Press Release
May 23, 2024

Transcript of Sen. Nancy Binay's DWIZ Interview

Question: Ano po ang naging ambiance sa huling araw ng session matapos ang controversial na palitan ng liderato sa Senado?

Senator Nancy Binay: May mga konting kaguluhan kasi alam naman natin na bago na majority floor leader at kahapon mukhang nangangapa pa siya sa bago nyang trabaho so may mga procedures na parang medyo naguluhan kami kahapon so medyo kailangan siyang alalayan. Nakakatuwa lang kasi finally magkakatabi na naman kami nila Senator Migz. Magkakasama na naman kami sa baba.

Q: So namiss niyo isa-isa?

SNBA: Oo kasi lagi kasi syang nasa taas.

Q: Follow up question lang po... magtatayo daw po kayo ng Magnificent 7 po ba at mukhang lilipat sa minority. Ano po nangyari?

SNBA: May bago na kaming pangalan Sir Jon, Solid Seven. Nakita mo naman. Di kami natinag at hanggang sa dulo nag-sama-sama kami.

Q: Wala po ba kayong pinatatamaan diyan Sen. Nancy?

SNBA: Hindi naman. It's a fact. Isa pa parang lahat kami parang naguluhan kasi kahapon nag-file din sila ng resolution na binibigyang pugay ang aming dating Senate President Migz Zubiri, ang aming dating Senate Pro Temp Loren Legarda, at ang aming dating majority floor leader Joel Villanueva. Parang noong isang araw lang tinanggal niyo sila tapos ngayon kahapon, puro papuri. So para lahat kami okay kung ganon naman pala sa tingin niyong naging katangian nila sa pag-perform ng kanilang trabaho, so bakit niyo sila tinanggal?

Q: Hindi po ba kayo nagpulong o nagkaisa na 'wag tanggapin itong mga bagong atang na kumite?

SNBA: Alam mo kasi Jon at the end of the day may trabaho pa rin kami bilang senator at bahagi ng trabaho na yan ang pagkakaroon ng maging chairperson ng isang Senate committee and in fact kahit yung minority si Sen. Risa may meron siyang committee na pinamumunuan.

Q: Bilang dating chairperson ng Senate Committee on Tourism hindi ka ba naninibago na Sustainable Development Goals na ang kailangan mong tutukan?

SNBA: Ganoon talaga Jon I guess kailangan ano ka, kahit saan committee ka malagay kailangan gawin natin ang ating trabaho. Dun naman sa nabanggit mo na plano ng Solid 7, at the moment pinag-iisipan pa din namin kung kami sasama sa minority. So that is still an option for us.

Q: Kindly educate us Senator Binay, kung may chairmanship kayo pwede pa kayo sa minority?

SNBA: Yes. Si Senator Risa part ng minority chairperson ng (committee on) women.

Q: Kasi binabanggit sa interview ko kahapon kay Sen. Dela Rosa na tigilan na raw ang paggamit sa kanya bilang scapegoat at marami talagang pinagugatan ang dahilan kung bakit tuloy ang nagkaroon ng palitan ng liderato ng Senado... Ang tanong ko lamang, after po noon wala na pang chance ang madagdagan ang Solid 7?

SNBA: Di ko masasabi din sa mga kasamahan ko kung... Alam naman di ba depende sa ihip ng hangin yan. Kung mas maganda ang ihip ng hangin sa grupo namin, I'm sure baka ma-isip nila na sumama. At kung titignan mo ang composition ng Senate ngayon, technically we're the biggest bloc. Kasi diba pito kami, tapos may apat na sikat, and then may PDP laban na I think tatlo sila tapos may nacionalista party na three or four din and then yung minority. Kami ang pinakamarami sa isang grupo.

Q: Nung kahapon po ba na kapag 'ika nga'y nung makita-kita kayong muli ng mga bagong leader ng Senado, anong pakiramdam? Nakamove on na po kayo pare-pareho Sen. Binay?"

SNBA: Siyempre kasi hanggang ngayon may mga tanong na hindi nila nasasagot. So hopefully pagbalik namin kasi kahit papano... katulad na lang ng sinabi ni Sen Migz, talagang anong kami heartbroken. Kasi hindi namin alam ang dahilan kung bakit natanggal. Parang hindi naman naging tamad ang mga officers namin. In fact from opening to closing nandoon, laging present. Tapos ang mga trabaho na hindi naman bahagi ng trabaho nila. Iinaako rin nila para lang maipasa ang isang batas. So hindi tamad ang grupo namin pero natanggal. So tanong namin ganun ba ngayon? Masipag ka, tinatanggal ka?"

