral ang humaharap sa mga suliraning may kinalaman sa distance learning, mga isyung psychosocial, at mas mataas na panganib na makaranas ng karahasan at pang-aabuso.

Ibinahagi ni Gatchalian ang ilang datos na nagpapakita ng ilang hamong kinaharap ng mga kabataan at kanilang mga magulang nitong nagdaang mga taon. Mula Enero hanggang Marso 2020, higit isang-daan at dalawampu (129) na mga kabataan ang nagkaroon ng human immunodeficiency virus (HIV). Noong 2019, may limang-daang (500) mga babaeng teenager ang nanganak. Noong 2017, halos sampung porsyento (9.1) naman sa halos apatnapung (39.2) milyong mga pilipinong may edad na anim (6) hanggang dalawampu't apat (24) ang kabilang sa mga out-of-school children and youth.

Bahagi ng programang PES ang mga magulang, mga "surrogate parents," at tagapangalaga ng mga batang may edad na labingwalo (18) pababa. Sa ilalim ng panukalang batas, ang PES ay itataguyod sa bawat lungsod at munisipalidad. Maliban sa paggabay sa mga magulang, layunin din ng naturang programa na pangalagaan ang karapatan ng mga kabataan, isulong ang positibong "early childhood development", at isulong ang edukasyon ng mga kabataan.

"Ang mga magulang ang una nating mga guro at mahalaga ang kanilang papel sa iba't ibang yugto ng edukasyon ng mga kabataan. Ngayong panahon ng pandemya, malaking hamon ang kinakaharap ng mga magulang, kaya kailangan ng programang magpapaigting sa kanilang kakayahang gabayan ang kanilang mga anak," ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Bahagi ng mga modules ng programang PES ang child development, mga hamon ng pagiging isang magulang, proteksyon ng mga bata laban sa pang-aabuso, pagturo ng magandang pag-uugali, kalusugan at nutrisyon ng mga bata, at pagkakaroon ng isang mabuting kapaligiran para sa kabataan.

Samantala, sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) sa naging resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), ang suporta ng mga magulang ay may kaugnayan sa mga markang nakuha ng mga mag-aaral na lumahok sa pandaigdigang pagsusuri.

News Latest News Feed