Press Release
May 23, 2024

Hontiveros hails removal of execution bond from Magna Carta of Filipino Seafarers

Note: Please see attached Bicam Conference Committee Report

Senator Risa Hontiveros on Thursday hailed the deletion of the controversial provision that would have mandated the payment of the execution bond as a victory for seafarers, especially those whose finances are strained due to medical costs.

"Salamat sa mga kasama ko sa bicameral conference committee at pinakinggan nila ang ating mga paliwanag laban sa hindi patas at unconstitutional na provision na ito," Hontiveros said. "Masalimuot man ang ating pinagdaanan, sa wakas, ang ating pakikibaka ay nagbunga ng panalo para sa ating mga seafarers."

Had the provision remained, it would have required seafarers to pay a bond before monetary benefits arising from their disability are given to them.

"Walang katwiran ang probisyong ito. Kaya nga hinihingi na agad ng isang seafarer ang mga benepisyong iyan dahil wala na siyang magastos pa. Lubog na nga sa medical expenses, lulunurin pa ng bond? Hindi naman ata tama 'yan," Hontiveros said.

Hontiveros said that with the bill finally moving forward, the Filipino seafarers will be given greater protection from abuses and violations of their rights and welfare.

"Ang batas na ito ay para sa bawat seafarer na tinawag na bagong bayani dahil sa kanilang kontribusyon sa ating bansa at siyempre, sa kanilang pamilya," Hontiveros said. "Naririnig namin kayo, mga kababayan!"


Hontiveros, pinuri ang pagtanggal ng execution bond mula sa Magna Carta of Filipino Seafarers

Tinawag ni Senador Risa Hontiveros na isang malaking panalo para sa mga seafarers ang tuluyang pagtanggal sa kontrobersyal na probisyon sa Magna Carta of Filipino Seafarers na naglalayon na pagbayarin sila ng execution bond, lalo na para sa mga nalubog sa gastusin dahil sa pagpapagamot.

"Salamat sa mga kasama ko sa bicameral conference committee at pinakinggan nila ang ating mga paliwanag laban sa hindi patas at unconstitutional na provision na ito," ayon kay Hontiveros. "Masalimuot man ang ating pinagdaanan, sa wakas, ang ating pakikibaka ay nagbunga ng panalo para sa ating mga seafarers."

Kung nanatili ang probisyong iyon, pagbabayarin dapat ang mga seafarers ng bond bago nila makuha ang monetary benefits dahil sa kanilang kapansanan.

"Walang katwiran ang probisyong ito. Kaya nga hinihingi na agad ng isang seafarer ang mga benepisyong iyan dahil wala na siyang magastos pa. Lubog na nga sa medikal na gastusin, lulunurin pa ng bond? Hindi naman yata tama 'yan," paliwanag ni Hontiveros.

Ngayong uusad na ang batas, sabi ni Hontiveros na mabibigyan ng mas malakas na proteksyon ang mga seafarer mula sa abuso at paglabag ng kanilang karapatan at kapakanan.

"Ang batas na ito ay para sa bawat seafarer na tinawag na bagong bayani dahil sa kanilang kontribusyon sa ating bansa at siyempre, sa kanilang pamilya," dagdag pa ni Hontiveros. "Naririnig namin kayo, mga kababayan!"

News Latest News Feed