Press Release
May 22, 2024

Tulfo to Guo: Don't try to get public sympathy by presenting sad teleserye story

Senator Idol Raffy Tulfo grilled controversial Bamban town Mayor Alice Guo for her inconsistent statements and discrepancies of the documents about her true identity, including the different dates of her parents' supposed marriage.

During the continuation of the hearing of the Senate Committee on Women Children, Family Relations and Gender Equality today, May 22, Tulfo asked Guo about records showing that her parents tied the knot on October 14, 1982 and January 21, 1987, which also contradicts her claim that she is a love child.

Guo repeatedly claimed that she never discussed this with her Chinese father who supposedly took care of her after she was abandoned by her mom, which got the ire of Tulfo.

Tulfo said he is not buying Guo's excuse and reasons, stressing that it is natural human reaction to inquire about your family history especially if you are running for public office.

"Paulit-ulit mong sinasabi sa hearing na ito na kasambahay ang nanay mo.

Pinapalabas mo na kawawa ka at nanggaling sa humble beginnings. Pero siya ay kasal sa papa mo. Maraming butas ang statements mo.

The Senator from Isabela and Davao got more furious when Guo seemingly tried to get the public's sympathy by claiming that she loves her father and doesn't want to blame him.

To this, Tulfo said: "Hindi namin siya sinisisi. Ang samin lang, I'm trying to find out the truth. Nililihis mo ang usapan. Kumukuha ka ng simpatya sa publiko by presenting a seemingly sad teleserye story. We know better."

To really find out the truth about Guo's identity and all allegations hurdled against her, Tulfo asked her to undergo a lie detector test, to which she agreed to.


Tulfo kay Guo: Huwag kang magpa-awa sa publiko gamit ang istoryang pan-teleserye

Kinastigo ni Sen. Idol Raffy Tulfo si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa kanyang mga di nagtutugmang mga pahayag at talamak na discrepancy sa mga dokumento na dapat sana'y magpapatunay sa kanyang pagkatao, kabilang na dito ang petsa ng kasal ng kanyang mga magulang.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ngayong araw, May 22, tinanong ni Tulfo si Guo ukol sa mga record na nagpakita ng magkaibang petsa ng kasal ng kanyang mga magulang — ang nakatala sa isa ay October 14, 1982 samantalang sa isa naman ay January 21, 1987, na siya ring salungat sa sinabi niyang siya raw ay isang love child.

Paulit-ulit na sinabi ni Guo na hindi kailanman ito nila pinag-usapan ng kanyang Tsinong ama na siya ring nag-alaga sa kanya matapos umano siyang inabandona ng kanyang ina, na siya namang nakakuha ng atensyon ni Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na lubos na hindi kapani-paniwala ang alibi at rason ni Guo, binigyang-diin ng senador na natural na reaksyon ng isang tao na magtanong sa tungkol sa kanyang family history lalo pa't tumakbo siya para maging isang lingkod bayan.

"Paulit-ulit mong sinasabi sa hearing na ito na kasambahay ang nanay mo.

Pinapalabas mo na kawawa ka at nanggaling sa humble beginnings. Pero siya ay kasal sa papa mo. Maraming butas ang statements mo."

Lalo pang nanggalaiti ang senador mula Isabela at Davao kay Guo nang subukan nitong magdrama para makuha ang simpatya ng publiko at sinabing mahal niya raw ang ama niya at ayaw niya itong sisihin.

Dito, sinabi ni Sen. Tulfo: "Hindi namin siya sinisisi. Ang samin lang, I'm trying to find out the truth. Nililihis mo ang usapan. Kumukuha ka ng simpatya sa publiko by presenting a seemingly sad teleserye story. We know better."

Para tuluyang malaman ang katotohanan sa sa tunay na pagkatao at mga alegasyon na ibinabato kay Guo, hinikayat niyang sumailalim ito sa lie detector test na siya namang sinang-ayunan ng alkalde.

News Latest News Feed