Press Release
June 14, 2024

Binay: Teleradyo interview
June 14, 2024

Question: Maganda umaga sa'yo Sen. Nancy Binay, ang miembro ng Senate Committee on Accounts.

Senator Nancy Binay: Maganda umaga sa inyo ma'am. Good morning ma'am. Maganda umaga Doris, at siyempre maganda umaga Alvin at sa lahat ng nanunood at nakikinig ng inyong programa.

Q: Napatawag po kami sen kasi umiinit po ang isyu sa bagong senate building kasi ang dating sa akin at sa iba nating mga kababayan, parang may problema, parang may mali, parang may even anomalya sa paggawa nyan. Once and for all, pakiclarify nga dahil kayo ang dating Senate accounts chairperson, hindi ba? May problema ba sa costing yan?"

SNBA: Yun na nga Alvin and Doris nagtataka ako dahil ilang linggo na ba simula nang magpalitan sa senado, hanggang ngayon hindi pa kami nakakapagusap ni senator Alan. So wala po proper turn over and I am more than willing to answer ang mga tanong niya pagdating sa building. I support ang sinasabi niya na review dahil talaga dapat pag-aralan niya ito bagong building pero ano kasi di ba parang nagbabatuhan, nagsasagutan kami sa media, eh di ba dapat mag-usap kami ang dalawa para kung meron hindi malinaw, mas masasagot ko ng diretso at siya na mismo yung makakarinig. Ang nangyayari ngayon parang sabihin niya may ganitong amount. Parang ako paano mag-cocomment e hindi ko alam kung saan mo hinugot ang amount na yan. Di ba mas maganda na may mga hawak kami na documento at magpapakitaan kami, magkukwentahan kaming dalawa.

Q: So ang parang sinasabi mo kahapon, Sen. ay parang nagmaritets lang si SP?

SNBA: E yan na nga kitang-kita niyo naman nakakailang... in fact si RG Cruz was able to visit the building. Diba mo ang unang pronouncement ng SP Escudero, walang parking ang Senado ang Senate building, e kitang kita naman po na may tatlong basement parking yung building. So hindi ko malaman... and nakakapagtaka po ang dami dami na nilang sinasabi tungkol sa building e hindi pa nga po sila nakakatapak sa bagong Senate building.

Q: So ano ngayon ang Senator? Nandiyan ka pa ba? Naputol?

SNBA: Yes. Naghihintay lang po ako ng tawag ni senator Alan well siguro ngayon hindi ko na siguro antayin ang tawag niya, ako na siguro yung magimbita at pagusapan namin and in the interest of transparency, invite namin yung media para once and for all alam na nila yung mga dapat linawin pagdating sa Senate building.

Q: Parang may weird dun sa mga lumalabas e. Kasi ang dating may mali jan, may mali dito, may anumalya dito. Although sinabi na ni Senate President na wala akong inaakusahang anumalya pero ang dating kasi may mga kuwestiyon.

SNBA: Iyon na nga. Maling mali po ang statements na sinasabi na from 8.9 to 23. Pinapalabas ho nila na ang amount na 8.9. tapos na ang building. E papasend ko sa iyo Alvin ang transcript ng speech ni Sen. Ping Lacson. yan nabubuko tuloy na hindi sila nakikinig pag may nag-speech sa session hall. Na sinabi ho niya na yung amount na 8.6 billion, ano lang yan, structural palang. Ang linaw nakasulat doon this does not include the interior and fit out of the building.

Q: Shell pa lang iyon?

SNBA: Yes. Shell pa lang.

Q: Ang kuwesityon din po ma'am ay bakit ngayon lang nagkakatanungan ng ganyan?

SNBA: Iyon din ang pinagtataka ko. Noong nakukuha ko ang pwesto na to, nagbriefing ako doon sa mga senators, pinakita ko sa kanila ang office sa kanila ang interior. Inutusan ko pa ang mga staff ko na o yung mga bawat senador, paki briefing sila at kung may mga tanong sila whether it's cost, design, sagutin nyo. Ang report sa akin ng staff ko nag briefing sila sa staff ni Senator Chiz so di ko lang alam kung kinwento ng staff ang naging briefing.

Q: ...So do you also feel na parang di magandang pakinggan sa taumbayan na sobrang laki ng budget niyo?

SNBA: Babalikan ko na lang, noong inapprove namin ito noong 2018-2019 si SP Chiz Escudero was part of the senate and he approved itong paglipat ng senado and during that time napag-uusapan na kung magkano aabutin. And nung mga panahon yan hindi rin ganoon kaliit ang amount. 8.6 malaki talaga siya. Pero siguro balikan natin kung saan ba nanggaling si Sen. Lacson kung bakit talagang in spite of the negative backlash, pingersu niya ang paglikat ng New Senate Building No. 1. Alam niyo ba sa GSIS nagbabayad kami ng parking for almost P100M. Parking lang yan a year. So almost 400 ang nagagastos sa space for the offices and may parking pa. So noong pinacompute ko kung magkano na ang ginastos ng senate sa rental e umaabot na kami ng close to 4 billion. Tapos may escalientan pa ang rental every year. Tapos yung facility mismo ng GSIS alam naman natin na ano na yan, ilang years na ba yan.

Q: At hindi mapapasainyo...

