Press Release
May 24, 2024

Gatchalian files bill seeking to outlaw POGOs amid mounting public outcry

Senator Win Gatchalian has filed a bill seeking to outlaw operations of Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) in the country amid mounting outcry for such a move as criminal activities linked to the industry continue to rise.

Specifically, Gatchalian filed Senate Bill 2689 which seeks to repeal the taxability of offshore gaming in the country as provided by Republic Act 11590, the only law that legitimizes POGO operations. RA 11590 was signed into law on September 22, 2021 by then President Rodrigo Duterte.

"The main goal is ultimately to outlaw and prohibit offshore gaming operations in the country," emphasized Gatchalian as he filed the proposed measure. The senator chairs the Senate Committee on Ways and Means.

He explained that while the POGO industry has brought in revenue and jobs, the country has grappled with a surge in POGO-related crimes, raising concerns about the overall impact on the industry.

He cited several incidents that have come to the Senate's attention. Such incidents include a police raid in May last year involving Colorful and Leap Group, a POGO hub located in Clark Freeport Zone which led to the rescue of about a thousand foreigners and more than a hundred Filipinos. A separate police raid the following month on Xinchuang Network Technology in Las Pinas accounted for about 2,700 suspected victims of human trafficking.

Another police raid in October last year was conducted against Smart Web Technology in Pasay City, which led to the discovery within its premises of a torture chamber, an aquarium-style viewing chamber, and massage parlors allegedly being used for prostitution. In March this year, a police raid against Zun Yuan Technology in Bamban, Tarlac was prompted by a complaint filed by a Vietnamese national for alleged human trafficking and serious illegal detention.

According to Gatchalian, various atrocities attributed to the industry have generated public outcry for a ban on the industry, further intensified by economic costs brought by such operations.

He disclosed that a cost-benefit analysis conducted by the Department of Finance (DOF) in 2022 showed that POGO operations generated economic benefits worth P133.7 to P144.5 billion annually due to foregone potential investments and tourism revenues, alongside costs associated with enforcement and immigration. This resulted in a net cost of about P3.3 billion to P14 billion annually, equivalent to 0.01% to 0.06% of gross domestic product or GDP, respectively.

"This means that POGO operations have brought more harm than good, as the economic costs greatly outweigh the benefits derived from such operations," he said.

"Beyond the financial impact, the rise in human trafficking and online scams linked to POGOs is a moral failing we must address," he ended.


Gatchalian naghain ng panukalang batas laban sa pananatili ng mga POGO sa bansa

Naghain si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa sa gitna ng malakas na kahilingan ng publiko para sa naturang hakbang dahil sa patuloy na tumataas na bilang ng mga krimen na nauugnay sa industriya.

Partikular na inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 2689 na naglalayong bawiin ang taxability o pagpapataw ng buwis sa offshore gaming sa bansa batay sa itinatakda ng Republic Act 11590, ang tanging batas na naglelehitimo sa operasyon ng mga POGO. Ang RA 11590 ay nilagdaan bilang batas noong Setyembre 22, 2021 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

"Ang pangunahing layunin sa huli ay ipawalang-bisa at ipagbawal ang mga operasyon ng offshore gaming sa bansa," diin ni Gatchalian, sa paghahain niya ng panukala. Ang senador ang namumuno ng Senate Committee on Ways and Means.

Ipinaliwanag niya na habang ang industriya ng POGO ay nagdadala ng kita at nagbibigay ng trabaho, ang bansa ay nakikipagbuno sa pagsawata ng mga krimen na may kaugnayan sa POGO.

Binanggit ng senador ang ilang mga insidente na nakarating sa atensyon ng Senado. Kabilang sa mga naturang insidente ang pagsalakay ng mga awtoridad noong Mayo noong nakaraang taon na kinasangkutan ng Colorful and Leap Group, isang POGO hub na matatagpuan sa Clark Freeport Zone na nagdulot ng pagsagip sa halos isang libong dayuhan at higit isang daan na Pilipino. Isang hiwalay na pagsalakay ng pulisya naman ang naganap noong sumunod na buwan sa Xinchuang Network Technology sa Las Piñas na sumagip sa may 2,700 na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking.

Isa pang raid noong Oktubre ng nakaraang taon ang isinagawa rin laban sa Smart Web Technology sa Pasay City, na humantong sa pagkakatuklas sa loob ng kumpanya ng isang torture chamber, isang aquarium-style viewing chamber, at mga massage parlor na sinasabing ginagamit para sa prostitusyon. Noong Marso ng taong ito, ang raid na isinagawa sa Zun Yuan Technology sa Bamban, Tarlac ay nag-udyok ng reklamo mula sa isang Vietnamese national ng umano'y human trafficking at serious illegal detention.

Ayon kay Gatchalian, ang iba't ibang krimen na iniuugnay sa industriya ay nagdulot ng lumalakas na hiling ng publiko para ipagbawal na ang mga POGO, lalo na't malaki rin ang gastos ng gobyerno sa mga operasyon laban sa mga ito.

Ibinunyag ng senador na ang cost-benefit analysis na isinagawa ng Department of Finance (DOF) noong 2022 ay nagpakita na ang POGO operations ay nakapagbigay ng economic benefits na nagkakahalaga ng P133.7 hanggang P144.5 billion taun-taon. Sa kabilang banda, ang mga operasyon ng POGO ay nagdulot ng pagkawala ng napakalaking halaga na P147.7 bilyon taun-taon dahil sa mga nawalang potensyal na pamumuhunan at kita sa turismo, kasama na ang mga gastos para sa mga raid. Nagresulta ito sa net cost na humigit-kumulang P3.3 bilyon hanggang P14 bilyon kada taon, katumbas ng 0.01% hanggang 0.06% ng gross domestic product o GDP.

"Nangangahulugan ito na ang mga operasyon ng POGO ay nagdulot ng higit na pinsala kaysa sa kabutihan, dahil ang mga gastos sa ekonomiya ay mas malaki kaysa sa mga benepisyong nakukuha mula sa mga naturang operasyon," sabi ni Gatchalian.

"Higit pa sa epekto sa pananalapi, ang pagtaas ng insidente ng human trafficking at mga online scam na nauugnay sa mga POGO ay nagpapakita lamang ng pagkabigo na dapat nating tugunan," pagtatapos niya.

News Latest News Feed