Press Release
May 10, 2024

Cayetanos join forces with TESDA to help mothers achieve dream

"Maraming salamat po sa sponsorship ninyo sa TESDA. Happy Mother's Day po, Senator Pia Cayetano and be happy!"

This was Mary Grace Llaguno's advance Mother's Day message to Senator Pia Cayetano as one of the 60 scholars who completed Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) training and received valuable assistance via tool kits in Marikina City.

The 60 scholars, who took up certification for the Cookery NC III course at the Philippine Academy for Technical and Vocational Skills, Inc. (PATVSI), received the toolkits for cooking and baking from Senator Pia and her brother Senator Alan Peter Cayetano on Thursday that would equip them with the necessary resources to succeed in their vocational career.

All students finished the courses through the sponsorship of the sibling senators in partnership with TESDA in Marikina City.

Llaguno shared that as a mom, some of her best memories with family usually involved cooking good food at home.

"The best po y'ung magkasama kami tuwing Pasko na kasama ko pati asawa ko. OFW kasi siya. Magandang bonding ang magluto kaya the best for me ay sa bahay na magkakasama," she said at the handover of toolkits held at Twinville Covered Court in Barangay Tumana on May 9, 2024.

Additionally, 70 scholars from Asiantouch International Training Institute, Inc. who took up Bread and Pastry NC II certification joined the handover ceremony. They also received toolkits from the Cayetanos.

All the students from PATVSI and Asiantouch International were also provided with aprons care of the senator siblings' show, Cayetano in Action with Boy Abunda.

The event in Marikina City was done in coordination with TESDA, PATVSI, and initiated by former Barangay Captain Ziffred Ancheta.

TESDA PAMAMARISAN Director Maria Gerty Pagaran, TESDA Industry Specialist Les Navarro, PATVSI President Yolanda Olano, and Asiantouch International Training Institute President Mikhail Rodriguez were also present in the event in support of the occasion.

95 more reached in Muntinlupa, Mandaluyong

Simultaneously, the Cayetano team, in partnership with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) also visited the cities of Muntinlupa and Mandaluyong on May 9 to provide livelihood assistance to 95 more individuals in need.

This was done through the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program, which is one of DSWD's social welfare services that offers aid in the form of food, livelihood, medical, educational, among others, to various families and individuals in need.

In Muntinlupa City, 34 teachers and Padel coaches were given assistance to help them with their daily living.

In Mandaluyong City, 61 fire victims were reached out to help them recover from the fire that razed Barangay Poblacion in early March of this year.

On top of providing recovery aid for the victims, a medical desk was also set up by the senators' team to extend help to those with health needs.

Both events were made possible through the leadership of Muntinlupa City Mayor Rozzano Rufino "Ruffy" Biazon and Mandaluyong City Councilor Rodolfo "Kuyog" Posadas.

These three events emphasize the Cayetanos' initiative for government support to our kababayan, highlighting the power of collaboration and fortifying commitment to assist those in need.


Magkapatid na Cayetano at TESDA, nagsanib-pwersa upang tuparin ang pangarap ng mga ina

"Maraming salamat po sa sponsorship ninyo sa TESDA. Happy Mother's Day po, Senator Pia Cayetano and be happy!"

Ito ang advanced Mother's Day message ni Mary Grace Llaguno para kay Senador Pia Cayetano bilang isa sa 60 scholars na nakatapos ng pagsasanay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at nakatanggap ng mahalagang tulong mula sa senadora sa pamamagitan ng tool kits sa Marikina City.

Tumanggap ng mga tool kit para sa pagluluto at pag-bake mula kina Senador Pia at kanyang kapatid na si Senador Alan Peter Cayetano noong Huwebes ang 60 iskolar na sumailalim sa sertipikasyon sa Cookery NC III sa Philippine Academy for Technical and Vocational Skills, Inc. (PATVSI), upang matiyak ang kanilang tagumpay sa bokasyonal na karera.

Natapos ng lahat ng mga estudyante ang mga kurso sa pamamagitan ng sponsorship ng magkapatid na senador sa pakikipagtulungan ng TESDA sa Marikina City.

Ibinahagi ni Llaguno na bilang isang ina, karaniwang kasama sa pinakamagagandang alaala ng kanyang pamilya ang pagluluto ng masarap na pagkain sa kanilang tahanan.

"The best po y'ung magkasama kami tuwing Pasko na kasama ko pati asawa ko. OFW kasi siya. Magandang bonding ang magluto kaya the best for me ay sa bahay na magkakasama," wika niya habang ipinamimigay ang mga toolkit sa Twinville Covered Court sa Barangay Tumana noong May 9, 2024.

Bukod pa rito, mayroon pang 70 scholars mula sa Asiantouch International Training Institute, Inc. ang sumali sa seremonya. Nakatanggap din sila ng mga toolkit mula sa magkapatid na Cayetano sa kanilang pagtatapos sa sertipikasyon ng Bread and Pastry NC II.

Nabigyan din ng apron mula sa palabas ng magkapatid na senador na Cayetano in Action with Boy Abunda ang lahat ng mga estudyante mula sa PATVSI at Asiantouch International.

Isinagawa ang event na ito sa pakikipag-ugnayan sa TESDA, PATVSI, at sa inisyatiba ni dating Barangay Captain Ziffred Ancheta ng Marikina.

Dumalo rin sa event sina TESDA PAMAMARISAN Director Maria Gerty Pagaran, TESDA Industry Specialist Les Navarro, PATVSI President Yolanda Olano, at Asiantouch International Training Institute President Mikhail Rodriguez bilang suporta sa okasyon.

95 pa ang naabot sa Muntinlupa, Mandaluyong

Kasabay nito, bumisita din ang tanggapan ng magkapatid na Cayetano, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lungsod ng Muntinlupa at Mandaluyong noong May 9 para magbigay ng livelihood assistance sa 95 pang indibidwal na nangangailangan.

Isinagawa ito sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program, isa sa mga social welfare services ng DSWD na nag-aalok ng tulong sa pamamagitan ng pagkain, kabuhayan, medikal, edukasyon, at iba pa, sa iba't ibang pamilya at indibidwal na nangangailangan.

Sa Muntinlupa City, 34 na guro at Padel coaches ang nabigyan ng tulong para matulungan sila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa Mandaluyong City, 61 na nasunugan ang naabot ng tulong upang makabangon mula sa sunog na tumupok sa Barangay Poblacion noong Marso ng taong ito.

Bukod sa pagbibigay ng recovery aid para sa mga biktima, isang medical desk din ang itinayo ng Cayetano team para magbigay ng tulong sa mga may pangangailangang pangkalusugan.

Naging posible ang pamimigay ng AICS sa mga lungsod na ito sa pamumuno nina Muntinlupa City Mayor Rozzano Rufino "Ruffy" Biazon at Mandaluyong City Councilor Rodolfo "Kuyog" Posadas.

Ipinapakita ng tatlong kaganapang ito ang inisyatiba ng mga Cayetano na suportahan ng pamahalaan ang ating mga kababayan, na nagbibigay-diin din sa kapangyarihan ng pagtutulungan at pagpapatibay ng pangako na tulungan ang mga nangangailangan.

News Latest News Feed