SNBA: Hindi pa namin asset di ba? Hindi katulad nitong new senate building. Di ba ngayon mabigat yung gastusin pero at the end of the day pag kinompute mo ang return on investment ata close to 20 years. By that time, ang nag-gastos wala na. Hindi katulad kung magstay kami sa GSIS, patuloy ang rent expense namin. Marami na talagang sakit ang building. One time we had to suspend session kasi nag-brown out tapos may tulo sa floor. Tapos ngayon di ba, nag-cancel din kami dahil nasira ang aircon. So ang dami na niyang sakit na sa tingin ko hindi na siya masosolve through renovation dahil luma na talaga ang building.

Q: Parang kung sa ordinario Madam Senatora, para ka lang nagrerenta na hindi naman mapapasaiyo.

SNBA: Hindi ba lahat naman tayo gusto magkaroon ng sariling bahay. At isa pa din kasi di ba naiinvite kami na bumisita sa ibang parliament. Parang lahat kami ganda-ganda sa... Kasi talagang napakaganda ng mga parliament ng ibang tagka. Tapos iniinvite din namin sila para bumisita sa amin, dito sa Senado talagang walang dignity yung office na parang nakakahiya mag-invite kasi nga nakita niyo naman yung session hall namin, nakakaaawa talaga.

Q: Kung ikaw ang tatanungin dapat ba ituloy ito o ishelve na muna?

SNBA: Sa akin hindi ito pwedeng ishelve. Kasi malaki na ang nagastos di ba? we don't want this building to be a white elephant. Parang maling-mali iyon. Yun talaga ang paglulustay dahil anjan na eh kung nakita niyo sa video, halos sarado na ang building.

Q: So ok lang sa iyo na ituloy with the 23 billion expense?

SNBA: Unang una mali yung 23. Saan galing yang 23? Yan ang gusto ko itanong kay Senator Alan, kung saan mo ba nakuha yang 23. Kasi as far as I'm concerned, ang nabibid-out is 10. Diba? Tapos may budget na additional 10 pero wala pa nagbibid-out. Yun kasi yung statement na naguguluhan ako eh kasi sinabi niya. In fact, naguguluhan ako sa kanilang dalawa kasi Monday nag-announce si SP stop construction. Tapos Tuesday or Wednesday nag-announce si Sen. Alan Cayetano na hindi, tuloy ang Phase 1 and Phase 2. Pero ang Phase 3 hinto, eh gusto ko sabihan, anong ipapahinto niyo sa Phase 3 e wala pa nsisimulan doon. Everything is on the drawing table pa lang. Dahil pinaguusapan pa dahil talagang conscious din ako sa cost kaya back and forth kami, nagahanap kami nang paraan para talaga pababain ang preso. So di ko alam kung saan galing ang 23 billion na sinasabi nila.

Q: Hindi kaya ito is spillover ng away ng Makati at Taguig? Remember ang kapatid mo ang nasa Makati, Binay din? Hindi kaya spillover yan ng away? Kaya mainit sa iyo si Sen. Cayetano?"

SNBA: Kung totoo man yan nakakalungkot di ba? Parang bakit natin parang ang babaw, di ba dapat wag personalin itong trabaho? Dapat magconcentrate kami doon sa trabaho, hindi itong mga away-away ang pinaglalaanan ng panahon.

Q: Hindi ka naman kinukutuban?

SNBA: Siyempre pumasok na din sa isip ko. Yung contractor, siyempre wala naman akong kinalaman doon dahil I was not part of DPWH noong mga panahon na iyon so hindi ko maintindihan. Ako at the end of the day sayang kung bibitawan ang proyektong ito.

Q: Sabi mo last time ma'am 80% ang chance na tatakbong mayor, ano na po ang tyansa ngayon? Anong porsyento na?

SNBA: Siguro soon I will be announcing. Pero sabi ko nga noong nagkaroon ng palitan sa senado, alam niyo Doris at Alvin, itong building na ito, talagang nakakakain ng oras ko. Halos parang every week, 2 days in a week ang binibigay ko sa building. E nung nawala na ang trabaho sa akin, parang naisip ko, this is a sign na may mga bagay na dapat doon ako mag-concentrate. Di ba? Kasi ang panahon ko ay kumbaga masnabibigay ko na. Mas napreprepare ko na yung sarili ko sa bagong tatahakin kong landas.

Q: So nagusapusap na po ang pamilyang Binay?

SNBA: Lagi namang napaguusapan ang pulitika. Pero at the moment if you're asking, patungkol doon sa kapatid ko, kay Mayor Abby, hindi pa rin kami naguusap but I'm hoping soon mangyayari ang ganyang pag-uusap sa aming dalawa.

Q: So 90% tatakbo si Nancy Binay?

SNBA: Sige na nga 90.

Q: Kelan ka magaanunsyo?

SNBA: Malapit na. Nakabreak kasi kami ngayon. So i'm taking this time na talagang mag-concentrate at umikot dito sa Makati para malaman talaga kung, kasi baka ayaw naman pala nila ako dito. So ngayon I'm trying to get yung sentimiyento ng mga kababayan ko dito sa Makati kung gusto ba nila na magsilbi ang isang Nancy Binay sa kanila.

News Latest News Feed