Q: Ang sinasabi po ngayon kasi sa balita ang dahilan ay ang pagpayag ni Sen. Migz sa PDEA leaks... at ang ilang mga pangunahing panukala na di nakalusot...

SNBA: Alam mo naman sa Senado we are 24 republics. Mas nangingibabaw yung call ng chairperson ng isang committee whether itutuloy niya o ihihinto niya yung hearing niya. Ako, based sa experience ko, the past 11 years never pa nagkaroon na magbobotohan yung mga members para utusan yung chairman na iterminate niya na yung hearing niya. It is always the call of the chairman. Yun yung nirerespeto ni Sen Migz. Kumbaga binigyan niya ng laya si Sen. Bato sa pag-conduct ng hearing niya. If you remember, during the last Congress, yung Pharmally na alam naman natin medyo may patama in a way sa incumbent during that time. Pero hindi namin pinahinto, hindi namin pinigilan si Sen. Gordon ng mag-conduct ng hearing niya.

Q: Kung meron kayong mensahe sa bagong liderato at sa mga bagong kaalyado sa liderato ng Senado, ano po mensahe niyo Sen. Binay?

SNBA: Unang una ang panawagan na hindi macompromise ng pagpapalit ng liderato ang independence ng Senado. Kasi this year lagi na lang inaatake ang Senate as an institution. Actually, hindi first time ito na pagsubok kay Sen Migz, few months ago may ganon na ring ugong pero hindi nagsucceed. Apparently hindi pala sila tumigil because ito nangyari na nga. So sana dahil ilang buwan na lang kami bago magtapos. Gagraduate na and in a few months start na ng campaign. So mas maaga ang break namin so pangalagaan lang yung independence of the Senate at laging iisipin kung ano talaga mas makakabuti sa ating bansa, yung mindset sa mga pagpasa ng mga panukala."

Q: Galit po ba kayo sa kanila?

SNBA: Hindi. More of disappointment. Napakaimportante sa akin yung isang salita at yung courtesy na ano ba naman yung an hour before kami pumunta sa session, nagpasabi na pasensya na kasi sumama na ako sa kabila. Kasi mas madali makamove on I think kesa doon sa nangyari na doon hihingi ng tawad. So yun din nga naguguluhan din ako kasi tinanggal mo ang officers kasi supposed to be meron silang ginawang mali. Kasi what other reason bakit niyo tinanggal di ba? Meron sya pagkukulang. Seatmate ko ngayon si Senator Migz, so lahat sila nung past few days lapit ng lapit, nagpapaliwanag, humihingi ng tawad. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Q: Tinangka po ba yakapin?

SNBA: Parang di ko matandaan.

Q: Any message po sa sinasabi niyong lumipat sa kabila?

SNBA: Marami sila. Remember majority sa 15 kakampi namin.

Q: Huli na lang po tapos na kayo sa 2025? Last term niyo na po di ba?

SNBA: Yes. Sabi ko nga ano ba to magtatapos na lang. It reminds me of my first tthree years. Kasi awkward ang nangyayari ngayon. Parang dati noong nagcoconduct sila ng hearing sa pamilya ko. Iwas ka sa elevator kasi baka meron ka magkasabay. So parang ganoon ang feeling itong lingo na to.

Q: Ano po plano sa pulitika?

SNBA: We are seriously considering na tumakbo sa Makati as mayor.

Q: Hindi sa Taguig a?

SNBA: Hindi ako registered voter sa Taguig e. Yung napunta na barangay hindi din ako dun bumuboto so imposible.

Q: Wala na pong tunggalian sa inyong magkakapatid kung sino ang tatakbo?

SNBA: Well lumalabas din sa balita na yung asawa ng kapatid ko, gusto din niya mag-mayor. Sabi ko at the end of the day ngayong 2025 wala silang nakikita ang dalawang Binay sa balota.

Q: Si Junjun wala na din?

SNBA: Hindi. In fact, ang kapatid ko ngayon tumutulong siya sa akin kasi kasi siyempre kahit papaano, kahit hindi pa tayo 100% decided sa pagtakbo pero di ba may laban na papasukin so kahit papano kailangan, whether or not hindi tumuloy, nnaghahanda na tayo."

Q: Baka may nakaligtaan po ako itanong, nasa inyo po ang pagkakataon mam...

SNBA: Siguro maraming salamat lang sa pagkakataon na mapakinggan na mapakinggan ng ating mga kababayan at siguro reassurance na kahit may bagong role cami ngayon sa Senado, we will always do what is best for our country. Yan na lang ang mindset namin ngayon.

News Latest News Feed