Press Release
October 1, 2020

Gatchalian seeks decongested teachers' workload to prevent burnout

With barely a few days to go before classes in public schools open, Senator Win Gatchalian pointed out the need to spare teachers from a congested workload to prevent burnout amid the country's shift to distance learning.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture warned that bombarding public school teachers with loads of tasks would increase teachers' stress and anxiety levels, which would hamper the effectiveness and quality of instruction for more than 22 million learners enrolled in public schools.

The workload assigned to teachers and principals is one of the issues raised in a Senate panel hearing on the opening of classes. During the said hearing, Philippine Elementary School Principals Association (PESPA) president Dr. Ferdinand Millan asked the Department of Education (DepEd) to stagger the different activities in preparation for class openings.

"There are lots of programs and projects in the central, regional, and division offices on the part of teachers and principals that cause cognitive overload," the PESPA president said.

Gatchalian learned that teachers and principals are "multi-tasking" ahead of the October 5 class opening. On top of preparing for the learning materials, including the printed self-learning modules that will be distributed to learners, teachers and principals are also attending webinars and completing courses on different learning modalities.

To address the issue of congested teacher workload, Gatchalian is seeking a Senate inquiry on the implementation of the Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670), which seeks to improve the living and working conditions of public school teachers. The Magna Carta mandates that public school teachers shall not render more than six hours of teaching in a day. Public school teachers are entitled to additional compensation if their teaching load exceeds six hours or if they perform activities outside their normal duties.

Even with these provisions in the Magna Carta, teachers are burdened with non-teaching tasks, even before the COVID-19 pandemic hit the country, Gatchalian noted.

According to a February 2019 policy paper from the Philippine Institute for Development Studies (PIDS), teachers receive additional designations on student guidance, budget, disaster response, and health. Teachers' participation is also expected in government programs such as mass immunization, deworming, feeding, and election, among others.

"Ang ating mga guro at punong-guro ay maituturing nating mga frontliners sa pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng banta ng COVID-19. Bahagi ng ating pangangalaga sa kanilang kapakanan ay ang panigurong hindi sila natatabunan ng napakaraming gawain. Kung sa simula pa lang ng klase ay pagod na ang ating mga guro, hindi magiging lubusang mabisa ang pagtuturo kung hindi sila nakatutok nang husto dito," said Gatchalian.

"We are all witnesses to the many sacrifices of our teachers who have been struggling to adapt to the new normal way of teaching students through various modalities. They never stop in their efforts to reach out to all students to make sure that they will be onboard when classes open on October 5. We are proud of them!" ended Gatchalian.

# # #

Workload ng mga guro dapat bawasan para iwas 'burnout'---Gatchalian

Ilang araw bago magsimula ang klase sa mga pampublikong paaralan, nagpaalala si Senador Win Gatchalian na hindi dapat matabunan ang mga guro ng ibang mga gawain bilang paghahanda ng pagpapatupad sa distance learning.

Nagbabala ang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na kung patuloy na matatabunan ng mga gawain ang guro, maliban sa pagtuturo, ay lalo silang makakaranas ng stress at burnout. Sa bandang huli, ang kalidad ng pagtuturo para sa mahigit dalawampu't dalawang (22) milyong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang maaapektuhan. Dagdag ng mambabatas, ang pangangalaga sa kapakanan ng mga guro ay isang pagkilala sa sakripisyo nila upang maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya.

Ang workload ng mga guro ang isa sa mga isyung tinalakay sa isang pandinig sa Senado ukol sa pagbubukas ng klase. Ayon kay Philippine Elementary School Principals Association (PESPA) president Dr. Ferdinand Millan, dapat maghinay-hinay ang Department of Education o DepEd sa pagbibigay ng iba pang mga gawain o aktibidad sa mga guro upang hindi sila mapagod.

Sa naturang pandinig, napag-alaman ni Gatchalian na ang mga guro at punong-guro ay nagsasagawa ng "multi-tasking" bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes, ika-5 ng Oktubre. Maliban kasi sa paghahanda ng mga learning materials tulad ng self-learning modules, kailangan ding makibahagi ng mga guro at punong-guro sa mga webinar at mga courses sa iba't ibang pamamaraan ng pagututuro.

Upang matugunan ang mga hamong ito, pangungunahan ni Gatchalian ang isang pagdinig upang masuri ang pagpapatupad ng Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670), isang batas na inihain ng senador na layong balikan ang mga naging pagkakamali o pagkukulang hinggil sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga guro sa mga pampublikong paaralan. Sa ilalim ng naturang batas, hindi dapat lalagpas ng anim (6) na oras ang ilalaan ng mga guro para sa pagtuturo. Kung sakaling lumagpas sa anim na oras ang pagtuturo at kailangan nilang magsagawa ng karadagdang tungkulin, maaaring makatanggap ng karagdagang bayad ang mga guro.

Sa kabila ng mga probisyon sa batas na nabanggit, natatabunan pa rin ang mga guro ng mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo. Bago pa tumama ang pandemya ng COVID-19, isa na itong suliranin na kinakaharap ng mga guro, paliwanag ni Gatchalian.

Maliban sa pagtuturo, nabibigyan din ang mga guro ng karagdagang tungkulin na may kinalaman sa pagba-budget, pagresponde sa mga sakuna, at sa kalusugan ng mga mag-aaral. Ito ay ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS. Ayon pa sa naturang pag-aaral, inaasahan din ang pakikilahok ng mga guro pagdating sa mga programang tulad ng pagbabakuna, deworming, school feeding, at halalan.

"Ang ating mga guro at punong-guro ay maituturing nating mga frontliners sa pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng banta ng COVID-19. Bahagi ng ating pangangalaga sa kanilang kapakanan ay ang panigurong hindi sila natatabunan ng napakaraming gawain. Kung sa simula pa lang ng klase ay pagod na ang ating mga guro, hindi magiging lubusang mabisa ang pagtuturo kung hindi sila nakatutok nang husto dito," ani Gatchalian.

"Saksi tayo sa mga sakripisyo ng mga guro na ginagawa ang lahat ng makakaya para lamang matugunan ang pangangailangan ng sistema ng edukasyon ngayong new normal. Hindi sila humihinto sa kanilang pagsisikap para masigurong magiging maayos ang lahat pagdating ng pasukan. Saludo ako sa mga guro!" pagtatapos ni Gatchalian.

News Latest News Feed